"Ate!" Sinalubong ako ng yakap ni Kristina. Pumikit ako at dinama ito; sa wakas at nakita ko nang muli ang aking kapatid. Tumingala siya at tumambad sa akin ang namumugto niya pang mga mata. "Ate san ka galing? B-bakit bigla kang nawala?" Iniwas ko ang tingin sa kanya. Kung pwede lang sanang sabihin; kung ganoon lang kadali na ipaalam sa kanya. "Sabi ko naman sa 'yo may inaasikaso lang ang ate mo." Sumabat si tiya Imelda na nag-aayos ng lamesa. "Wag ka nang umalis ate please. Wag mo na 'kong iwan, ayoko na kay ama; natatakot ako sa kanya." Kumunot ang aking noo. "Sinasaktan ka ba niya?" Wala talaga aking tiwala sa lalakeng iyon; balang araw umaasa akong kahit iyon man lang ay mabigyan ako ng hustisya. Sa tuwing nariririnig o naaalala ko siya ay bumabalik lang ang masasakit na alaal

