Dindama ko ang lamig ng tubig sa ilog ng paraisong ibinahagi sa akin ni Mateo. Walang tigil ang aking mga luha kasabay ng pagbagsak ng mga tubig sa talon. Pagod na pagod na 'ko. Hindi ko na alam kung may patutunguhan pa ang buhay kong ito. Marahil ay wala na! Hindi ko na mabilang ang mga araw na nandito ako at nagpipigil sa kadilimang nararamdaman ko gabi-gabi. Wala na ata talaga patutunguhan pa ang buhay ko. Hindi ko na kaya. Wala na rin akong karamay. Ilang linggo na nang huli akong pinuntahan ni Mateo rito. Dinalhan niya lang ako ng mga pagkain ngunit wala akong kahit isang himig na narinig mula sa kanya; maski ang sulyapan ako ay hindi niya nagawa. Wala ng pag-asa ang aking buhay. Hindi ko maintindihan ang kakaibang nararamdaman ko tuwing gabi na pilit kong nilalabanan; Para bang

