Taong 1800's sa lungsod ng Cayetana; kaharian ni reyna Veruzka Ikalawa: Sa ikatlo at ikaapat na paglubog ng araw; matinding pagpipigil ang kanyang gagawin, dahil ang pagpatay ng mga hayop ay kanyang gigiliwin. Nginig ang bumalot sa aking buong katawan nang mabasa ang nakasulat. Agad ko itong nilipat sa sunod na pahina. Tss! Papatay ng hayop? Paano mangyayari iyon? Imposible! Huminga ako nang malalim, bago pinagpatuloy ang pagbabasa. Ikatlo: Sa mga susunod pang araw, mag-ingat, dahil ang pagpatay ng tao ay kanyang tatahakin. Isabella Halos halughugin ko na ang buong kwarto nila ina, ngunit hindi ko pa rin makita-kita ang kwadernong tinutukoy ni tiya Imelda. Kanina'y tinutulungan ako ni Mateo sa paghahanap, pero dumating si Kriselda para sunduin si Mateo. Asaan ba kasi iyon?! Hina

