Kabanata 35

3345 Words

Katatapos ko lang mag-ayos at maligo. Nakatulala ako ngayon habang iniisip ang mga nangyari kagabi. Hindi talaga ako iniwan ni Mateo. Nagising ako kanina nang normal na ulit ang aking itsura habang nakayakap pa rin siya sa akin at tila pinagmamasdan akong matulog. Mabuti nalang at nakatulog ako, sa kabila ng ingay ng pusa na bumabagabag sa akin kagabi. Labis na rin talaga akong nagtataka kung bakit kada kailangan ko si ina ay doon siya wala. Hindi nanaman siya umuwi kagabi. Saan ba talaga siya nagpupunta?  Tss! Naiisip ko nanaman ang sinabi ni tiya Imelda. Ayoko nang isipin ang kalokohan na iyon! Hindi ko muna iyon dapat isipin. Kani-kanina lang din ay nagpaalam na si Mateo na uuwi raw muna siya para mag-ayos at magkita nalang raw kami kila Anastasha. Napahinga ako nang malalim. Ilil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD