Kabanata 34

3452 Words

Nang matapos kong linisin ang karumal-dumal kong nagawa ay agad na rin akong pumunta sa kainan. Ngayon kumakain na kami ni Mateo kasama si ina. Tahimik lang at wala kahit isa sa amin ang nagsasalita. Natatakot ako na baka galit pa talaga si ina, at kinakabahan ako sa kung anong iniisip ni Mateo sa pusang kanyang nakita. Magagalit din ba siya sa'kin pag nalaman niyang ako ang pumatay doon? Narinig ko ang mahinang pag-ubo ni ina. "Kung gayon, alam na pala talaga ni Mateo ang tungkol sa sumpa... at tinanggap ka niya?" Nagkatinginan kami ni Mateo sa biglang tanong ni ina. Napalunok ako, bago tumingin ulit sa kanya. "Opo ina." Nilipat ni ina ang tingin kay Mateo. "Buti natanggap mo agad ang kalagayan niya?" Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman sa usapan namin ngayon. Dapat ba 'ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD