Umiling-iling lang ako kay tiya Imelda. Hindi... hindi totoo ang kanyang sinasabi. Hindi ako makapaniwala! Hindi... "Isabella--" Nilayo ko ang aking kamay nang akmang hahawakan niya ito. "Hindi tiya, hindi... anong klaseng biro 'yan? K-kausap ko pa si ina kagabi." Bakit gano'n? Wala pa ring tigil ang aking pagluha kahit alam kong hindi iyon totoo, dahil nakita ko pa si ina kagabi, kasama ko pa siya! Lalong nataranta si tiya Imelda at lalong bumuhos ang mga luha sa kanyang mga mata. Patuloy pa rin ako sa pag-iling. Hindi ito nakakatawang biro. "I-Isabella... h-hindi rin ako makapaniwala sa nangyari, kahit ako'y nabigla, pero..." "Tiya 'wag kang nagbibiro ng ganyan--" Hindi ako naniniwala pero bakit? Kung niloloko lang ako ni tiya, bakit nakakatakot na biro ang kanyang sinasabi?

