Kabanata 11

2405 Words

Malayo pa lamang ay nakita ko na sina Anastasha at Kriselda na seryosong nag-uusap sa aming tambayan, sa ilog Tebes. Magkatabi sila habang nakababad ang mga paa sa ilog. May usapan kami na tuwing sabado ay magkikita kami sa ilog at sa tuwing dinadatnan ko sila ay madalas naman silang nagtatawanan. Ano naman kayang pinag-uusapan nila? Mukhang seryosong-seryoso ang dalawa. Nahuli nanaman akong dumating dahil pinaghanda ko pa ng pagkain ang aking amain na walang ibang ginawa kundi manakit. Nakita ko ang pagsiko ni Kriselda kay Anastasha nang mapansin niya ako. Sabay silang tumingin sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti. "Alam ko. Huli nanaman ako sa oras," sambit ko, nang may bahagyang pagtawa. May kakaiba sa ngiti nila at marahil iyon nga iyon. Palagi akong nahuhuli sa pagdating

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD