Patuloy lang ang pagtitig ko sa kanya habang patuloy siya sa pagtawa. Hindi iyon nakakatawa. Unti-unting humina ang kanyang pagtawa hanggang sa huminto siya nang mapansing seryoso akong nakatingin sa kanya. "Hindi iyon nakakatawa, ginoo," seryosong sambit ko bago siya lagpasan. Nakakapikon. Ano bang trip niya? Palibhasa hindi niya alam yung takot ko sa tuwing nag-lalakad akong mag- isa at pagabi na, sa dami ba naman ng mga pambabastos na dinanas ko. "Hala Isabella, pasensya na," sambit niya saka ako sinabayan sa paglakad. Lalo ko pang binilisan ang paglakad pero mas mabilis siya dahil sa haba ng kanyang mga biyas. Hind ako kumibo at diresto lang ako sa paglalakad. "Isabella, hindi ko naman sinasadya." Patuloy pa rin ako sa paglakad habang patuloy siya sa pagsunod. "Uy!" Sa sunod

