Kabanata 51

4538 Words

“Ija nagdadalang tao ka.” Paulit-ulit pa ring tumakbo sa aking utak ang boses ng manggagamot na nagsuri sa akin. Pauwi na kami ni Mateo sa Paraiso Valentina ngunit ayaw pa rin matanggap ng aking utak ang mga narinig ko kanina. Tumingin ako kay Mateo nang hawakan niya ang aking kamay habang kami’y naglalakad. Binigyan niya ako ng ngiting nagmemensaheng magiging ayos din ang lahat pero hindi rin siya nagsalita. Alam kong pati siya ay nabigla. Nang makarating kami sa Paraiso Valentina ay dumiretso agad ako sa damuhan at umupo. Tumabi naman sa akin si Mateo. Nakatanaw lang ako sa agos ng tubig ng talon. Buntis ako? Hindi maaari. “Belle,” “Mateo buntis daw ako.” Ano ng mangyayari sa buhay ko? Hindi ko pa nga naaayos ang problema ko sa aking sarili pagkatapos ay madadagdagan pa ako ng isa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD