Pagdating na pagdating namin sa Paraiso Valentina ay umupo agad ako sa damuhan. Tumabi naman si Mateo sa akin. Kinuha ko ang maliit na sobreng inabot sa akin ng bata kanina. Tinignan ko si Mateo; tinanguan niya lang ako. Huminga ako nang malalim at saka binuksan ang sobra. Mahal kong Isabella, Alam kong masama ang loob mo sa akin dahil sa mga nangyari. Naiintindihan ko ang iyong nararamdaman, pero patawarin mo sana ako anak; hindi ko sinasadyang iwan ka. Hindi kita gustong iwanan. Kayo ng iyong ina. Sa kabila ng aking mga nagawa, hindi ako humintong mahalin ka anak, hindi ko rin tinigilang mahalin ang iyong ina. Sadyang hindi nga lang siguro talaga kami ang para sa isa't isa. Patawarin mo ako. Pinunasan ko ang luhang pumatak sa aking pisnge. Para nanamang piniga ang aking dibdib. Pata

