Isang buwan na ang lumipas; maraming prosesong pinagdaanan ang kaso namin kay amain. Ilang paghaharap din ang dinanas namin. Ngayon ang huling araw at ang araw na huhusgahan na ang kanyang nagawa. Lahat kami ay nakayuko at mas hinigpitan ko pa ang hawak sa kamay ni Mateo habang hinihintay ang husga ng husgado. "Si Danilo Manubay ay hahatulan ng panghabang-buhay na pagkakakulong sa salang panggagahasa kay Isabella Natividad." Nagtinginan kami nina tiya Imelda at Mateo. Tumayo kami at nagyakapan nang marinig ang hatol sa aking amain. Tumulo ang aking luha. Sa wakas makukulong na rin ang baboy na iyon. Wala na siyang iba pang mabibiktima. Kumalas ako sa yakap at nahagip ng aking paningin si amain. Hindi na ako nag-atubili pang titigan siya dahil hanggang ngayon nginig at kilabot pa rin

