"Maligayang pagdating sa Tahanan ng Pagkalinga. Ano po ang maipaglilingkod namin binibini at ginoo?" May sumalubong sa aming binibini na hindi gaanong katangkaran ngunit mukhang nasa dalawpung taong gulang na. Malawak ang kanyang ngiti na tila ba galak na galak siya sa aming pagdating. "Magandang araw binibini, nais lamang naming bumisita sa ating mga minamahal na lolo at lola." Nadadaanan ko itong lugar na ito paminsan-minsan ngunit hindi ko alam na lugar pala ito na pwedeng puntahan ng mga mamamayan. May malaki itong tarangkahan at sa itaas ng tarangkahan nakaukit ang 'Tahanan ng Pagkalinga.' Minsan kapag nadadaanan ko ito ay naiisip ko kung ano ang ibigsabihin ng nakasulat. Hindi ko naman lubusang akalain na ito na at makakapasok na rin mismo ako sa lugar na ito. Lumawak ang ngit

