GUMAAN ang pakiramdam ni Jiron matapos mailabas ang init sa katawan. Ibang-iba si Micaya sa lahat ng mga nakasalo niya. Magmula nang pauwi na sila ay walang imikan. Hinayaan muna niyang makauwi sa tinutuluyan nito. Pagbalik niya sa hotel ay diretso na siya sa penthouse. Nakaabang na si Kate sa labas. Hindi maipinta ang mukha nito. Napansin niya ang pagkakainis nito sa kaniya. "Why did you declined my calls, sir? Ang daming beses po kitang tinawagan," bungad nito sa kaniya. Ni hindi niya pinagkaabalahan ng tingin ang halos kitang kaluluwa nito. "Kate, how many times ko bang sabihin sa iyo na tapos na ang usapan natin. I don't need a massage. Magkano ba ang kailangan kong idagdag para makontento ka?" mahinahon niya sabi rito. "Sir, hindi naman po pera ang kailangan ko. Ikaw mismo. Sa

