Chapter 4

2034 Words
"MICA! Micaya, please!" Huling sambit niya bago tuluyang maalimpungatan sa pangyuyugyog ni Adam sa balikat niya. Bumangon siya at tumungo kaagad sa fridge. Napasulyap lang si Adam na sinundan siya. Nangalahati ang isang litrong laman ng pitcher. "What's wrong with you, dude?" Napangising nagtataka ito sa ikinilos niya. Pinunan muna niya ang pagkauhaw bago hinarap ang pinsan. "I know, you won't believe me. Something strange happened last night." Mukha pa lang nito ay hindi na naniniwala sa kaniya. Alam kasi nito na wala siyang pinaniniwalaan maliban sa reyalidad sa mundo. "Himala at tinamaan ka ng weird na mundo. I heard you mentioned the name of Micaya. Did you know na kapangalan niya ang applicant natin, secretay to be mo pala." Umupo siya sa gilid ng kama. Nakatayo at nakaharap sa kaniya si Adam. "Micaya ang pangalan ng magiging secretary ko? Nagkakilala kayo ni Aser?" Napangisi ito. "Weird ka nga ngayon. Sino naman iyang Aser na sinasabi mo? Si Micaya Horem ang applicant na naghihintay ngayon sa office ko. Kaya kita pinuntahan dito kung interesado ka pa bang tanggapin siya as your secretary." Panatag siyang malaman na siya lang ang nakakakilala kay Aser. "Please tell her to wait a half an hour. Hindi pa ako nakapag-shower," bilin niya rito. Hindi na muna niya binaggit kay Adam ang pag-atake sa kaniya ng lobo. Bumalik na ito sa opisina nito. Dinalian na niya ang pagligo at pagbihis baka mainip na ang aplikante niya. Inusisa muna niya ang balat na nakalmot at nakagat sa kaniya ng lobo. Nawala na ito, hindi lang sa panaginip. Pagdating niya sa opisina niya ay naabutan niya roon si Aser na namamaluktot sa single couch malapit sa bintana. "Hindi ka talaga lumabas ng opisina ko?" tanong niya rito nang makitang paupo ito. Papunta naman siya sa swivel chair niya. Lalo siyang naging attractive sa pair of black coat and slacks. Puti ang long sleeves niya sa loob ng coat. Inayos muna niya ang necktie bago upo. "Mukhang pinaghandaan mo ang araw na ito," pansin nito sa kaniya. "Si Micaya ba ang tinutukoy mong ipakikilala mo? Paano mo nakumbinsi si Adam para tanggapin si Micaya? Ang alam ko hindi bumababa sa bente ang aplikante namin kapag nagpapahanap ako ng sekretarya ko. Si Micaya talaga ang pinili ni Adam." "Sabi ko, huwag kang magtaka sa kakayahan ko. Si Micaya lang kasi ang makatutulong sa iyo upang malabanan mo ang sumpa." "Sumpa?" gulat na sambit niya. "Pasensiya na pero kailangan mong tanggapin. Habang nandito ako sa opisina mo, nakasagap ako impormasyon na isa sa naging babae mo ang lumapit sa kagaya kong may mahika para sumpain ka. Iyong lobo na kumagat sa iyo, alagad iyon ng nilapitan niya. Ngayon, mabilang mo pa ba o makilala mo pa ba kung sino sa mga naikama mo ang nasaktan sa ginawa mo?" Bumuntong-hininga siya. Wala siyang matandaan kung sino sa mga nakaraan niya. Magmula kolehiyo ay papalit-palit na siya ng kasintahan. Lahat hindi niya pinatakas sa katinikan niya. "Oo, marami akong naging babae. Pero alam nila kung anong klaseng lalaki ako. Wala akong pinilit sa kanila, lahat kusang sumuko. Anong magagawa ko eh kahinaan ko nga ang babae." Pumalatak si Aser sabay kros ng mga braso. "Kaya hindi na ako magduda kung bakit ka kinakarma. Paalala ko lang sa iyo, labanan mo ang sarili mong pagnanasa. Matagal na akong gumagamit ng magical rights ko pero hindi ako tagabigay ng karma. Kahit hindi mo na sabihin, alam kong nawala ang mga sugat mo. Tanda lang iyon na tumalab ang sumpa sa iyo." Lihim siyang kinabahan sa sinabi nito. Hindi siya nakaimik dahil alam niyang naging mapagsamantala siya sa mga kababaihan. "Kung gano'n, anong mangyayari sa akin?" Nagsimula na ang pangamba niya. "Magiging mapusok ka katulad ng mga lobo. Dapat mong kontrolin ang galit mo dahil hindi mo na maiwasang magiging mainitin ang ulo mo. Walang panahong pinipili kung kailan ka maghahanap ng magpapakalma sa paghahangad mo sa laman." Napangalumbaba siya at lumalim ang iniisip. Wala sa pagkatitig niya kay Aser ang atensiyon niya. "Paano ko malalabanan? Anong kinalaman ni Micaya sa akin?" "Mawawalan ka ng kontrol kapag makakakita ka ng babae, ang tipong magpapainit sa iyo. Madali silang matukso sa iyo. Pero kailangan mong labanan iyon. Hindi ka dapat magpapatukso kahit anong hayok mo sa kanila," seryosong tugon nito. "Paano kung hindi ko magawa?" "Asahan mo ang ibang kapalit niyon. Hindi ko masasabi, pero ikaw mismo ang unang makapapansin. Sarili mo ang kalaban mo rito." "Eh si Micaya, sino siya?" "Siya ang magiging daan mo para matutuhan mong kontrolin ang sarili mo. Malalaman mo habang tumatagal na makakasama mo siya. At siya nga pala, aalis ako habang nasa iyo ang sumpa. Wala naman akong maitutulong para alisin iyan. Kapag kailangang-kailangan na talaga, saka ako babalik. Hinatid ko lang si Micaya sa iyo. Bahala ka na muna sa kaniya." "Ngayon ka..." Tanungin pa sana niya ito nang bigla na itong naglaho. Kasunod niyon ang pagkatok sa labas ng pinto. Kinalma niya ang kabadong sarili. Inaasahan na niya ang pagpasok ng aplikante. Ngunit natuon kaagad ang atensiyon niya sa kasuotan nito. Gumapang ang titig niya mula ibaba paitaas. Naglakad ito palapit sa kaniya. "Nilalamig ka ba, Miss...?" "Micaya Horem po, sir! Good morning po," kaagad na sagot nito. Lumitaw ang matatamis na mga ngiti nito pero hindi siya nasiyahan sa pananamit. Hindi siya sanay na makakita ng suman. Balot na balot ang katawan nito. Naka-long sleeve na bulaklakin, nakamahabang palda na abot hanggang sakong nito. Naka-step-in pa na may kaunting design. Nakalugay lamang ang itim at mahabang maalon na buhok. Ngunit ito ang babaeng hinalintulad niya sa barbie doll ng mommy niya. Doon na lang siya bumawi sa mukha dahil iyon ang attractive para sa kaniya. She has a perfect smile and a modest voice. "Are you seriously applying as my secretary? I'm sorry, I'm not supposed to discriminate you for what you are wearing today. Pero secretary ang kailangan ko, hindi madre. You are perfectly gorgeous, yes that's true. Pero lahat ng naging secretary ko ay puwede kong i-display, in public. Do you think, gaganahan pa ang makakaharap ko sa mga conference meeting kung ganiyan ka manamit?" Humalukipkip ang dalaga at iniwas ang tingin sa kaniya. "Do you need me or not? If not, madali po akong kausap, sir." Tumalikod ito. Hindi siya makapaniwalang may tatapat sa pagiging pihikan niya sa serkretarya. "T-Teka, sandali lang!" pigil niya rito. Natigilan naman ito. "Hindi naman kita pinalalayas. I need you, of course!" Humarap ito. Umamo ang kanina'y sumimangot na mukha nito. "Kailangan mo naman po pala ako. Bakit kailangan mo pa akong ukraukrayin dahil sa suot ko? So, tanggap na po ba ako, sir?" Tumango siya. Hindi naman niya ito mapalayas dahil ibinilin ito sa kaniya ni Aser. Marami pa siyang dapat malaman tungkol sa pagkatao nito. "Please sit down! I'll discuss to you about your job description here in my office. I have my own rules here na labas sa rules and regulations ng company. You are my personal secretary, not a company," aniya. Umupo siya. Napuna niya ang bahagyang pagtikwas ng isang kilay nito. "Wala po bang personalan, sir?" Paniniguro nito. Sa tabas pa lang nito ay mukhang mahirapan siyang pasunurin ito sa sarili niyang batas. "Anyway, may boyfriend ka ba?" walang kaabug-abog na tanong niya. Common question na niya iyon sa lahat ng naging aplikante niya. "Kailangan ko ba talagang sagutin iyan, sir?" Seryosong tumango siya. Hindi niya akalaing may kakulitan palang magtatago sa pagiging inosente nito. "Eh paano po kung mayroon?" balik na tanong nito. "One question, one answer, puwede?" pakli niya. "Mayroon po. Engage na nga po ako eh," deretsang sagot nito. Namagitan ang sandaling katahimikan. Ito pa lang kasi ang aplikante na nagsasabi ng totoo sa kaniya. Kadalasan ay nagsisinungaling para lang matanggap. "Big deal po ba iyon, sir?" pukaw nito sa pag-iisip niya nang malalim. Inulit pa nito ang tanong, saka lang siya nagtuon ng atensiyon. "S-Siyempre. Paano ka makapagtrabaho nang maayos sa akin kung may iniintindi kang karelasyon?" Tumayo ito. "So, hindi nga talaga ako qualified?" Napatayo rin siya. Sa pangambang aalis ito ay hinawakan niya ang isang kamay nito. Awtomatikong napasulyap ito sa kamay na hawak niya. "Umm, please stay! Hired ka na nga, 'di ba. Puwede ba nating pag-usapan nang maayos ang lahat?" "Ang kamay ko po muna, sir." Binitawan naman niya ang kamay nito. Saka ito bumalik sa pag-upo, ganoon din siya. "Gusto ko sanang mag-stay-in ka rito. Kaya ko naitanong kung may boyfriend ka para makapag-adjust ka. Lahat ng naging secretary ko ay stay-in para mas mabilis kong kontakin." "Hindi naman po siguro twenty-four hours akong magsisilbi, right?" Ito lang yata ang hindi nasisilaw sa karisma niya. Ni hindi man lang naging interesado sa kaniya. Hindi tumalab ang paguwapo effect niya rito. "Hindi muna kita bibigyan ng mga task mo ngayong araw. Pero start na ang trabaho mo ngayon." Napatitig ito sa mga mata niya. "Wala akong task pero magtatrabaho na ako? Ano naman po ang gagawin ko? Titigan ka po maghapon?" Kung ibang tao lang ito ay baka umusok na ang bunbunan niya. "Nasa iyo kung hindi ka mamulikat sa katititig sa akin," pakli lamang niya. "Iyong totoo, sir." "May lakad tayo ngayon," seyosong saad niya. "As in, dalawa lang po tayo?" "Tanungin ko ang hardinero kung sasama siya. Obvious ba?" "I mean po, wala man lang bang bodyguard? Boss ka po ng malaking kompanya, maraming masasamang loob," paglilinaw nito. Napasandal siya. "Salamat sa concern mo. But, I don't need a bodyguard. Ready ka na ba?" "Yes po!" Tumayo siya. Niyaya muna niya itong tumungo sa penthouse. Halatang kinakabahan ito nang mapansin na walang ibang taong kasabayan nila sa elevator. Ngunit pagbukas ay nagulat siya sa biglang pagpakita ni Kate. Siya talaga ang hinintay nito. Napatingin na lamang si Micaya sa manipis na suot ni Kate. Halos iluwa na ng panloob ni Kate ang kaluluwa nito. "Oh, Kate! Akala ko naghahanda ka na para sa flight mo?" tanong niya sa dalaga. Tahimik lang na nakamasid si Micaya. "Nagpa-cancel muna ako ng flight, sir. Hindi pa kasi ako makapag-move on sa nangyari sa atin. Hindi ko kayang kalimutan na lamang ang gabing iyon. Kahit tanggalin mo na ako sa kompanya mo, pagbigyan mo lang ako sa pangangailangan ko, sir." Walang hiya-hiya na hayag ni Kate. Hindi siya mapakali na naririnig at nakikita ni Micaya ang pag-uusap nila ni Kate. "Mica, excuse me sandali, huh?" maayos na paalam niya kay Micaya. Tumango naman si Micaya. Hinila niya si Kate at kinausap sa tagong sulok, malayo sa sekretarya niya. "What the h3ck you're talking about, Kate? Wala na tayong dapat pag-usapan pa tungkol sa bagay na 'to. Hindi kita mahal at walang ni kaunting pintig sa puso ko para sa iyo. That's all about s3x, right?" giit niya rito. Nangilid ang mga luha nito. "Ibabalik ko ang binayad mo sa akin, sir. Please naman, huwag mong ipagkait sa akin ito. Ipinaranas mo sa akin ang kasarapang kababaliwan ko tapos balewalahin mo lang iyon? Alam mo namang hindi pa tayo nagsalo, mahal na kita. Don't tell me na iyong bago mong sekretarya na naman ang paliligayahin mo? Hindi ako makapapayag, sir. Okay lang kahit hindi mo na ako mahalin, ako at ako na lang ang paliligayahin mo kahit kailan mo gusto." Hindi niya inakalang ganoon ang naging epekto kay Kate. Lumigaya nga naman nang husto sa kaniya ang dalaga. Doon na siya nakaisip na marahil ay hindi lamang si Kate ang nakaramdam niyon. "Kate, hindi na talaga puwede. Napag-usapan na natin ito, right? Kalimutan mo na ako, please! Dudublehin ko ang pera mo, lumayo ka lang. Sa paraang iyon, makalimutan mo na ang nangyari." Hindi niya napaghandaan ang pagsampal nito ng tseke sa dibdib niya, iyon ang ipinambayad niya sa pagkainosente nito. Naglalaman iyon ng sampung milyon. "I won't give up on you, sir! Kung ang mga babaeng ginamit mo ay basta na lang sumuko, ako hindi. Iniwan ko ang boyfriend ko na minahal ko nang maraming taon para lang sa iyo. Umasa ako na mababago ko ang prinsipyo na pinaiiral mo. Hindi kita susukuan," anito at saka umalis. Tumatak sa isip niya ang sinabi ni Kate. Huli na niya napansin na nakatitig sa kaniya si Micaya at hindi malayong narinig nito ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD