WALANG pakialam si Micaya kahit taas-baba siyang sinuyod ng tingin ni Kate. Halatang nayayamot ito sa nakita nitong pananamit niya. Inabangan sila nito sa parking area ng basement. "Siya ba ang dahilan, sir? Don't tell me na mas magaling siya kaysa sa akin," wika nito kay Jiron. "Kate please! Hindi tama na hanggang dito ay magkakaganiyan ka," saway ni Jiron. "Let's go, Mica!" Sumunod naman siya kay Jiron. Ngunit hindi napalagay si Kate. Bumuntot ito sa likuran niya. "I know you, Micaya! Ikaw ang fiance ni Daniel Rahoma na may-ari ng malaking transport company. Hindi ka ba natatakot na nalaman niyang nagpapagamit ka kay Sir Jiron?" hamon ni Kate sa kaniya. Sandali siyang natigilan at nilingon ito. Napatingin si Jiron sa kaniya. Humakbang siya palapait kay Kate. "Alam ng fiance ko

