Chapter 9

1721 Words

KASAMA na ni Jiron si Micaya papunta sa university. Uwian na ng ibang estudyante nang makarating sila. Iba naman ang mga panggabing estudyante. Nakatingin ang ibang mga staff sa kanila habang papunta sila sa faculty. Pero nagpaiwan sa labas ang kasama niya nang papasok na siya. "Good afternoon, Sir Jiron!" sabay na bati ng mga naiwang staff sa faculty room. Kahit siya ang presidente at may-ari ng university ay gusto pa rin niyang tratuhin siya na kapantay lamang ng kapuwa niya guro. Matamis na ngiti at masayang bati ang itinugon niya sa mga ito. Master in Business Administration ang tinapos niya pero kumuha pa rin siya ng masteral para makapagturo. Mas minahal niya ang pagiging guro niya. Hindi naman niya napapabayaan ang mga negosyo nila ng mommy niya. "Kumusta kayong lahat dito?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD