[Kiara] "Ma'am, pasensya na pero nasa garden si Senyora nagpipinta. Gusto ko man kayo dalhin sa kanya ay hindi muna sa ngayon. Hintayin ho muna natin siya na matapos sa ginagawa niya." Ani ng isang kasambahay ng mga Saavedra sa kanya. Narito siya ngayon sa mansion ng mga Saavedra para kausapin ang ina ni Grant. "Sige ayos lang. Maghihintay nalang ako sa kanya hanggang sa matapos siya." Aniya. Alam niya na nasa opisina si Grant. Sinadya niya magpunta dito ng hindi alam ng binata. Hindi niya gusto malaman nito ang tungkol sa ginawa sa kanya ng Mama nito. Paano kung magalit ito sa sariling ina? Eh kung paano sa kanya 'to magalit at isipin na nagsisinungaling siya? "Ma'am, ayos lang sa'yo na maghintay ng mga tatlong oras?" Tanong ng kasambahay. "Tatlong oras?" Di makapaniwala na tanong

