bc

LOVE AND LIES

book_age18+
341
FOLLOW
1.6K
READ
billionaire
HE
single mother
drama
bxg
city
rejected
like
intro-logo
Blurb

Tanggap ni Kiara na isa siyang 'Single mother' pero hindi pala tanggap iyon ng kanyang anak. Naghahanap ng pagmamahal ng isang ama ang anak niyang si Kian, at isa lang ang nais nito maging daddy, walang iba kundi ang ex niyang si Grant!Paano niya matatanggihan ang kanyang anak kung pati si Grant ay nais din na maging ama para sa anak niya? Mahulog kaya ang damdamin niya sa binata na walang pinakita kundi pagmamahal sa kanilang mag ina? O masasaktan lang siya sa kasinungalingan na malalaman niya? Handa ba siyang sumugal at naisin na lumaban kung malaman niya ang tunay na pagbabalik ng binata sa buhay nila?

chap-preview
Free preview
Estranghero
[Kiara] "BREAK NA TAYO." Sabi niya sa binata na nasa harapan. Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Grant. "Pero bakit? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo sa akin para maayos natin ang relasyong 'to." Pagsusumamo nito. "Hindi naman talaga kita mahal, Grant. Pinatos lang kita dahil matalino ka at kailangan ko ng tulong mo." Siwalat niya. "Can't you see that? Matalino ka naman, kaya dapat ay alam mo 'yon." Dugtong pa niya. "K-Kiara, naman..." Halos hindi matanggap ni Grant ang mga sinasabi niya. Puno na ng sakit ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Sa tingin mo ba talaga, magugustuhan ko ang isang tulad mo?" May pandidiring pinasadahan niya ang kabuohan ni Grant. "My god, tila isang ihip lang ng hangin ay tatangayin ka na." Naluluha na nagyuko ng ulo si Grant. May kapayatan si Grant, ngunit matangkad, mayro'n itong makapal na salamin sa mata, may brace ang sungki na ngipin at may kahabaan ang makapal na buhok na palaging nakaharang sa kanyang mukha. "Patas lang tayo, Grant, binigay ko naman sayo ang first kiss ko kaya sana walang samaan ng loob." Tumalikod na siya. Pero agad din na huminto. "Siya nga pala, wag na wag mong sasabihin kay Kuya ang tungkol sa ating dalawa. Sinabi ko lang naman sayo na ilihim natin ang relasyon natin dahil wala talaga akong balak na ipakilala ka, kapag nalaman ko na sinabi mo kay Kuya ang tungkol sa ating dalawa, isusumbong kita kay Cyrus." Banta niya pa. Si Cyrus ang totoo niyang nobyo, basagulero ito at kilalang mayabang sa kanilang lugar. "K-Kiara..." Lumuluha na tawag ni Grant sa pangalan niya. Inismiran lang niya si Grant saka tuluyan ng iniwan 'to. Tapos na ang kailangan niya rito, nakapasa na siya sa exam dahil sa tulong nito. Hindi rin siya nababahala na magsusumbong 'to sa kanyang kapatid, na kaibigan ni Grant, dahil alam niya kung gaano siya nito kamahal. Malas lang ni Grant dahil wala ni katiting na pagmamahal na nararamdaman siya para dito. "MABUTI naman at hiniwalayan mo na ang nerd na 'yon, Kiara. Akala namin ay patatagalin mo pa ang pagsama-sama sa kanya." Ani Dina, isa sa mga kaibigan ni niya. "Hindi talaga ako makapaniwala na kaibigan siya ng Kuya mo, like what the hell! Your brother is so damn hot, while his friend is just like a trash!" Diring sambit naman ni Klea. "Mukhang hindi siya naliligo at ang baduy niya, just eww!" "Hoy wag kayo, natiis ni Kiara na jowain 'yon sa loob ng isang taon!" Pang aasar naman ni Bea na sinabayan ng halakhak. Magkasing edad silang apat, pareho rin ang takbo ng mga utak nila. Nang sabihin niya ang plano no'n sa tatlo, si Bea lang ang tumutol sa mga 'to, at dahil matigas ang kanyang ulo ay ginawa niya pa rin ang kanyang plano. Wala siyang pinagsisihan dahil nakuha niya ang gusto niyang mangyari. Tinakot kasi siya ng daddy niya na hindi bibilhan ng kotse kapag mababa ang grade niya. Si Grant ay ginamit lang niya para magkaro'n siya ng libreng tutor. Kaibigan 'to at kasing edad ng Kuya Kier niya. Nang mahalata niya na may gusto ito sa kanya ay ginamit niya ang pagkakataon na 'yon para magamit ito. Hindi naman siya nagkamali, dahil tama ang sinabi ng Kuya niya noon, matalino ito. Pero bukod doon ay wala ng katangian na maganda sa binata. Matangkad lang 'to at wala ng iba. Tama ang mga kaibigan niya, isa itong baduy. Mabuti nalang at umalis na 'to ng Pilipinas, hindi na siya mababahala na malaman ng Kuya Kier niya ang namagitan sa kanila. Tinaas niya ang hawak na beer. "Let's not talk about that nerd, guys! Narito tayo ngayon para magsaya, right?" Pag-iiba niya ng usapan. "Walang uuwi ngayong gabi!" Ito ang unang pagkakataon na iinom siya ng alak. Last week lang siya tumuntong sa ika-labinwalong kaarawan niya kaya naman pinayagan siya ng mga magulang na sumama sa mga kaibigan niya. Narito sila ngayon sa bahay nila Bea, kaarawan ng Kuya nitong si Brix, kaya imbitado sila. "My Kiara is right, wag niyo ng pag usapan ang payatot na 'yon, nagseselos tuloy ako." Agad na umakbay sa kanya si Cyrus, ang boyfriend niya. Nakagat niya ang labi dahil sa kilig. Tatlong buwan palang silang magkasintahan ni Cyrus, sinagot niya agad ito ng manligaw sa kanya. Bakit pa niya patatagalin kung matagal na siyang may gusto rito. Hindi sinasadya na napatingin siya sa kamay kung saan nakasuot ang singsing na regalo sa kanya ni Grant ng ika-labinwalong kaarawan niya. Sinadya niya na huwag na 'tong ibalik, bukod kasi sa maganda ang singsing, bagay na bagay din ito sa kamay niya. "Kiara, tama 'yan," Inagaw ni Bea ang hawak na beer niya. "Lasing ka na-" "K-Ka-kaya ko pang u-uminom!" Namumungay na ang mga mata niya. Tinamaan na siya. Umiikot na ang paningin niya. "Naku naman, malalagot tayo kay Kier-I mean K-Kuya Kier, kapag inuwi natin si Kiara ng ganito." Napapalunok na saad ni Bea. Na para bang hindi gustong ma-bad shot sa kapatid niya. "Ako na ang maghahatid kay Kiara -" "No, Cyrus! I don't trust you so f**k off!" Tinabig pa ni Klea ang kamay ni Cyrus ng hahawakan sana siya nito. "Kj niyo, bahala na nga kayo d'yan!" Inis na pakli ni Cyrus bago sila tinalikuran. "N-No! Sabi ko naman sa inyo, di'ba, hindi pa ako l-lasing, saka sino ang nagsabi na uuwi ako? Dito ako matutulog ngayon, girls!" Halos hindi na maintindihan ang sinasabi niya dahil sa kalasingan. Nagkatinginan nalang sina Dina, Klea at Bea, sabay-sabay na napabuga nalang ng hangin ang tatlo. Humawak siya sa tiyan ng makaramdam ng tila masusuka siya. Nagmamadali na tumakbo siya papunta ng restroom ng malaking bahay nila Bea, pero pagdating niya roon ay punuan, kaya naman napilitan siya na umakyat sa ikalawang palapag at do'n magpunta. Halos maisuka niya ang lahat ng kinain niya kanina, pawis na pawis rin siya at nanghihina. Sumusuray na pumunta siya sa guestroom nila Bea, kung saan sila madalas matulog nila Dina at Klea. Pagkapasok niya ay naghubad siya ng damit at pumasok sa banyo, tinapat niya ang sarili sa shower para mabawasan ang pagkahilo niya. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas siya ng nakahubad, naka-lock naman ang pinto kaya kampante siya na walang ibang tao maliban sa kanya. Napatili siya ng biglang mamatay ang ilaw, kasabay ng pagtakip ng kamay sa bibig niya. Ginamit niya ang natitirang lakas para magpumiglas, ngunit dahil sa kalasingan at nahihilo pa siya ay wala siyang nagawa ng ihiga siya ng estranghero sa kama. Nanlaki nalang ang mata niya ng maramdaman ang malambot na bagay na nakalapat sa labi niya, nang tangkain niyang itulak ang nasa ibabaw niya ay pwersahan na itinaas nito ang kamay niya sa uluhan habang patuloy siyang hinahalikan. "P-Please, wag po." Pakiusap niya ng bumaba ang mainit na labi nito sa leeg niya, pababa sa kanyang dibdib. Hilong-hilo siya sa kalasingan, pero ramdam niya ang takot sa kanyang dibdib, may parte sa puso niya na umaasa na may darating para pigilan ang lalaki na lumalaspatangan sa katawan niya. Tuluyan ng tumulo ang luha niya ng maramdaman ang matigas na bagay na ipinipilit nitong ipasok sa lagusan niya, napasabunot siya sa buhok nito. "M-Masakit-" Tinakpan ng labi ng estranghero ang labi niya kaya nakulong ang mga daing niya sa labi nito. Hindi niya matandaan kung ilang beses siyang ginamit ng lalaki, tanging mahinang pag-iyak lang ang nagawa niya at hintayin na mapagod ito at magsawa. Nang magising siya ay nag iisa na siya sa kama. Gusto niya isipin na panaginip lang ang lahat, pero ng makita ang pulang mantsa ng dugo sa bedsheet at ang hubad na katawan ay umiiyak na niyakap niya ang sarili. Hindi panaginip ang lahat! Ang bagay na iniingatan niya ay nawala sa kanya sa isang iglap lang!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook