[Kiara]
"KIARA!"
Napapitlag siya sa gulat ng dumagundong ang boses ng nakatatanda niyang kapatid na si Kier.
"H-Ha?" Wala sa sariling sambit niya.
"Kanina ka pa tinatanong ni Dad, Kiara, bingi ka ba?" May inis sa boses ni Kuya Kier habang nakatingin sa kanya. "May ginawa ka bang kalokohan ha, Kiara?"
Pilit na ngumiti siya. "Si Kuya Kier naman, may ginawa agad kalokohan? Nagdi-daydream lang naman ako." Palusot niya. Lima silang magkakapatid, siya ang bunso at nag iisang babae. Sa bahay nila ay mas kinakatakutan ang Kuya Kier niya. Tila isa itong batas na bawal suwayin, gano'n pa man ay mataas ang respeto ng kapatid niya sa kanilang ama.
"Better be, Kiara, dahil malilintikan ka sa akin sa oras na gumawa ka ng kalokohan." Banta ni Kier. "By the way, I want you to break up with that man name Cyrus, I don't like him for you."
"Kier, let Kiara finish her food." Sabat sa usapan ng kanilang ama, ang kanilang ina ay nakikinig lang, nakahanda na mangialam at magsalita kung mayro'n itong hindi magustuhan.
"I already did, Kuya." Nakayuko na saad niya. Dalawang buwan na ang nakakaraan simula ng makuha ang virginity niya ng tao na hindi niya kilala. Nang magising siya ay gusto niya na magsumbong sa pulis at magsabi sa magulang niya pero hindi niya nagawa, pinangunahan siya ng takot. Kilalang businessman ang ama at mga kapatid niya, kaya natatakot siya sa maaaring idulot na gulo at kahihiyan sa pamilya niya ang nangyari sa kanya. Ang una niyang ginawa ng magising siya ay nakipaghiwalay siya kay Cyrus. Hindi niya kaya na ituloy pa ang relasyon nila, nandidiri siya sa kanyang sarili at natatakot siya na madikitan nito, pakiramdam niya ay mayro'n itong gagawin na hindi maganda sa kanya.
"Really? Well that's good. Kumain ka na dahil ako na ang maghahatid sayo sa university." Ani Kier.
Mabuti nalang at wala sa bahay ang lahat ng mga kuya niya. Dahil tiyak siya na hindi lang ang Kuya Kier niya ang nagsasalita ngayon, maging ang mga ito.
Natigil siya sa pagsubo ng maramdaman ang pag ikot ng sikmura niya.
"Kiara!" Tawag ni Kier ng patakbong umalis siya sa hapagkainan.
Agad na sinuka niya ang lahat ng kinain ng makarating sa banyo. Nanghihina na sumandal siya sa bowl at pumikit. Tatlong linggo na siyang nakakaranas ng pagsusuka tuwing umaga.
"Buntis ka ba, Kiara?"
Dumilat siya at nakita ang mommy niya. Nakatayo na ito sa harap niya habang ang mata ay puno ng pagdududa. Napalunok siya. Pilit na inaalala niya ang huling dalaw niya.
Umawang ang labi niya ng maalala na hindi siya dinatnan ngayong buwan!
"I'm asking you again, Kiara, buntis ka ba?!" Malakas na ang boses na tanong ng Mommy niya.
Nagsimulang mangilid ang luha sa pisngi niya. Saka lang niya naalala ang mga pagbabago na nangyari sa kanya ngayong buwan. Lahat ng perfume niya ay pinalitan niya dahil nasusuka siya sa amoy. Ang amoy ng black coffe ng daddy niya ay gustong-gusto niya, samantalang noon ay ayaw niya. Hindi rin siya dumidikit sa mga kapatid niya, specifically sa pangalawa niyang Kuya na si Kevin dahil sa amoy nito, na dati ay gustong-gusto niya.
Isang sampal ang nagpagising sa kanya. Sampal ng Mommy niya.
"Sino ang ama?" Halata ang pagpipigil sa boses ng Daddy niya. Makatayo na ito ngayon sa tabi ng Mommy niya.
"Dad-"
"Sino ang ama!"
Napaiyak siya sa takot. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nasigawan ng daddy niya, tinuturing siya nito na isang prinsesa, ito ang kakampe niya sa tuwing pagagalitan siya ng mga kapatid niya at ng Mommy niya.
"Si Cyrus ba? Ang binanggit ng Kuya mo kanina?" Hinarap ng Daddy niya si Kier. "Come on, Kier, let's find that man, kailangan niyang pakasalan ang kapatid mo-"
"No, Dad!" Umiiyak na pigil niya sa Daddy niya. "Hindi po siya ang ama."
"Then tell us who's that f*****g man, Kiara!" Giit ng Kuya Kier niya. Bakas na ang galit sa mukha nito ngayon.
Paano niya sasabihin sa mga ito kung maging siya ay hindi niya kilala kung sino nga ba ang nakabuntis sa kanya?
"I...I don't know, Dad." Humihikbing sabi niya. Hinding-hindi siya aamin na nagahasa siya. "I was drunk and I don't remember his face-" Isang sampal muli ang natamo niya sa kanyang Mommy.
"Isa kang kahihiyan, nagpabuntis ka sa taong hindi mo kilala!" Galit na galit na ang Mommy niya.
Sigurado siya na hindi matatanggap ng Mommy niya ang kahihiyan na maaari n'yang dalhin sa pamilya nila.
"Get out of this house, Kiara, at wag kang babalik hangga't hindi mo naihaharap sa amin ang lalaking bumuntis sayo!" Namumula sa galit na sigaw ng Daddy niya. "Roberto at Berting!" Tawag ng kanyang ama sa naglalakihang tauhan nito. "Ilabas niyo ang babaeng 'yan sa pamamahay ko!"
Natigilan ang dalawa. "Eh sir, si ma'am Kiara ho?" Tanong ni Berting ng hindi makatiis, naninigurado ang tono nito.
"You heard my husband, Berting. Take her away now!" Matigas na utos ng mommy ni niya.
"No! Daddy please!" Nagsimula siyang magpumiglas ng hawakan siya ng dalawa. Bakas sa mukha ng mga ito ang awa para sa kanya. "Kuya Kier, help me please! Kuya—"
"Tama si mommy, Kiara, isa kang kahihiyan sa angkan ng Somana... Simula ngayon ay wag mo na ako tawaging 'kuya' dahil hindi ka na namin kilala." Ani Kier na walang emosyon ang mukha.
Halos madurog ang puso niya sa narinig na sinabi ng kapatid.
"K-Kuya, please wag naman ganito." Humihikbing yumakap siya sa nakatatandang kapatid pero itinulak siya nito. Luhaan ang mukha na nag angat siya ng tingin sa kuya niya.
"Ilabas niyo na siya at wag hayaan na makabalik sa loob ng pamamahay na 'to." Ani Kier at tinalikuran na siya kasama ang magulang niya.
"Daddy! Mommy!" Tawag niya na may pagmamakaawa. Ngunit hindi siya nilingon ng mga ito.
Wala siyang nagawa kundi ang umiyak. Hindi niya akalain na magagawa 'to ng kanyang pamilya sa kanya.
Ang pamilya na akala niya ay siyang unang tutulong sa kanya ay wala na... kung tama nga na buntis siya, paano na siya ngayon?