[Kiara]
"Ma'am Kiara, tinatanong ni Mr. Cruz kung pwede na ikaw na ang pumunta sa venue, mas mainam daw na ma-check niyo ang lugar para ma-finalized po ang flower arrangement design na mas babagay." Saad ni Lyca ng makita siya na kararating lang.
"I'll call him later, Lyca. Iyong sa wedding anniversary nila Mrs. Polita, natapos na ba?" Tanong niya, na tinanguhan naman agad ng tauhan niya. "Mabuti naman. Nasaan si Kian?"
"Mi!"
Gumuhit ang ngiti sa labi niya ng makita ang limang taon na anak. "Miss you, my baby boy." Pinaghahalikan niya ang anak sa mukha.
"Miss you more, Mi." Ani Kian, Mi is short for Mommy. Muling natuon ang atensyon ni Kian sa hawak na laruan.
"Kamusta na ang date? Pasado ba?" Tanong ni Dina, nasa flower shop ang mga kaibigan niya para bantayan si Kian at hintayin siya mula sa blind date.
Pabagsak na umupo siya sa couch. "Katulad ng dati, wala silang pinagkaiba." Hindi niya mapigilan ang mapasimangot sa naalala. s*x in first date? What the f**k! Ganito nalang palagi kapag nalalaman ng ka-date niya na may anak na siya.
"That's why I'm telling you na huwag kang makinig dito kay Dina, dating is for kids, and we are not kids anymore! Let's just go and find a bar, have s*x and enjoy life while we are young and still fresh!" Pakli ni Klea.
"Puro s*x nalang ang nasa isip mo, bakit ha, Klea, natusok na ba 'yang pechay mo? Hindi pa naman ah!" Pambabara ni Bea kat Klea.
Sex? Hindi niya naisip ang bagay na 'yan simula ng mangyari ang gabing 'yon. Maisip palang niya na may ibang hahawak sa kanya ay natatakot na siya. Paano kung maulit ang nangyari sa kanya anim na taon na ang nakararaan?
Hindi nagtagal ay nagpaalam na ang mga kaibigan niya. Malapit ng mag alas singko, uuwi na rin sila ng anak niya.
"GRANT SAAVEDRA IS NOW BACK HERE IN THE PHILIPPINES at ngayon nga ay live tayo habang hinihintay siya na dumaan dito—nariyan na siya!" Natuon ang mata niya sa telebisyon ng marinig ang pangalan na binanggit ng isang reporter.
Isang sikat na singer na ngayon si Grant. Hindi niya halos nakilala ang binata dahil malaki ang pinagbago nito. Ang dating payat na binata, ngayon ay malaki na ang katawan at tadtad ng tattoo. Maikli na rin ang buhok na dating mahaba. Ang makapal na salamin sa mata ay wala na. Pantay na rin ang maputing ngipin nito.
"MR. SAAVEDRA, MAAARI BA NAMIN MALAMAN KUNG BAKIT NAGBALIK KA DITO SA PILIPINAS, gayong sinabi mo sa isang interview mo na wala ka ng balak bumalik rito?" Tanong ng reporter sa binata.
Hindi sumagot si Grant at nagpatuloy sa paglakad, kaya naman ang babaeng reporter ay nagmamadali na humabol sa binata. Malaki rin ang pinagbago ng ugali ni Grant. Dati ay ngumingiti 'to ng madalas, lalo na kapag nasa stage ito at kumakanta, ngayon ay kahit isang tipid na ngiti ay tila hirap itong magbigay.
Naalala niya na pakanta-kanta lang si Grant sa mga bar, parang walang pangarap sa buhay. Kaya nga nagtataka siya kung bakit kaibigan ito ng kapatid niya.
Kinabukasan ay sinama niya si Kian sa mall, wala naman itong pasok kaya papasyal muna sila. Pero halos hindi sila makapasok sa sobrang dami ng tao. Siksikan at nagtitilian ang lahat ng kababaihan, mapa-bata man o matanda.
Ano ba ang mayro'n at nagkakagulo ang mga tao?
Binundol ng kaba ang dibdib niya ng bumitaw sa kanya si Kian at tumakbo. Sa takot ay hinabol niya ang anak. Maluha-luha siya ng hindi niya ito naabutan.
"Kian!" Malakas na tawag niya. Wala siyang pakialam kahit na nakatingin na sa kanya ang iilan. Dahil mas inaalala niya ang anak niya.
"Hello, Grant! I'm Kian Somana, can you be my daddy?" Tinig iyon ng bata na kilalang-kilala niya.
Si Kian! Ang anak niya!
Ang ilan ay napasinghap sa pagkabigla, dahil sa bata na bigla na lamang umakyat sa stage kung nasaan ang binatang si Grant Saavedra, ang ilan naman ay tumitili dahil akala ng iba ay isa lang 'yon palabas o prank.
Samantalang siya ay halos takbuhin kung nasaan ang stage para puntahan ang anak.
"Kian!" Agad na yumakap siya sa anak ng makita ito. Ang kaninang tumatakbo sa isip niya na hindi maganda ay nawala. Akala niya ay baka nasaktan na o naapakan na ng mga tao ang maliit na katawan ng anak niya. Ngayon ay nakahinga na siya ng maluwag dahil maayos naman pala ang lagay nito.
"Mi, pwede ko ba siya maging daddy?"
Kumunot ang noo niya at sinundan ng tingin kung sino ang itinuturo ng maliit na hintuturo ng anak. Bahagya pang napaawang ang kanyang labi ng makita ang isang matangkad na lalaki na may magandang pangangatawan. Perpekto din ang gwapo nitong mukha. Napalunok siya at nag iwas ng tingin ng mapansin na matiim na nakatingin sa kanya ang lalaki na walang iba kundi si Grant, ang ex-boyfriend niya!
"Uuwi na tayo, Kian—"
"Mi, please! I want him to be my daddy! Mi, please!" May luha sa mata na pamimilit ni Kian sa kanya.
Natigilan siya. Ngayon lang binanggit ng anak niya na gusto pala nito ng isang Daddy. Pinigil niya ang sarili na huwag mapa-iyak.
"Mi, please! Gusto ko siya maging Daddy! Siya nalang, please! I really like him a lot, magaling din po siya kumanta, Mi. I'm sure hindi ka niya iiwan matapos ka niyang hubaran ng panty!" Ani Kian na umiiyak pa rin. Napasinghap ang lahat sa narinig. "Matagal ko na po gusto magkaroon ng Daddy, Mi! Naiinggit po ako sa mga classmates ko dahil sila pong lahat may Daddy! I overheard them talking about my real Daddy po. Hinubaran ka lang daw po ng panty ng totoong Daddy ko then he left you na po. Please, Mi... I want him to be my Daddy." Patuloy na pamimilit ng anak niya.
Hindi na siya nagdalawang isip. Binuhat niya ang umiiyak na anak at saka bumaba sa stage. Hindi niya gusto na makilala siya ni Grant at hintayin na baka ano pa ang isipin ng mga fans ng binata. Bukod do'n ay nakakahiya ang sinabi ng kanyang anak! Hindi niya alam kung saan nakuha o narinig ng anak niya ang mga salitang 'yon, pulang-pula ang mukha niya sa hiya!
Pagdating sa bahay ay kinausap niya ang anak. "Kian, saan mo narinig ang mga sinabi mo kanina?" Agad na tanong niya.
"Narinig ko po kay Ninang Dina, totoo po ba, Mi, na iniwan ka ni daddy? Wala na po talaga akong daddy?" Pigil ang luha na tanong ng anak niya.
Tila may bumara sa lalamunan niya. Limang taon na ang anak niya pero hindi ito naghanap kahit minsan ng isang ama. Ngayon na naghanap na 'to ay hindi naman niya alam kung paano sasabihin ang totoo. Hindi rin niya magawa na magalit sa kaibigan. Ang buong akala ng mga 'to ay itinatago lang niya kung sino ang ama ni Kian. Hindi niya magawa na sabihin sa mga ito ang tungkol sa nangyari sa kanya. Dahil sigurado siya na sisisihin nito ang mga sarili.
"Mi, is that true? Hindi po ba niya tayo mahal? Hindi niya po ako mahal?" Nagsimulang humikbi ang anak niya na halos ikadurog ng puso niya.
"M-Mahal na mahal ka niya, anak. Bakit hindi niya mamahalin ang tulad mo, eh ang cute-cute mo kaya." Pinisil niya ang pisngi ng anak.
"Talaga po, Mi? Kung mahal niya po ako, bakit hindi po natin siya kasama?"
Natigilan siya, hindi niya alam kung tama ba pero ito nalang ang lumabas sa labi niya.
"Makikilala mo siya, Kian, pangako ko 'yan sayo." Aniya.