Chapter 4

1016 Words
You know, I've been dreaming of finding this missing piece. And to this day, I'm searching harder than ever and I think I've found it... ~Mata Kimi To (With You Again), JAY'ED ft. Ms. OOJA xxxxxx AGAD namang natapos ni Elena ang natitira pa niyang trabaho at dahil wala naman siyang masyadong appointments, nakauwi naman siya nang maaga gaya ng nasabi niya kay Joel. Habang binabagtas niya ang daan pauwi sa ancestral house ay hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa mga nangyari na kanina lang niya natuklasan. Unang-una na rito ang kasalang magaganap sa pagitan nina Alexis at ng kapatid niyang si Angela. Hindi na siya nagtaka na ang dalawa ang nagkatuluyan. Kunsabagay, matagal naman na niyang napapansin ang kilos ng dalawang iyon kapag magkaharap. At hindi lang siya ang nakakapansin niyon. Pero sigurado siya na isang malaking selebrasyon ito para sa mga pamilya nila. Alam niyang dahil sa mangyayaring kasalan sa pagitan nina Alexis at Angela ay mas lalo pang magiging mahigpit ang kapit ng mga Cervantes at dela Vega sa isa't-isa. Pangalawa naman ay ang 'di inaasahang pagkikita nila ni Aries—-ng lalaking mahigpit apat na tao nang laman ng kanyang panaginip. Pero kahit na hanggang ngayon ay nagdududa pa rin siya, hindi naman maipaliwanag ang sayang nadarama niya nang makausap ang binata. At isang bagay ang napatunayan ni Elena sa kanyang sarili matapos ang pagkikita nilang iyon ni Aries. Ito ang lalaking minahal niya mula sa isang panaginip. At sana lang ay tugunan din nito ang kanyang nararamdaman para rito. 'Pero mangyayari kaya ang bagay na iyon?' xxxxxx MASAYANG-MASAYA ang lahat na naghahanda ng dinner ng dalawang pamilya mamayang seven o'clock. Nadatnan ni Elena ang mga kapatid at kababata na nag-uusap-usap sa sala kasama din sina Don Javier at Don Carlos. Wala pa sina Alexis at Angela sa kumpulang iyon at hindi na siya magtataka sa bagay na iyon. Sinalubong siya ni Joel nang mapansin ang kanyang pagdating. "O, mabuti naman at nakauwi ka nang maaga." "Maaga ko kasing natapos ang trabaho ko kaya nakauwi ako kaagad gaya ng nasabi ko sa 'yo kanina." Iniabot niya sa katulong ang kanyang mga gamit upang madala na sa kanyang silid. "Hindi ka man lang ba muna magbibihis, Elena?" tanong ni Cecille. "Mamaya na. Hindi naman narumihan ang damit ko. At isa pa, kailangang maging pormal ako sa pagharap sa dalawang iyon." Nagkatinginan ang mga kapatid niya't mga kababata. "Alam mo, feel ko lang, ha? Parang may alam ka na sa ibabalita ni Kuya Alexis sa atin," wika ni Elizza. "Oo nga naman," pagsang-ayon naman ni Nathan. Napangiti na lang siya sa sinabing iyon ng dalawa. Patuloy ang kuwentuhan nilang lahat at bigla lang nahinto iyon nang sabihin ni Aling Belinda na dumating na sina Alexis at Angela kasama ang isang bisita. Hinintay na lang nila ang pagpasok ng dalawa at ng kanilang bisita sa loob ng ancestral house. Habang naghihintay sila ay hindi naman maipaliwanag ni Elena ang bumibilis na pagtibok ng kanyang puso. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Agad na tumayo siya at umalis sa karamihan. At napansin iyon ni Joel. "Elena, saan ka pupunta? Parating na sina Alexis dito. Hintayin mo na lang." "Pupunta muna ako sa kuwarto, Kuya. Magsa-shower muna ako. B-bigla kasing uminit ang pakiramdam ko, eh." "O, sige. Pero bilisan mo, ha? Baka mamaya niyan, magtampo sa iyo ang dalawang 'yon kapag 'di ka nagpakita sa kanila." "Don't worry. Sandali lang ako." Agad na tumalikod si Elena at nagmamadaling nagtungo sa kanyang silid. Kailangan lang talaga niya munang lumayo sa kanila dahil sa 'di maipaliwanag na pagsisikip ng kanyang dibdib. Maging ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. 'Bakit ganito ang nararamdaman ko? Wala naman sigurong mangyayaring ikabibigla ko, 'no? Bukod sa pag-a-announce nina Kuya Alexis at Angela ng kasal nila, may iba pa akong malalaman?' Bukod dito, samu't-saring tanong pa ang sumasakanya ng mga sandaling iyon habang dinadaluyan ng maligamgam na tubig na nagmumula sa shower ang kanyang katawan. At nang matapos ay wala pa rin siyang mahagilap na sagot sa mga katanungang nasa isipan niya. Kaya naman agad na siyang nagbihis matapos na patuyuin ng tuwalya ang buhok at katawan. Isang casual dress ang pinili niyang suotin dahil bigla ngang uminit ang pakiramdam niya kanina. Matapos magbihis ay agad na bumaba si Elena at gaya ng inaasahan ay naroon na sina Alexis at Angela sa sala kung saan nakikipagkuwentuhan ang mga ito. Napangiti siya nang masilayan at marinig niya ang halakhakan ng mga naroon. Mukhang unti-unti nang bumabalik ang dating saya sa pamilya nila. Ang isiping mas lalo pang magbubuklod ang kanilang mga pamilya dahil sa nalalapit na kasal nina Alexis at Angela ang mas magbibigay sa kanya ng kasiyahan. Ilang sandali pa ang nakalipas bago muling kumilos patungo sa sala si Elena. Noon lang niya napagtuunan ng pansin ang bulto ng isang taong nakatalikod sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha nito. Ito marahil ang kasama ng dalawa na bisita nila ngayon. Habang tinititigan niyang mabuti ang taong iyon ay nararamdaman na naman niya ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. At hindi niya maintindihan kung bakit. Ilang beses siyang bumuntong-hininga upang pakalmahin ang kanyang pusong patuloy sa pagtibok nang mabilis. Saka siya lumapit sa mga ito. "Hi, everyone!" masayang bati niya sa mga ito. Natuon ang pansin ng lahat sa kanya maliban sa taong kanina pa niya tinitingnan. "Akala ko naman, nagkulong ka na sa kuwarto mo at wala ka nang planong lumabas," natatawang wika ni Joel. "Si Kuya naman. Napaghahalatang wala ka na namang maasar. Nananahimik na nga ako, eh." "Well, you kept us waiting." "Sorry." "Ah, by the way, Elena. Kayong lahat, gusto ko sanang ipakilala sa inyo ang best friend ko. Si Aries Valencia." Pagkarinig sa pangalang iyon ay parang itinulos sa kinatatayuan niya si Elena. Parang hindi siya mapaniwalaan ang narinig. Pero nakumpirma lang niya ang lahat nang tumayo ito at pumihit paharap sa kanya. Noon na tuluyang nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa nasilayan. Could this be real at the moment? Her mind wasn't playing her, was it? "Nice to see you again, Elena."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD