Even with this yearning, I can't stop my heart from feeling this way... ~ Florence Joyce
xxxxxx
"WAIT a minute. Magkakilala kayo?"
Kahit walang dudang ikinagulat ni Elena ang nakita nang mga sandaling iyon, sapat naman ang tanong na iyon ng kanyang Kuya Joel para makahuma siya mula sa gulat na naramdaman.
"Umm... Nagkakilala lang kami sa restaurant ni Tita Isabelle kaninang lunch." Hanggang doon lang ang naisatinig niya dahil hindi niya gustong mapahiya at maasar kapag nalaman ng mga ito ang dahilan kung bakit nagkakilala sila ni Aries.
Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang sa mga sandaling iyon na nagkita silang muli ni Aries. At naroon pa talaga ito sa ancestral house nila. Oo nga't hiniling niya nang hindi na ito naabutan sa restaurant kanina na sana ay muling magtagpo ang mga landas nila ng lalaki. Pero hindi maikakailang nabigla pa rin siya na nagkatotoo ang hiling niyang iyon.
"B-bakit ka nga pala naparito?" Pambihira! Kailangan ba talagang mautal siya nang ganito dahil lang sa presensiya nito?
"He'll be living with us in the meantime."
Kunot-noong hinarap ni Elena si Alexis na siyang nagsabi niyon. Kapapasok lang nito sa sala, hawak-hawak ang kamay ni Angela na kasabay nitong dumating. Pero kahit gusto niyang matuwa nang husto sa nakita, alam niyang may mali na sa mga sinabi ni Alexis. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Tungkulin nating protektahan siya sa ngayon, hanggang sa masiguro nating hindi na siya idadamay sa gulong dapat ay tayo lang ang humaharap."
Okay, things were getting weirder by the minute. Iyon ang nasa isipan ni Elena ng mga sandaling iyon habang hinihintay na magpatuloy si Alexis sa sasabihin nito. Nakita niya itong huminga nang malalim bago umupo sa mahabang sofa katabi si Angela.
"Bago ko sabihin ang tungkol diyan, may gusto sana akong ibalita sa inyong lahat."
"Let me guess. Magpapakasal na kayo ni Angela?" agad na banat ni Kevin, dahilan upang panlakihan niya ng mga mata ang kapatid. "What?"
"Hinayaan mo na lang sana akong magsabi niyan, Kevin." Wala namang mababakas na inis sa tono ni Alexis nang sabihin nito iyon.
"Hindi mo na kailangang ianunsyo iyon sa aming lahat dahil alam naming doon din naman ang kahahantungan ninyong dalawa. Inunahan na kita sa pagbabalita."
Nagtawanan ang mga naroon, kahit si Elena na nakaramdam na naman ng pananaghili para sa kasiyahan ng kapatid at ng kababatang mahal na mahal nito.
"Pero gusto ko pa ring sabihin sa inyo ang gusto kong gawin namin ni Angela. It's been a long time that I've held myself back in expressing my feelings for her. Idagdag n'yo pa ang pag-aakala kong patay na siya, para lang malaman ko pagdating sa Pilipinas na buhay na buhay siya. Ayoko nang magsayang ng panahon na gawin ang isang bagay na magpapakumpleto sa buhay ko. At iyon ang pakasalan ang kapatid mo, Joel. Sa 'yo ako humihingi ng permiso ngayon dahil ikaw ang panganay ng mga dela Vega. Kahit sabihin pang alam na ni Tito Carlos ang tungkol sa plano kong ito sa isa sa mga dalaga niya, gusto ko pa ring malaman ang saloobin mo tungkol dito."
Ilang sandali ring walang imik si Joel na medyo ikinabahala ni Elena. Hindi ba ito papayag?
"I appreciate the fact that you considered asking for my permission about this, Alexis. Alam mo naman siguro kung gaano ako ka-protective sa mga kapatid ko. Pero alam ko na mabuti kang tao. Hindi mai-in love sa 'yo si Angela kung kabaliktaran ka n'on. At alam ko rin kung gaano ka kamahal ng kapatid ko. Kaya sino ba ako para tumutol sa gusto mong mangyari? Isa lang ang gusto kong ipangako mo sa akin, Alexis."
"Say it."
"Love her and take care of her. Don't hold back. Kagaya ng pag-aalaga at pagmamahal ng mga magulang natin sa isa't-isa," seryosong tugon ni Joel na ikinatahimik ng lahat.
Pero sandali lang iyon.
Nilapitan ni Alexis si Joel at niyakap ito nang mahigpit. Napangiti si Elena sa nakita at saka binalingan si Angela na tila maluluha na at yakap-yakap nina Elizza, Cheska at Fate. Ang iba naman ay pumapalakpak at nakangiti. Kalaunan ay napadako ang tingin niya kay Aries na kitang-kita ang tuwa para kay Alexis at pumapalakpak din.
For some reason, that sight brought warmth in her that she didn't know she'd feel in her life. Hanggang sa mga sandaling iyon, hindi pa rin siya makapaniwala na makikilala niya nang personal ang taong sa panaginip lang niya nakikita noon.
Iniwas na niya ang tingin dito bago pa mapunta sa kung saan ang takbo ng isipan niya dahil lang kay Aries.
"Ate, okay ka lang?" Ang tanong na iyon ni Angela ang nagpabalik ng isip ni Elena sa kasalukuyan.
Nginitian niya ang kapatid bago tumango. "Huwag kang mag-alala. Ang mas pakaisipin mo ngayon ay ang magiging kasal mo. Teka, nakapili ka na ba ng design ng gown na isusuot mo?"
Ito naman ngayon ang tumango. "Yeah, I did. Mamaya ko na lang ipapakita sa 'yo."
"Okay."
'Di man sinasadya ay napadakong muli ang tingin ni Elena kay Aries. Sa gulat niya ay mataman itong nakatingin sa kanya ng mga sandaling iyon. Teka, gaano katagal na ba itong nakatingin nang ganoon sa kanya?
"Alright. That's enough drama. Siguro naman, Kuya, kailangan mo nang sabihin sa amin ang dahilan kung bakit dito makikitira sa atin si Kuya Aries," ani Nathan na pumutol sa sayang pumalibot sa kanila.
Of course, they knew he didn't mean anything bad about that. Pero sigurado si Elena na matindi ang dahilan kung bakit naisipan iyon ni Alexis para sa kaibigan nito.
"The guys who were after that elusive diary are threatening him," Joel answered gravely that immediately caught everyone's attention.
Kasabay niyon ay bigla ang naging pagkabog ng dibdib ni Elena, lalo na nang maalala niya ang kanyang panaginip tungkol kay Aries.
'So it's true. He does have a connection to that missing diary.' Pero sa mga sandaling iyon, may posible ba siyang magawa upang huwag magkatotoo ang panaginip niya tungkol dito?
"Threatening him? Ano'ng ibig mong sabihin?"
Hindi nag-alinlangan si Aries na isalaysay ang ilang kaganapang may kinalaman sa tinutukoy ni Joel. Nagulat siya nang malamang bago pa pala dumating si Alexis ay ilang death threats na rin ang natanggap ni Aries na may kinalaman sa diary na hinahanap ng kung sino man.
Sigurado si Elena na may kinalaman pa rin si Fidel Mariano tungkol doon. Oo nga't napatay na ni Angela ang anak nitong si Ricky nang manloob ito sa Hacienda Rosalia at nalaman na rin nila kung sino ang ilan pang espiya sa paligid nila bukod kay Mang Ambo na nakakulong na. Pero hindi ibig sabihin niyon ay tapos na ang lahat. Hanggang buhay pa at malaya sa kamay ng batas ang Fidel Mariano na iyon, alam niyang hindi matatahimik ang pamilya nila.
"So sinasabi mo ba na posibleng may kinalaman ang diary na iyon kung bakit napatay ang tatay ni Aries noon?" biglang tanong niya nang magawa niyang isipin nang husto ang mga isinalaysay ng binata sa kanila nang mga sandaling iyon.
"Hindi pa rin nila nahuhuli ang pumatay sa aking ama. Pero hindi pa rin ako tumitigil para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. And to answer your question, matindi ang hinala ko na may alam siya sa kung ano man ang nilalaman ng diary na iyon. They killed my father because it's either they never got any information from him about it or they got something and chose to silence him completely after that."
Walang naging tugon ang sinuman sa isinalaysay ni Aries sa kanilang lahat. But this was too much. Iyon lang tiyak ni Elena na naiisip niya at ng mga kasama niya. Gaano katagal na bang naging ganito ang takbo ng mga pangyayari kapag ang diary nina Alfonso at Victoria ang may kinalaman?
"Well, it's a good thing that... Alexis decided to let you stay here," aniya pagkatapos ng mahabang katahimikang nakapalibot sa kanila.
Tumango si Aries at ngumiti sa unang pagkakataon matapos ang pagsasalaysay nito. Ang siste, dahil sa tanawing iyon ay muling bumilis ang pagtibok ng kanyang puso.
Pambihira! Bakit mas matindi pa ang epekto ng lalaking ito sa kanya ngayong nakikita na niya ito sa realidad at hindi lang sa panaginip?
"Kung alam mo lang, Elena, nahirapan pa akong kumbinsihin ang lokong ito na dito muna tumira sa atin hanggang hindi pa natatapos ang imbestigasyon para malaman kung sino ang nagpapadala ng mga death threat sa kanya," tugon ni Alexis. "Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Joel para makumbinsi siya."
"Wala akong ginawa. Tinanong lang niya sa akin kung dito rin daw ba sa hacienda nakatira si Elena. Nang sabihin kong oo, 'ayun! Pumayag na siya sa gusto ni Alexis."
'Say what now?' Nagbibiro ba ang nakatatandang kapatid niya?