pregnancy journey

809 Words
buwan buwan kaming nag papa check up ni baby upang masiguradong makakalabas Siya Ng ligtas . habang unti unting lamalaki ang aking tiyan sumasabay nadin ang pangingitim Ng aking mga kili kili lumalapad nadin ang aking ilong marahil ganoo talaga kapag buntis magbabago talaga ang panlabas na anyo... dumadagdag pa ang hirap SA pag bangon sa tuwing madalas akong maihi palagi Rin sumasakit ang aking baywang gawa nang pagbigat Ng aking tiyan.. naging maselan din ako sa pagkain.. maging ang aking pang Amoy ay naging sensitibo Rin.. ngunit ganon pa man lahat Ng hirap na Ito ay may kapalit na kaligayahan na pang habang buhay. oo alam Kong masarap na mahirap ang maging isang magulang pero nakahanda na kami para sa araw na iyon... babae man o lalake ang aming maging anak ang mahalaga ok ito at malusog . mabilis na lumaki ang aking tiyan nangangahulugan na malaking bata ang ipinagbubuntis ko isang napakalikot na batang lalake.. Hindi KO makakalimutan ang pakiramdam nang sabihin SA Amin sorologist na lalake ang aming anak...sept 19 2019 NASA ika anim na buwan Ng aking pag bubuntis upang makasigurado Kami SA resulta... at Kami ay Hindi nagkamali Kaya pala ganon na lamang ang malaking pagbabago sa aking itsura.. lalong nagsikap ang aking Mahal na si Ralf upang paghandaan ang aking panganganak maging SA pamimili Ng gamit Ng sanggol ay excited Kami. agad Kong nilabhan at pinalancha ang mga baru baruan Ng sanggol Habang Hindi Naman mawala sa isip ko ang takot na baka Hindi kami maka ligtas pareho SA panganganak. maraming negatibong bagay ang nag lalaro noon sa aking isipan paano nalang kapag matulad ako sa ibang nanay na nalagutan Ng hininga, paano kapag Hindi KO nakaya ang panganganak.. nang dumating na ang takdang araw na ako ay manganganak na agad akong isinugod sa ospital Ng malolos upang Doon manganak mabuti nalang Merong kaibigang maaasahan ang aking asawa . nilakasan ko ang aking loob sa lahat Ng oras naiimagine ko pa lamang na akoy nakaraos na naluluha nako kaagad sa saya.. duon nga sa ospital ay nasaksihan ko lahat SA bawat kama ay may nakahigang mga kapwa ko nag le labor na din ang isang babae ay halos gusto na mag pa C's dahil Hindi na daw nya Kaya ang sakit... habang ang mga nurses ay sanay na sa ganoong sistema ...sumagi nadin noon sa isip ko Kung maaari ba ako mag pa C's ngunit naisip ko na mas mahihirapan Pala Kami dahil mas magastos pala Kung manganganak Ng C's marami din proseso na dapat isagawa .. habang ang panganganak Ng normal ay sadyang mas mahirap sa Una ngunit mas madaling iraos at mas madaling maghilom.. sa tuwing naririnig KO ang word na for table, nakikita KO na inililipat na sa stainless na higaan ang buntis at dadalin na sa delivery room palagi ko sinasabi SA aking sarili na sana ako Naman ang next na ihatid na Doon para makaraos nadin ako. nakaka antig Lang Ng puso SA tuwing nakikita Kong halos walang malay na ang ina na ilalabas na Ng delivery room at nakaraos na kasunod ang kanyang sanggol ...palagi akong nag iimagine na Maya Maya lamang ay mararanasan kodin ang humiga katabi Ng aking baby.... Hindi KO malaman Kung bakit ganon nalang ang aking kaba at Kung ano ang pumasok SA aking isipan at kinapa ko ang aking maselang parte habang nakabukaka at umiire.. ako ay may nasalat marahil ulo na iyon Ng bata. lumapit ang nurse narinig KO ang word na for table na daw ako .... Tama ba ang narinig KO this is it? final na nga isasalang na ako SA delivery room.... kailangan mailabas ko Ng successful ang batang Ito Hindi ako pwede makatulog dahil takot ako sa ideya na baka bawian ako Ng buhay... diyos ko po gutom uhaw p*******t Ng buong katawan butil butil na pawis ang pumapatak sa akin habang ako ay binibilangan sa aking pag ire..tunay ngang napaka buwis buhay Ng panganganak ... ang tanging NASA isipan kolang Ng mga oras na iyon ay umire Ng umire huwag bitinin ang pag ire kumuha Ng hininga at lakas may awa ang diyos kapag naririnig KO ang mga nag papa anak SA akin na malapit na lalo ako nagkakalakas loob upang tapusin na.. isang masakit na pag hatak Ng sanggol palabas Ng aking matres ang nagbigay Ng Hindi maipaliwanag na kasiyahan sa wakas masisilayan Kona ang kanyang mukha ano Kaya itsura nya agad ay tinanong ako Ng mga nag pa anak SA akin misis ano po ang anak nyo SA lalake po ang sagot ko. may kakaibang lukso Ng dugo at saya akong naramdaman Ng SA wkas idinikit sa aking tiyan ang akinv baby na pinangalanan naming Charles grey isang baby boy na matangos ang ulong ang aking nasilayan mahaba ang pilik Mata may cleft chin at dimples din.. marahil ay napaka gwapo talaga Ng bata

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD