pinilit Kong makabangon upang magampanan ko Ng mabuti ang tungkulin ko bilang kabiyak ni Ralf lahat din Ng makakaya nya ginagawa nya upang libangin ako at para maging masaya ako ...palagi nya akong ipinapasyal, ibinibinili Ng mga pagkain na alam niyang paborito Kong kainin lagi Rin syang NASA tabi ko upang makinig sa mga kwento KO kinakamusta din niya ang araw KO...wala nakong masasabi pa SA aking Mahal na si Ralf malaking bagay ang nariyan sya sa aking tabi , Kung wala siya Baka Hindi Kona kinaya ang lahat Ng pag subok. sa kabila Ng katotohanan na Siya man ay may pinagdadaanan pa malungkot din Siya SA pagkawala ng aming anak .. at kasalukuyan parin siyang nag luluksa SA pag kawala Ng kanyang Mahal na ina .
aaminin KO lubha akong nag alala nang sabihin SA akin noon Ng O-bgyne na mas makakabuti daw Kung pag katapos Kong maraspa ay palipasin ko daw muna ang isang taon bago mag buntis ulit upang mas makapag pahinga daw ang aking bahay bata o matres.
ngunit natuwa Rin ako nang sabihin niyang after 3 months ay possible na daw akong mabuntis dahil ang mga babae daw na nakaranas makunan dalawa daw ang nagiging kapalit non posibleng Hindi kana magka anak , o magiging sunod sunod daw ang aanakin mo o magiging mabilis kana mabuntis ..
ako Naman ay umaasa na duon ako sa sunod sunod na anak kesa Naman Hindi na ako biyayaan pa ulit ...... ako ay naglibang upang makalimot SA masakit na pangyayare Ng aking buhay.. minabuti kodin na mag pahinga Ng ilang buwan at huwag na munang bumalik sa pag ta trabaho upang mabuntis ulit. habang ang aking kabiyak na si Ralf ay suportado ako sa lahat Ng aking desisyon. pag kagaling niya sa kanyang trabaho at lagi siyang may dalang pasalubong sa akin... naalala kopa sumapit ang aming ikaw tatlong anibersaryo bigla siyang dumating may dalang cake at mga Rosa's na pink sobra akong natuwa at halos mapa luha ang buong akala ko kase siya ay gagabihin pa Ng uwe dahil sya ay may trabaho.. ngunit nagkamali ako pinili pala niya mag under time upang masorpresa ako.. at Siya nga ay nagtagumpay.... pagkatapos namin kumuha Ng litrato Siya ay umalis na upang bumalik sa kanyang trabaho talagang inuwi Lang daw muna nya ang kanyang sorpresa at sya ay umalis na ...Hindi maubos ubos sa ngiti sa aking mga labi hanggang sa kanyang pag uwi tila masaya parin akong sumalubong sa kanya pinasalamatan ko Siya SA kanyang walang sawang pag
papakita na mahalaga ako sa kanya at Mahal na mahal niya ako.
niyakap niya ako at hinalikan sabay sabing Mahal na mahal Kita asawa ko lahat gagawin ko mapasaya lamang Kita. ganoon Kita kamahal..
lumipas ang ilang buwan si Ralf ay nag trabaho sa malayo unang beses namin mag kakalayo Hindi ako sanay na malayo sa piling niya..nagging malulungkutin ako
mabuti nalang at lagi kaming nag Kaka chat miss na miss Kona ang aking si Ralf duon ko na pag tanto na wala na palang mas hihigit pa sa kanyang bagay na pwedeng mag pasaya sa akin... kundi Siya lamang... Hindi kodin maiwasan ang matakot na baka may Makita siyang bagong babae Doon na mag papakitang motibo SA kaniya.
lahat Ng bagay ay itinatanong ko SA kaniya.. Kung anong oras sya nag a out. ano ulam niya kanina, sino mga kasabay niya kumain Ng tanghalian.. sino ang kasama niya sa staff house hanggang humantong sa pagtatalo ang usapang walang Ka kwenta kwenta....
Hindi din niya kase mapigilan ang ma irita sa aking kapraningan oo aminado akong napapa praning ako lalo na kapag naiisip ko na baka may mga babae siyang kasamahan at magpa charming SA kanya. Hindi SA wala akong tiwala sa kanya , wala Lang talaga akong tiwala sa mga babaeng NASA paligid niya.
walong buwan ang nakakalipas simula Ng ako ay nakunan mag iisang buwan ang aking Mahal na si Ralf sa kanyang trabaho sa antipolo nang ako ay naghinala na Baka ako nga ay buntis na SA ikalawang pag kakataon. lahat na yata Ng Santo ay nabanggit ko na upang Makita lamang na dalawa ang lalabas na guhit sa aking biniling pregnancy test at ako nga at tila binigyan Ng himala Ng amang lumikha. labis ang aking kagalakan Hindi ako makapaniwala na ako ay buntis Kaya pala ganoon na kanang ang aking pagiging emosyonal tiyak na masisiyagan ang aking si Ralf sa magandang balita na sasabihin ko sa kanya...
nang sabihin ko sa kanya ang magandang balita agad agad ay nag plano siyang umuwi sa aking piling upang magabayan ako sa aking pagbubuntis gusto daw niya akong alagaan Ng mabuti upang Hindi na maulit ang nangyare noon. labis labis ang kanyang oasasalamat SA pong may kapal dahil dininig nito ang aming panalangin na maging isang buong pamilya...
alaga niya ako sa lahat Ng aspeto lahat Ng gusto ko binibigay niya..naalala kopa noon umagang umaga pag gising KO mangga agad ang NASA isip ko na gusto Kong kainin agad Naman siyang nag Tungo sa bukid SA kanyang auntie upang umakyat sa puno Ng mangga nito.
ganoon pala talaga ang nag lilihi... titikman molang pero Hindi uubusin aayawan na.. footlong french fries Yan ang mga gusto ko noon kainin.. ngunit dahil alam naming Hindi maganda sa pagbubuntis medyo iniwasan kodin ang mga ganoong pagkain...
grabe Hindi ako makapaniwala NASA ika 3 weeks palang ako Ng pagbubuntis ko at sadyang malakas ang pitik Ng namumuong sanggol sa aking sinapupunan.
marahil totoo ang Sabi Sabi na malaki daw ang chance na lalake ang ipinag bubunntis kapag malakas daw ang pitik nito SA loob .. alagang alaga ako sa vitamins check up at buwan buwan din namin minomonitor ang heartbeat Ng baby ang sarap Pala SA tenga pakinggan ang bilis Ng heartbeat masiglang masigla ang aming baby sa loob.. habang nasa daan Kami pauwi habang mag Ka angkas sa single na motor Hindi maubos ubos ang aming pag kukwentuhan tungkol sa heartbeat Ng aming anak palagi Kami bumubuo Ng pangarap na balang araw makakasama din namin ang aming anak