new blood is a blessing

1054 Words
habang si Ralf ay NASA cr SA Baba ako Naman ay abala SA Kung paano paraan ko ba sya sosorpresahin ,naisipan Kong ilagay sa ilalim ng unan ang dalawang pregnancy test siguro Naman ay ok na Ito dito... Maya Maya ay umakyat na nga Siya, hinalikan nya ko at kinamusta ang araw KO sinabi ko sa kanya na maganda ang araw KO habang nakangiti iniutos ko sa kanya na iangat ang unan ginawa Naman niya Ng may pagtataka.. ilang Segundo siyang natigilan at tila nagulat sa kanyang nakita, totoo ba Ito? tanong nya na nakangiti sabay yakap nya Ng mahigpit sa akin.. buhat nga Ng mga oras na iyon ay over acting na Siya sa paraan Ng pag iingat sa akin. maging SA pag baba KO Ng hagdanan nariyan sya at naka alalay sa akin.. halos akayin na nga Rin nya ako habang naglalakad papuntang kusina ... ganito Pala kapag first time dad Ka , wika niya.. kakaibang kaligayahan daw ang kanyang nadarama at tila Hindi parin makapaniwala.. palagi niya akong pinapakain Ng mga masustansiyang pagkain... prutas gulay at Kung ano pang makunsunadahan Kong kainin. naalala kopa noon avocado ang paborito ko kainin panahon Ng avocado at palagi sya binibigyan Ng kanyang kaibigan ... madami na kaming nabubuong pangarap para sa batang ipinagbubuntis ko ang araw araw na pumapatak na dugo ay ipinagwalang bahala ko, isang maling akala na akala ko ay normal lang ngunit sa kasamaang palad ang patak ay naging malakas na agos Ng dugo kasabay Ng napakasakit na hilab na tila binibiyak ang aking balakang ...nakapag pa ultra sound pa ako nang araw na iyon ..Hindi KO matanggap ang naging resulta, ang dugo na magiging bata Sana ay nakababa na raw SA aking bahay bata Kumbaga sa itlog Ito daw at bugok. sakto Ng araw ding iyon kinagabihan dinala ako ni Ralf sa pinakamalapit na ospital Kung saan ipapa basa sa O bigyne ang aking ultrasound results . habang nakaupo at nag aantay sa OB wala paring tigil ang agos Ng dugo .. ang suot Kong puting shorts ay nabahiran Ng dugo Hindi KO maipaliwanag ang aking nararamdaman na sakit emotionally mentally physically,habang ako ay dinudugo sa aking kinakaupuan Panay iyak Naman Ng mga bagong silang na sanggol ang aking naririnig mula sa likod Ng kurtina sa aming harapan na nagdulot lalo SA akin Ng sakit at pag tatanong sa aking sarili ,,bakit ako pa? Hindi bako pwede maging INA? puno Ng inggit ang puso KO SA mga ina na katabi ang kanilang sanggol habang ako na mag sisimula palang Sana maging INA pero binabawi na agad sa akin isang tila hugis bituka ng isda ang lumabas mula SA akin na sinikap Kong saluhin Ng aking duguang panty Hindi KO Ito hinayaan mahilog sa toilet baul habang ako ay umiihi dahil may kutob na ako na baka eto na nga ang mabubuong anak Sana namin... nang ako ay chini check up na Ng OB kinumpirma nya sakin na lumabas na nga raw ang baby Sana namin na nabubuo na dahil eksaktong dalawang buwan na Ito. ang pag daloy Ng luha SA aking mga Mata ay Hindi Kona namalayan kusa itlog tumulo kasabay Ng pag guho Ng aking mundo na tila akoy nabalian Ng isang paa. Hindi KO din napigilan ang sarili ko na sambitin ang mga katagang wag ka magbabago sakin asawa KO habang hawak hawak nya ang kamay KO. oo Naman Mahal ko nandito Lang ako para sayo sagot nya. nang araw ding iyon agad akong inadmit sa ospital para raspahin kinabukasan , dinala ako SA isang bakanteng silid Kung saan ako lamang mag isa walang kausap walang kasama bukod tanging pag pitik lamang Ng orasan ang aking naririnig inalis ang aking hikaw singing nail polish at lipstick at pinagsuot ako Ng diaper .. Maya Maya ay may dumating na lalaking nurse at inilagay sa aking tabi ang maliit na boteng naglalaman Ng pormalin Doon nilagay ang aking magiging baby Sana upang maiuwi namin Ito .. nakabantay ako sa orasan at tila ayaw kong makatulog dahil sa idea na ako ay raraspahin pag sapit Ng ika 7 Ng umaga..Hindi KO alam Kung ano at Kung paano nila gagawin yon wala akong ideya dahil ngayon Lang Naman Ito nangyare SA buhay ko. ilang oras nalang at isasalang na ako, takot at Kaba ang nangingibabaw sa akin. Sana ay matapos na Sana ay makauwi na ako...habang ang aking Mahal na ina at si Ralf ay matiyagang nag aantay Ng balita sa labas Ng ospital dahil bawal ang bantay sa loob .. eto na at nakahiga na ako SA mataas na higaan isang malaking ilaw ang nakatapat SA aking mukha ,,nagkakalansingang mga metal na gunting at Kung ano ano pang klase Ng matutulis na bagay ang aking nakita na nag dulot lalo Ng takot sa akin... napakasakit Ng epekto Ng anistisiya sa aking braso pati narin ang pampatulog na inilagay sa aking suwero ay pilit Kong nilalabanan dahil, SA takot Kong Baka akoy Hindi na magising pa... habang ako ay nakapikit at pinapakiramdaman ang pampatulog ang nurse ay Panay galaw sa aking pilik Mata .. ganon Pala ang paraan nila upang masigurado Kung tulog naba ang pasyente bago Ito raspahin. maselan parte kase ang kakayudin Ng mga metal SA loob ng matres Ng babae Kaya Hindi pwedeng gising Ito kapag raraspahin dahil Baka Ito ay mabutas...at Hindi na mag Ka anak pa .. habang ako ay padilat dilat naaaninag ko ang umiikot na kisame na tila ako at lasing sa gamot hanggang sa Hindi Kona alam ang mga sumunod na nangyare at ako ay nakatulog na pala . marami akong boses na naririnig ang Ilan dito ay pamilyar sa akin, habang nararamdaman ko na nakahiga ako at aalog alog dahil tinutulak ang hinihigaan ko patungo sa isang recovery room...Tama nga boses nga ni Ralf ang aking naulinigan kinuha Pala nya ang stretcher na hinihigaan ko mula SA lalaking staff Ng hospital upang siya na ang mag tulak nakaka antig Lang Ng damdamin ganon niya talaga ako kamahal... Ng bumalik na ako SA ulirat mga iyak Ng sanggol ang aking unang narinig ako Pala ay inihalo sa recovery room Ng mga bagong panganak... inggit at lungkot ang lalong idinulot nito SA akin.. sinabi ko sa sarili ko babalik ako sa ospital na Ito Hindi para raspahin, kundi dahil manganganak din ako balang araw ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD