Kristel Nagising naman ako sa tama ng sikat nang araw na tumatagos sa bintana ng kwarto ko, tinignan ko ang oras, napahiga na lang ako. Sakit ng ulo ko, eh. Alas-8 pa lang din naman kaya matutulog muna ako. Pabalik na 'ko ng dreamland ng may istorbong kumatok sa pinto. Sino na naman ba 'to? Binuksan ko naman ang pinto at tumambad sa'kin ang tatlong bugok, kakamot-kamot ako ng ulo na sinarahan sila ng pinto at bumalik ako sa kama. Inaantok pa ako, eh. "Ano ba?!" Dinaganan ako ng tatlo, eh. Hindi ko pala na-lock 'yong pinto. Peste. Ang sakit ng likod ko. Sinamaan ko naman ang mga ito ng tingin, nagkamali yata akong pasunurin sila dito. Hays. "Girl, masakit ulo namin." Si Irish. Akala lang ba nila sila lang? "Dala ko ba ang gamot at nangugulo kayo dito?" Tinarayan ko na sila. "Ha

