chapter8

1021 Words
Cameron point of view Nakatayo ako sa harap ng bintana ng company habang kausap si dave, siya na kasi ang bahalang humanap ng magpapanggap na tatay ni elif sa kasal namin. Nakausap ko narin sila lola tungkol sa kasal, pero hindi pumayag si mommy pero ang mahalaga non pumayag si lola. Ininum ko ang alak sa shotglass habang nakatanaw sa mataas na tanawin ng bintana ng company ko, bakit ba kasi siya biglang naging ganito? Nagbago ang pakiki tungo niya sakin simula ng ihatid ko siya galing sa bahay. Ang babaeng iyon malalim magtanim ng sama ng luob, parang hindi lang pinatulog sa kama halos isang linggo akong hindi kausapin, ang init init pa ng ulo sa akin..isang linggo narin pero ayaw niya parin akong makita. Sa gwapo kong ito ayaw niyang makita? Nakakatawa. Itinukod ko ang kamay ko sa mesa at sumandal, may nagbukas ng pinto at tuloy tuloy na pumasok sa office ko. Bakit kaba nang iistorbo ng ibang tao?"inilapag ni dave ang suitcase niya sa sofa at nagsalin ng alak sa baso. Hindi kasi ako kinakausap ni elif, naiinip ako"baliwalang sagot ko, natahimik siya saglit at natawa. Kaya ako itong binubuliglig mo ng dahil lang sa ayaw kang kausapin ng fiance mo?"natatawa nyang sabi, pero hindi ako umimek. Parang nakita na kitang nagkaganyan sa isang babae noon ah"napatingin ako sakaniya. Wag mo ng ituloy ang sasabihin mo"pinangunahan ko nasya sa gusto nyang sabihin, nagkibit balikat lang ito. Matanong ko lang, may ilan linggo naba kayong nagpapanggap na ganito?"tanong ni dave kaya napaisip ako. May isang buwan nadin"sagot ko sakanyang tanong, At isang linggo nakong hindi kinakausap, at ayaw niya daw makita ang pagmumuka ko!"may diin kong sabi dahilan para sya'y malakas na matawa. Congrats!"tinapik niya ko sa balikat kaya tinaasan ko siya ng kilay. Pinaglilihan ka ni elif bro, elif is pregnant!"pabagsak kong nailapag ang baso sa mesa at natulala. Mabilis kong kinuha ang coat ko at tinapik siya sa braso. Ubusin mo 'tong alak, dyan kalang muna balik ako maya"nagmamadali akong lumabas ng office dahil balak ko syang sugurin sa bahay nila. Oo nga no, may isang buwan narin bakit nga ba hindi ko naisip yon agad? Halos paliparin ko ang kotse dahil sa pagmamadaling makarating sa bahay nila, agad kong kinatok ang bahay nila pero mukang walang tao. Hoyyy lintek! Sino ba iyan kaingay ingay"narinig ko ang nakakatakot na boses ng papa ni elif kaya umubo ako para iklaro ang lalamunan ko.. Hi magandang umaga po papsi!"nakangiti kong bati, nawala ang inis sakanyang muka ng makita ako. O' ikaw pala camerian pasok ka"aya niya saakin sa luob at pumasok naman ako. Asan po si beshy?"tanong ko gamit ang pinaka malambot kong boses at hinanap siya sa paligid ng maliit nilang bahay. Si elif? Wala e, kasama ng kaibigan nyang si solsol"sabi ng papa ni elif Ganoon po ba, saan po kaya sila nagpunta papsi?"tanong kong muli. Birthday ngayon ni solsol malamang nag ayaan sila uminom"umakyat ng mabilis na mabilis ang dugo sa utak ko. Anak ng! Bakit uminom?"galit kong sabi, nagtatakang napatingin saakin ang papa ni elif.. Nakaka inis namarn, bakit hindi ako inaya baka may boys silang kasama hindi manlang nag call!"gamit ang malambot kong boses. Natawa ang papa ni elif at inakbayan ako. Wag ka ng magtampo camerian, may ipapakilala ako saiyo!"nanlaki ang mga mata ko ng hatakin ako nito sa likod ng bahay. Nadatnan ko ang lalaking nakatayo don hawak ang panabong na manok. Lyndon!"tawag niya sa maskoladong lalaki at tumingin saamin. Ito si camerian, kaibigan ni elif..ah camerian ito naman si lyndon childhood crush ito ni elif pero ipapakilala kita sakaniya"aniya ng papa ni elif at binitawan ako sa pagkakaakbay. Im camerian"pakilala ko at inabot ang kamay, inabot niya din ang kamay niya sa akin.. Childhood crush pala ni elif ah. Aray"mahinang sabi nito kaya nabitawan ko ang kamay niya ng di ko namamalayan na napipiga ko na pala ang kamay niya. O sige mag usap muna kayo ni camerian"paalam ng tatay ni elif, pagkaalis nito ay. Nanliligaw ka kay elif?"tanong ko gamit ang maangas kong boses. Nagtaka ang kanyang muka munit napangiti din. Kapatid lang ang turin ko kay elif at bixesual ako"hinawakan niya ko sa braso pero agad kong tinabig. Gusto atang masuntok. Mabuti kung ganoon, ako nga pala ang mapapangasawa ni elif"bulong ko at naglakad paalis.. Pagsakay ko ng kotse ay tinawagan ko ang number ng kaibigan ni elif nasi sol, saka ko na sasabihin kung saan ko nakuha ang number niya. Hoy makinig ka, isang tagay mo na yan kay elif dahil kung hindi"pinutol ko ang huling linya. Teka paano mo nalaman na nag iinum kami ngayon?"tanong niya kaya napamura ako sa isip. Sabihin mo ang adress ng bahay niyo at pupunta ako!"inis kong sabi, Aray grabe naman ang sakit sa tenga"sinabi niya na ang adress at agad kong pinuntahan. Maliit lang din ang bahay gaya ng bahay nila elif, may videoke at maingay sa lugar na iyon kaya agad akong pumasok. Nadatnan ko silang nasa teris habang nagkakasiyahan, puro sila babae munit may isang lalaki at katabi pa ni elif. Hinatak ko sa kwelyo ang lalaking kausap ni elif at patulak na binitawan, gulat ang naging reaksyon ni elif ng akoy makita. Hinawakan ko siya sa kamay at hinila palabas ng bahay. Hoy ano bang problema mo?"tanong niya, pinagbuksan ko siya ng pinto at kinarga pasakay. Umikot ako sa kabila para magmaneho. Hindi ba sinabi ko sayong ayoko makita yang pagmumuka mo?"inis nyang tanong, inis kong itinabi ang kotse at habol na hiningang tinitigan siya. Pinayagan ba kitang uminom?"tanong ko, natawa siya ng sarkastiko at di makapaniwala. Buntis ka"hindi siya nakakibo sa sinabi ko. Wag mo na ulit gagawin ang mag inum maliwanag?"tanong ko pero natawa siya. Hindi ako buntis"sabi nito kaya ako naman ang napasinghal at nahampas ang manibela ng kotse. May kinuha siya sa bag niya at inabot saakin Hindi ako buntis cameron"nakita ko sa palad ko ang pregnancy test na may isang guhit..na. Ang ibig sabihin ay negative o hindi nga siya buntis. Ilan minuto kong pinakatitigan ang pregnancy test na hawak bago mag sink in sa utak ko na hindi nga siya buntis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD