chapter9

977 Words
Nakatalakbong ako ng makapal na comforter dahil pakiramdam ko sobrang lamig, narinig ko ang ilan pagkatok sa labas ng pinto pero wala akong balak makipag usap.. Cameron apo"si lola lang pala, umupo siya sa tabi ng kama ko at inilagay ang palad sa ibabaw ko. Masama po ang pakiramdam ko lola"sagot ko at tinanggal ang kumot at umupo sa kama. Hinipo nito ang nuo ko at nagulat ng makapa nito na ang taas ng lagnat ko mula pa ng malaman kong hindi buntis si elif. Kumain kana muna para makainum ka ng gamot"nag aalalang sabi nito pero umiling ako. Wala po akong gana"humiga ako muli at nagtalakbong. Osige, ikaw ng bahala sakanya hija"mabilis akong napabangon ng sabihin iyon ni lola, nadatnan ko si elif na nakatayo sa harapan ko habang di mapigilan ni lola ang pag ngiti. Hinila nito ang kumot ko at hinampas ng unan sa muka. Bumangon kana nga dyan nakakairita yang pagiging pabebe mo e"natawang muli si lola bago lumabas ng kwarto.. Ayoko"sagot ko at humigang muli, naramdaman ko ang pag sampa nya sa kama para talunan ako, umupo sya sa tyan ko at tinakpan ng unan ang muka ko.. Balak ata akong patayin ng babaeng to ah, pilit kong tinanggal ang unan at pwersahan syang hiniga sa kama kaya nagkapalit kami ng posisyon..ako na ngayon ang nakahiga sa ibabaw ng tyan niya habang hawak ko ang kanyang mga kamay.. Bakit kaba nandito ang akala ko ayaw mong makita ang pagmumuka ko?"tanong ko habang nagpupumiglas siya sa hawak ko. Tinawagan ako ng lola mo para alagaan ang apo nyang isip bata na may sakit!"aba't talaga, hindi naman pala siya pumunta para alamin ang lagay ko. Hindi ko kailangan ang pag aalaga mo!'singhal ko. Edi bitawan mo na ko at uuwi nako sa bahay!"singhal niya rin sakin pero mas hinigpitan ko ang hawak sa dalawa nyang kamay. Ayoko!!"yumuko ako para singhalan siya sa muka kasama ang laway ko. Baliw!"singhal niya rin saakin. Ang akala mo ikaw lang ang nakakainis? Nayayamot din ako sa pagmumuka mo elif!"singhal ko ulit. Mas nakakayamot yang pagmumuka mo!"at ayaw talaga magpatalo ng babaeng to. ARAY!!"impit akong napatili dahil sa sakit ng kurutin niya ang u***g ko, mabilis akong napatayo munit sinipa niya ang gitna ko. Halos mamatay ako dahil sa sakit habang salo ang gitna ko, naglulumpasay ako sa sahig dahil sa sakit. Babasagin mo ba itlog ko?!"sigaw ko, at wala akong pakialam kung marinig nila kaming nag aaway. Sana pero mukang kulang pa sa lakas ng sipa ang ginawa ko!"tumayo siya at kinuha ang sling bag..mukang aalis na ata siya. Bumaliktad ang sikmura ko kaya dali dali akong tumakbo sa cr para don sumuka. Grabing sama ng loob to inabot sa puntong nagkasakit ako.. Hinimas niya ang likod ko sa di malaman dahilan ay nakaramdam ako ng mas matinding sama ng loob..naninikip ang dibdib ko dahil sama ng loob na ngayon ko lang naramdaman. Umiiyak kaba? Umiiyak ka nga"natatawa nyang sabi..tinabig ko ang kamay niya at bumalik sa kama at padang humiga.. Humahagulgul ako ng iyak, at tngna hindi ko alam kung anong klaseng kabaklaan tong nararamdaman ko. Huyyy cameron bakit ka ba iyak ng iyak dyan?"tanong niya at hinawakan ako pero tinabig kong muli.. Umuwi kana nga"inis kong sabi..pero di niya ginawa..ilan minuto akong umiiyak at tumahan lang ako ng nakaramdam ako ng gutom. Namamaga ung mata ng bata kakaiyak"turo niya saakin kaya umiwas ako ng tingin.. Kumain kana nga at iinum kapa ng gamot"tumayo siya at lumabas ng kwarto, wala nakong nagawa kundi sundan siya sa kusina. Suot ang shades ay bumaba ako ng kusina habang nagkakasiyahan sila lola at elif ng madatnan ko sila..nawala ang tawanan nila ng makita ako Hubarin mo nga ung shades mo, nasa luob tayo ng bahay"utos niya, Inuutusan mo ko sa sarili kong bahay kaharap ang lola ko?"di makapaniwalang tanong ko kaya sarkastiko syang natawa.. E ano naman ngayon?"napasinghal ako at tinanggal ang shades, sakto naman ang pagbaba ni mommy at daddy na sweet na sweet na nagyayakapan.. Anong ngyari sayo cameron?"tanong ni dad kaya umiwas ako ng tingin.. Bakit namumugto yang mga mata mo, umiyak kaba?"tanong naman ni mommy at sumama ang tingin kay elif. Hayaan nalang natin sila, gumayak na kayo may pupuntahan pa tayo"utos ng kanyang lola at naglakad na paalis. Nang makaalis silang lahat ay. Ipagluto mo 'ko ng pagkain na hindi ko pa natitikman"utos ko sakaniya Ayoko nga, iyak ka muna"nakangisi nyang sabi kaya mabilis na nangilid ang luha ko.. Ang overacting mo naman cameron, umayos ka nga bading kaba..pero di ko mapigilan e..kahapon hindi naman ganito may gana pa kong kumain ng kanin at di nagsusuka. Tahan na tahan na ipagluluto kita ng di mo pa natitikman, upo na"nakangiti nyang sabi. Wag kang ngumiti dyan, nakakairita"nakaiwas kong sabi. Ngingiti ako hanggat gusto ko, magiging masaya ako haangga't gusto ko!"inis na sabi niya at ngumiti ulit..baliw parang sisa. Ready na!"inihanda niya sa mesa ang dalawang itlog na may puting sabaw Ano yan?"tanong ko at inamoy.. Paksiw na itlog? Tanga kaba anong klaseng luto yan?"gulat kong tanong pero natawa siya.. Ang akala ko gusto mo ng luto na di mo pa natitikman, o ayan paksiw na itlog, tikman mo na kung tama ang asim ng sinigang mix at suka pati narin ng alat "proud na sabi niya kaya napairap ako. Akala ko ba paksiw bakit may sinigang mix?"tanong ko ulit, naiinip nyang dinampot ang kutsara at hinati ang itlog para isubo saakin, para naman akong bata na ngumanga at tinanggap ang kutsara.. Ilan minuto kong nilasahan ang paksiw na itlog at ng malasahan ko ay. Hindi naman pala masama ang lasa ng paksiw na itlog"tumango tango ako ng paulit ulit at nagsandok ng kanin sa sariling plato. Eww kadiri"nakangiwing sabi ni elif Hindi ko alam na kakainin mo talaga ang ganyang klasing luto, kahit ang aso hindi kakainin yan e"ngumiti ako ng malapad at nag thumbs up.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD