Chapter 1

1746 Words
Chapter 1   "Hello ma?" I rolled my eyes as I pick up the call.   "Diba sabi ko sayo, tita ang itatawag mo sa akin? Umayos ka nga Vida. Tandaan mo sayo nakasalalay ang lahat ng plano." I flinch as I listen to her lecture.   "Oo na. Sorry po tita." I said sarcastically.   "Nasaan ka na ba?" I put down my phone and called the driver's attention.   "Manong malapit na po ba tayo?" tanong ko dito. He glance on the rearview mirror.   "Opo maam. Sa susunod na barangay na po." Magalang niyang sagot.   "Salamat po." I put my phone back again on my ear.   "Malapit na daw." I told my demanding mother.   "Oh basta, huwag na huwag mong papairalin dito iyang kamalditahan mo ha. Ayosin mo ang kilos mo nang magustohan ka ng bastardo ni Fortunato." Fortunato is the deceased husband of my mom. He is also the owner of Hacienda Maravilla where I am going. Although, hindi ko alam kung asawa ba talaga siya ni mama. The man did not marry him sa tagal nilang nagsama.   "Opo. Opo." I said dismissively. Paulit-ulit na kasi siya, noong nakaraang araw pa. I hanged up and just look at the view outside the window instead.   The view is a breath of fresh air and when I said breath of fresh air, boring. Wala akong ibang matanaw kung hindi palayan at kung anu-ano pang taniman. I heave a sigh. Kung hindi lang talaga kailangan ay nun kang pumunta ako dito. I have never been here. Well, as if naman papupuntahin ako ng nanay ko dito dati noong buhay pa iyong si Don Fortunato. The old man does not know me. Well, only few knew na anak ako ng nanay ko. I grew up with my mom's sister.   Napako ang tingin ko sa unahan. A man riding his horse caught my attention. He looks glorious in the afternoon sun. Wala itong suot na pang itaas. He is only wearing a pair of rugged jeans paired with dingo, boots for cowboys. Damn! He looks freaking hot. His sun kissed sweaty skin glows because of the sunrays. I bit my lower lip as I stare to his dashboard abs. Not to mention his manly jaw, thick brows and aristocratic nose and plump lips. Para akong naka telescope dahil kitang-kita ko ang mukha niya. He looks like a Greek god warrior. Tao pa ba to? Naihilig ko ang aking mukha sa bintana.   He combed his long hair using his fingers. His every move seems in slow motion. Am I in a movie scene?   Hindi naman ako na inform na may ganito pala kagandang tourist attraction dito.   Nakalagpas na kami sa kanya pero umikot pa talaga ang leeg ko para sundan siya ng tingin. Ang yummy niya talaga. I should have taken photos of him para i-send sa mga kaibigan kung inggetera. They will surely envy me.   Sino kaya iyon? I sighed dreamily.   Ganoon din kaya ka hot iyong anak ni Don Fortunato?   Hindi siguro. Napasimangot ako. Allergic pa naman ako sa mga endangered species. Ugh! Kung sana talaga pinakasalan na ako noong ugok kong boyfriend hindi ko na kailangang gawin ito. Ngayon, problemado ako. Ngayon ko lang naisip wala akong idea kung sino iyong anak ni Don Fortunato. Pangalan lang ang alam ko. Ito naman kasing si mother hindi man lang nag-effort magsend ng photo. At least man lang nakapagprepare sana ako.   Just thinking about the possible face of the man makes me cringe. Paano nga kung pangit? Jusko!   Pumasok kami sa isang malaking gate na may arch naka emboss doon ang HACIENDA MARAVILLA.   Napapanganga ako. This place looks like in the movie. It excites me. Kukuha ako ng maraming photos para inggitin ang mga chakang naiwan sa metro. But my bubbles of excitement popped upon remembering why I am here.   Hindi na nakakagulat ang lawak ng lupain at ang marangyang mansion na natatanaw ko. It looks old but grand. Spanish inspired ito. Nakakamangha. Dapat nagdala ako ng Filipiniana dahil magpho-photo shoot ako na parang pre-pageant pictorial para sa Binibining Pilipinas but then again I have a huge problem.   The car stopped in front of the front door. Bumuntong hininga muna ako.   "It's now or never." I talk to myself.   Bumaba ang driver para pagbuksan ako. I composed myself and grab my Prada bag saka bumaba. I smiled sweetly.   "Thank you po." I made sure that I will sound 'mahinhin'.   Kinuha ng driver ang mga luggage ko. Tatlo iyon dahil dala ko ang mga babies ko, sila Chanel, Louis Vuitton, Prada, Gucci, Balenciaga and many more.   "Nasaan po si Tita?" As if on cue my beloved mother went out of the front para salubongin ako. Of course ang laki ng ngiti niya with arms wide open.   "Hi Tita." Acting mode is on na.   "Hija mabuti at nakarating ka na." Nagbeso kaming dalawa.   "Umayos ka." Bulong niya. Nagkalas kami sa yakapan.   "Salamat Rolando sa pagsundo dito kay Vida." Binalingan niya ang driver.   "Walang ano man po Senyora." The driver replied.   "You must be tired from the long ride hija. Tayo na sa loob." Inakay niya ako papasok ng masyon. I secretly rolled my eyes. Pang FAMAS ang acting skills ng nanay ko.   Bumungad sa akin ang ilang mga kasambahay pero mas nakuha ang atensyon ko sa karangyaan ng loob ng mansyon.   "Everyone this is the daughter of one of my dear friend, Vida." Pakilala niya sa akin sa mga kasambahay na naroon. "Pansamantala siyang mananatili dito para magbakasyon. Treat her nice."   "Maligayang pagdating po Senyorita Vida." They said in unison. I smiled sweetly. Ang bongga ng senyorita. Bagay na bagay!   "Sige na magsibalik na kayo sa mga trabaho niyo." My mom dismissed them.   "Pakidala na lang sa kwarto sa itaas ang mga gamit ni Vida." Utos niya sa may dala ng mga luggage ko. "Doon sa katapat na kwarto ni Ikaros."   Speaking of that Ikarus. "Nasaan na iyong Ikaros?" Bulong ko kay Tita, este, mama.   "Nasa taniman iyon." Sagot niya. Tumango-tango ako. Mabuti naman at wala pa iyong tao. Hindi pa talaga ako ready para makipaglandian.   Taniman, ibig sabihin nagtatanim siya? Jusko ko! Never in my entire life I imagine myself marrying a farmer. No offense meant naman ha. Farmers are great. They feed us pero hindi ko talaga feel.   So anyway dinner came. Wala parin iyong anak ni Don Fortunato. I go back to my room pagkatapos maghaponan. Ang boring talaga dito. Nakakabaliw ang katahimikan. I can clearly hear the crickets. How will I last here? Walang night life!   I took a sponge bath and changed into my Victoria Secret lacy satin spaghetti strap and short. Ginawa ko na lahat ng seremonya ko. I took selfies pero itinigil ko din nang naka isang daang shots na ako. Parang gusto kong maglupasay sa frustration. I wanted to go back in the metro where my life is! Baka hindi ako tumagal ng isang linggo dito, mababaliw na ako.   I opened my phone's data once again hoping na sana may roong signal. Kahit man lang makapag social media ako. I stood up and seat on the huge window sabay taas ng kamay kong may hawak na phone sa ere, naghahanap ng signal.   "There!" I raised my hand higher. Dahil sa excitement ko, nakalimutan kong nasa bintana pala ako. My satin short slipped. Na out balance ako.   "Ahhhhhhhhhh!" I screamed at the top of my lungs as I slowly fall on the ground. My babies' images flashed on my mind like a quick flashback of my life.   I am anticipating the impact. I know it well hurt as hell. My bones will c***k. I closed my eyes tightly.   "Ahhhhhhhhhh!" Suddenly I feel myself stop from going down. I opened one good eye.   Am I dead? Nasa langit na ba ako? But then, if I am dead I will surely be in hell sa pagkikipagsabwatan ko ba naman sa nanay ko.   I did not feel the pain of my bones breaking and head smashing. Ang bilis ko namang mamatay. Napakurap-kurap ako.   Nasa langit ako. May angel!   The angel is carrying me. Napakapit ako sa leeg niya. Gosh, pwede kayang lumandi sa heaven? Ang gwapo ng anghel. Tumikhim ang angel kaya natigil ako sa pagtitig sa mukha niya.   "Okay ka lang?" He asked. His baritone husky voice is music to my ears. Pati boses ay gwapo.   But for a second there, he looks like the man I saw on the road. My eyes widen.   "Senyorito? I heard a voice.   "Nandito na po pala kayo. Kanina pa po kayo hinahanap ni Senyora Consolation." Nakalapit na ang isang matandang lalaki sa amin. May tingin itong nagtataka.   "Bakit niyo po buhat si Senyora Vida?" Hindi na nakatiis na tanong nito. The angel, este, the man on the road look at me. My heart palpitated.   I heard running footsteps then my mother's voice. They came running to us. Lahat sila ay napatingin sa amin. Nataohan ako.   "What happened?" Tarantang tanong nito. They must have heard my scream. Nabulahaw silang lahat sa lakas ng tili ko.   "Nahulog siya sa bintana." Sabi noong nakasalo sa akin. Napa-face palm si mama.   "A-ah ano. Thank you. Paki baba ako." Parang tanga kong sabi. Kanina niya pa pala ako buhat. My goodness! Mukhang saka lang din niya na realize. He put me down slowly.   "Dios por santo!" Sabi ni mama sa lalaki then move her gaze to me. "Bakit ka naman nahulog sa bintana Vida?" Pasimple niya akong pinandilatan.   "I was looking for signal." Depensa ko. Inayos ko ang nagusot kong suot.   "Thank you so much hijo. If it weren't for you baka ano na ang nangayari dito kay Vida. Anyway, hijo siya nga pala iyong sinasabi kong magbabakasyon dito na anak ng kaibigan ko." Nagsi-alisan na ang mga kasambahay at ang matanda kanina. Naiwan kaming tatlo. Pabalik-balik naman ang tingin ko kay mama at sa savior ko.   Why is he here?   "Hindi ko na nasabi sayo na ngayon ang dating niya." My mom is explaining something. Nakikinig lang naman ako sa kanila. Pwede ko kayang makuha ang number niya?   "Ayos lang po." Magalang nitong sagot.   Pasimple akong pinandidilatan ni mama hindi ko naman siya gets. 'Ano?' I mouthed. Ilang segundo din bago ko na gets ang ibig niyang sabihin.   "Uhmm... Hi!" I interrupted. "My name is Vida Brianna Cabello. Thanks for allowing me to stay here. Salamat din for saving me. If it weren't for you I'll be a dead meat now." Kahit na may kasamang pagpapa-cute iyon ay sincere naman ako.   "Wala iyon. Anyway, sana ay magustohan mo dito." He smiled at me. #NangNgumitiAngLangit   My mom gestured something again. 'Ano na naman?' Tanong ko through face and hand gesture. When I get what she meant nanlalaki ang mga mata ko.   "Ikaw si Ikaros Maravilla?" It was supposed to be just inside my head pero naibulalas ko na. Napatakip ako sa bunganga ko.   "Oo?" Amused niyang sagot.   Napalawak tuloy ang ngiti ko.   This must be Destiny!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD