Chapter 2

1437 Words
Chapter 2     I can't believe this. Ikaros Vicente Maravilla is the freaking hot guy on the road! Naipagpasalamat ko pa tuloy ang near death experience ko. He has strong pair of arms for catching me. Literal talaga akong na fall sa kanya.   This will be easy. Isip-isip ko. I mean, have you seen me? Ang perfect ko kaya!   I wore my short shorts and halter top matched with straps sandals. Kitang-kita tuloy ang makinis at mahaba kong biyas. I should really thank my Brazillian genes. Credits to my father whom I never met. Ang sabi ni mama nakalandian lang daw niya ito tapos hindi na nagpakita.   Siniguro ko munang magandang, magandang, magandang at humahalimuyak ako bago bumaba para sa breakfast. Nakalugay ang mahaba at tuwid na tuwid kong buhok. Huwag ka, hindi to rebond, all natural no preservatives added. Habang pababa ako ay napapalingon naman ang mga maids na naglilinis. Aba, dapat lang!   "Good morning senyorita." Bati nila sa akin. I give them my most charming smile.   Dumiretso ako sa dining. Naroon na si mama at handa na ang pagkain. Lumawak ang ngiti ko nang makita ang aking future husban. Oo, kini-claim ko na, advance kasi ako magisip. Go KAPA!   "Good morning hija." My mom greeted me. I rolled my eyes at the back of my head. What a drama queen.   "Good morning po." I even kissed her on her cheek.   "Good morning Ikaros..." Sabi ko sabay ipit ng buhok sa tenga. I got his attention. "Is it okay if I call you by your first name?" Pa-demure kong sabi. I sit in front of him.   "Ayos lang naman." Sagot niya. I nodded.   "Anyway, I haven't thank you enough for saving me last night." I flashed my dashing smile. "Maramaning salamat talaga." Madamdamin kong saad.   "Walang ano man."   "Let's eat?" Sabi ni mama na feel na feel ang pagiging donya. I suddenly, realized this guy must be kind for letting my mother stay kahit wala namang iniwan sa kanya ang namayapang Don. I just shrugged my shoulder and started eating.   "Hijo anong gagawin mo para sa araw na ito?" Tanong ni mama.   "Tutulong po sa anihan." Ikaros answered. Ang tipid niyang sumagot. Mom nodded.   "Maari mo bang samahan itong si Vidang mamasyal? O di kaya isama mo na lang siya para makita naman niya ang sakahan." Nanlalaki ang mga mata ko sa lantarang pahayag ni mama. Although, pabor iyon sa akin.   May narinig akong tumikhim si Nanay Belinda ang mayor doma dito. Sa totoo lang nakakatakot siya. The way she stare parang palagi kang hinuhusgahan. Ang sabi ni mama ay matagal na siya dito at pinagkakatiwalaan ni Don Fortunato. She also warn me about her na mag-iingat. Clearly, hindi sila in good terms ni mama.   "Hindi ba at makakaabala iyon sa trabaho mo Ikaros. Bakit hindi na lang magpasama sa isa sa mga taohan." She said that while staring at me. Muntik na akong masamid.   "Ayos lang naman Nay. Wala naman na akong masyadong gagawin." Mabuti na lang at pinagtanggol ako ni future hubby.   "Ikaw ang bahala." Sabi ni Nay Belinda bago pumasok sa kusina. I saw my mom secretly rolled her eyes.   "Tita it's okay I can manage. Nakakahiya naman kay Ikaros. Masyado na akong nakakaabala." Sinulyapan ko si Ikaros na sumisimsim ng kape niya. Syempre dapat din galing ko ang acting ko.   "Huwag na lang Ikaros. You must be busy." Tipid ko siyang nginitian. "Magpapasama na lang ako sa isa sa mga taohan dito. If that is okay with you."   Ibinaba niya ang tasang hawak. "Wala namang kaso sa akin. Bisita ka dito marapat lang na samahan kita."   Wait lang, pwedeng mangisay muna sa kilig. s**t! s**t! s**t!   "Sigurado ka?" Pigil kong mapangiti ng malawak. He nodded.   "Thank you." Pabebe kong sagot. "Nakekeheya nemen."   We eat in peace. May kung anu-anong sinabi si mama. Wala naman sakanya ang atensyon ko, na kay future hubby. Kahit sa pagkain ang gwapo niya. I checked the side of my lips at baka naglalaway na pala ako hindi ko man lang namamalayan.   Pagkatapos kumain nagpaalam muna ako na magpapalit para makaalis na kami. Dapat todo awra para sa ekonomiya. I change into my boots. Konting retouch and voila! Ready na ang future Senyorita Vida Maravilla. Sounds perfect.   "Let's go?" Nakangiti kong sabi sa kanya.   Iginiya niya ako sa may kwadra. Sa kabayo daw kami sasakay. Wala pa man ay kinikilig na ako. I can almost image what will happen.   Lumapit siya sa isang all black horse. Sobrang tangkad nito halatang imported. "Siya si Atlantis ang kabayo ko."   "Nice horse." Parang tanga kong sabi. May masabi lang.   Kinuwento niya sa akin iyong storya ng kabayo niya habang inilalabas ito pero wala naman doon ang focus ko. I just stared at his handsome face dreamily. Tango lang ako ng tango.   "Marunong ka bang mangabayo Senyorita?" Tanong niya sa akin. Pwedeng sumuka ng rainbow?   "Nako hindi eh but I'd love to learn." Pa sweet kong sagot.   "Gusto mong turuan kita?" He genuinely offered. Lumawak ang ngiti ko.   "Really?" Hyper kong sabi. Tumango siya. "That would be great... but I know you have other things to do. Makakaabala pa ako sayo."   "Ayos lang naman sa akin."   "Ang dami ko ng utang na loob sa iyo." Anebe, meshed mo nemen akeng penakekeleg future hubby. I even blushed.   "Wala iyon." Then he flashed his perfect white teeth.   Nahihirapan akong sumakay sa kabayo ang taas kasi. Nakaka wa-poise pala ito. "Tulongan na kita." Sabi niya. "Okay lang?" Pagpapaalam niya na hahawakan niya ako sa bewang.   Spell gwapo plus yummy, plus gentleman equals IKAROS!   "Ay!" Napatili ako ng walang kahirap-hirap niya akong isinampa sa kabayo. I settled there. Medyo nakakalula pero keri lang para sa kalandian.   Sumakay din siya. Nasalikod ko siya. I can feel the warmth of his body against my back. Humawak siya sa hawakan. He pulled it and the horse started moving. Of course sinadya kong medyo maglean sa kanya. Libreng chansing na this!   Na-i-imagine ko na nasa teleserye kami. Ay bongga! Kaya lang nang na-isip ko iyong bagong palabas na Killer Bride huwag na lang pala.   Nagsilbi siyang tour guide, gwapong tour guide. Honestly, medyo uncomfy ang ride lalo na pagdumadaan kami sa batohan tumatalbog kasi ang boobs ko pero go lang! Tinatangay ng hangin ang buhok ko for sure ay naamoy niya ang mamahalin kong shampoo.   "Diyan sa unahan may plantasyon ng mga bulaklak." Turo niya sa may east side. Tiningnan ko naman iyong tinuro niya. May kakahuyan doon. Wala naman talaga akong nasasaulo dahil wala talaga akong sense of direction na tao literal man of figuratively.   "Talaga? Edi, maganda don?"   "Oo." Sagot niya. Damn I can feel his breath fanning neck. Suddenly, ang init kahit hindi naman kataasan ang sikat ng araw.   "Can we, I mean, is it open to the public?" I reluctantly said.   "Hindi pero pwede kong kausapin iyong kaibigan ko, anak ng may-ari." Sabi niya. Gusto ko sanang tunongin kung babae or lalake iyong friend niya pero huwag na lang. Ang echosera ko naman non.   "Really? Oh my! You're so kind. I like you na talaga." I blurted out. Late ko ng narealize ang mga pinagsasabi ko. I flinch. Binig mo Vida. I felt him stiffened. Nagulat siguro sa confession ko. Like pa nga iyon paano na lang kaya kong sabihin kong in love na ako sa kanya. Napahagikhik pa ako sa isip ko.   "Uhm... Wala namang magagalit diba? I mean, it's just like." Agap ko ng binalot na kami ng katahimikan. I felt him nod.   "Did I make you feel uncomfortable? Sorry." Nag-aalala kong sabi.   "A-ayos lang naman."   "Sure? Baka naman may magalit. Girlfriend perhaps?" Sakay ko sa usapan while fishing for information at the same time. Galing mo talaga Vida! You na talaga.   "Wala akong girlfriend." Napangisi ako sa sagot niya.   "Weh? Di nga. Sa gwapong yan?" I teased him sabay landi na din.   "Nagagwapohan ka sa akin?" Amusement is evident in his voice. I rolled my eyes.   "Pa-humble ka naman masyado." Mahinhin kong tawa.   "Ikaw din naman maganda ka." I know right! Inilagay ko sa tenga ko ang takas na buhok. Beket ke genyen Ikeros? I giggled.   "Talaga? Thank you." Pabebe kong sagot.   "Ikaw, may boyfriend ka na?" Ay, si koya interested! Ikaw, pero hindi mo pa alam. Tumawa muna ako.   "Ano ka ba. Wala."   "Sa ganda mong yan?" I like where this conversation is leading us.   "May mga nangliligaw kaya lang natatakot ako baka hindi sila seryoso." Char lang iyon. Basta gwapo, may car at may dutch go na!   "Marami ka sigurong manliligaw sa syudad." Humagikhik ako. Hindi ko sila papansinin kapag ikaw nanligaw. Sa kaisipang liligawan niya ako ay gusto ko na lang mangisay sa kilig. Ugh! Heart chill.   "You're flattering me." Mahina ko siyang hinampas sa matipuno niyang braso. He is just wearing a muscle sando with his usual ragged jeans and dingo. s**t! Ang gwapo. Kahit siguro basahan pag siya may suot magmumukang high end.   "Nandito na tayo." Sabi niya at kinabig si Atlantis para huminto.   Nanlalaki ang mga mata ko nang matanaw ang malawak na putikan.   What the heck?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD