Chapter 3
Nauna siyang bumaba. Ako naman parang ayoko ng bumaba. My boots will be ruined by the thick mud! He held my waist kaya natigil ako sa pag-iisip. Wala na akong choice when he lifted me para maibaba. I wonder if I am just too light or strong lang talaga ang biceps niya kaya nakaya niya akong buhatin.
Kahit gusto kong ngumiwi ay pinilit ko na lang ngumiti dahil may mga nakatingin na sa amin. May lumapit na lalaki at kinuha ang kabayo para itali sa kung saan.
"Sino iyang kasama mo Ikaros?" Lumapit sa amin iyong lalaking sa tingin ko mga nasa early fifties. Dahil sa pagdating namin ay marami ang natigil sa mga trabaho nila. Malamang, isang dyosa at adonis lang naman ang bumisita sa kanila!
"Ay ito nga po pala si Vida. Anak siya ng kaibigan ni Senyora Consolation. Sa amin siya nagbabakasyon." Sabi ni Ikaros.
"Manileña?" Tumango si Ikaros.
"Magandang araw po. Ako po si Vida." Pakilala ko sa sarili ko. I was reluctant to reach my hand for a shake hand, madumi kasi ang kamay ni tatay. So I decided na huwag na lang.
Napansin ko ang tingin lalo na ng mga kalalakihan sa akin. I know that look. Of course diay are admiring my beautiful body. Bahala silang maduling kakatitig. Iyong mga babae naman napapailing na lang, insecure malamang. Ano bang magagawa ko, isa lang naman akong simpleng dyosa. Pinagpala sa kagandahan.
"Vida si Hernan. Siya ang namamahala talaga sa palayan." Pakilala ni Ikaros sa matanda. I flashed my charming smile.
"Si Nanay Lukring asawa niya." Turo niya sa matandang babae na payat.
"Hi po." I greeted her. Pormal naman siyang tumango.
"Sumilong na muna kayo Ikaros, baka mainitan itong bisita mo." The lady lead us under a tree na may upuang gawa sa kahoy.
Sobrang lawak ng palayan. Hindi na nga maabot ng tingin ko. Maingay din dahil sa tunog ng makina sa may hindi kalayuan.
Inalok kami ng meryend. It was a sweet delicacy and juice. Magalang naman akong tumanggi. Si Ikaros ay walang keme itong tinanggap. Sure kaya siya na clean iyon? No offense ha, pero maingat na kasi ako sa pagkain dahil nga na food poison na ako.
"Ang ganda pare. Tapos ang kinis pa." - Guy 1
"Oo nga pare. Ang sexy din." - Guy 2
"May boypren na kaya yan?" - Guy 3
"Malamang! Sa ganda ba naman niyan." - Guy 2.
"Baka nga si Sir Ikaros boyfriend niyan." - Guy 1.
"Magtrabaho na nga kayo diyan. Kung makatitig ang mga to. Gusto niyong dukotin ni Sir mga mata niyo?" Singit ng isang lalaking mas bata lang ng kaonti kay Sir Hernan. Napapailing na lang iyong tatlo at nag focus na sa ginagawa.
Patay malisya na lang ako. Sanayan lang yan. Sanay naman na ako na pinag-uusapan dahil sa kagandahan ko.
"Ilang taon ka na hija?" Tanong ni Nay Lukring. Si Ikaros naman ay mukhang interesado din. Eh, kung mag question and answer na lang kaya kaming dalawa. Hina naman nito!
"Twenty five po." Sagot ko toring my gaze from Ikaros.
"Ang bata mo pa pala." Komento niya.
"Boyfriend mo ba itong si Ikaros?" Direstsahan niyang tanong. Narinig kong may nasamid, si Ikaros. Nailuwa niya pa ang iniinom na juice.
"Nako hijo anong nangyari sayo." Nay Lukring and Tay Hernan attended to him. Pasimple naman akong napangisi. Akala ko bato tong si Ikaros hindi naman pala, maginoo lang talaga. Sanay kasi ako sa mga lalaking aggressive, ganoon kadalasan ang mga nakakasalamuha ko.
Todo ubo si Ikaros. Napailing na lang ako.
Pinanood ko ang mga ginagawa ng mga tao. Nag-aani sila ng palay. Ang hirap pala. Maraming tao ang sumusulong sa putikan may bitbit na patalim at pinuputol ang mga nakahilerang palay. They pile it. A group carry the piled palay saka dinadala sa mga machine. When it comes out grains na siya.
"Wow." I blurted in amazement.
"Hindi ka ba nababagot?" Tanong ni Ikaros na biglang tumabi sa akin pagkatapos kausapin ni Tay Hernan.
"Hindi naman. In fact, I am fascinated." I said truthfully. Hindi biro iyong hirap ng mga farmers sa pagtatanim at pag-aani ng palay tapos ma aksaya pa tayo sa bigas. For a moment gusto kong palakpakan ang sarili ko sa mga realization ko.
"Ngayo mo lang kasi nakita." Sabi niya.
"You're right." Pagsang-ayon ko.
"Dito na daw tayo mananghalian. Nagpahanda si Nay Lukring. Ayos lang bas a iyo?"
I was hesistant but what choice do I have? Kailangan nga diba na ipakita kong mabait sa ako.
"Pero kung ayaw mo. Ayos lang uuwi tayo." Napansin niya sigurong alangan ako.
"Naku, ano ba, I am fine pero hindi ba tayo nakakaabala?" I smiled to assure him.
"Huwag mo ng isipin. Naghahanda talaga si Nanay Lukring ng pagkain para sa mga trabahador." Tumango-tango ako.
Itinuon ko na ulit ang atensyon ko sa mga nagtatrabaho. Medyo napapangiwi ako. They are covered with mud. Hindi kaya sila nangangati?
"Siya nga pala. If you don't mind, nasaan ang mama mo?" Lakas loob kong tanong sa kanya. Kailangan ko nga namang kilalanin siya para mapadali ang plano. Is should take advantage of the situation.
"Nasa pamilya niya." Sagot niya malayo ang tingin. I frown but then I remembered anak nga pala siya sa labas ni Don Fortunato. I wanted to push through pero nang makita ang lungkot sa mga mata niya ay nanahimik na lang ako.
"Ikaw..." He said after sometime, "Nasaan ang pamilya mo?" Sasagot sana ako na nasa masyon niyo, pero, echos lang.
"Nasa abroad. Si mommy." I was pertaining to my mother's sister, si Auntie Adora na nagpalaki sa akin. Busy nga kasi si mama sa paghahanap ng forever noong araw. But sadly, she's gone. She was buried there. Hindi na inuwi dito ang labi niya.
I was in college when she reunited with Tito Rodelio, her first love. Agad silang nagpakasal. Tito is already based in Toronto, kaya doon na sila tumira. Ayaw akong iwan ni Auntie. She wants to bring me with her but I declined. I don't want to be a burden to her. Masyado ng malaki ang naging sakripisyo niya sa akin. She stand as my mom for a long time. Gusto ko na lang siyang maging masaya at pagtuonan ng pansin ang sarili niya. But unfortunately, after more than a year she was diagnosed with cancer. Even the advanced technology there didn't saved her life.
"Iyong papa mo?" Tanong niya. I shrugged.
"I really don't know about him aside that he is a Brazillian. Nabuntis niya lang kasi si mama." Nadulas pa ako sa 'mama', mabuti na lang at mukhang hindi naman niya binig deal.
"Magkaparehas lang pala tayo." He concluded. Oo, magkaparehas. You are handsome and I am gorgeous. Bagay tayo.
"What do you mean?"
"Noon hindi ko talaga kilala si papa, my biological father." Kwento niya. Syempre kunyare wala akong alam. Hinayaan ko siyang magpatuloy para good listener kuno.
"Lumaki ako kasama si mama. Okay lang naman na kami lang hanggang sa nagpakasal siya. Bumuo ng pamilya kaya lang hindi pala ako kasama doon." Malungkot niyang kwento. Hinimas ko naman ang braso niya para mukhang kinu-comfort ko siya pero chancing na pala. Ang hard talaga ng bicep niya.
"Mabuti na lang talaga nakilala ko si Senyor Fortunato, ang totoo kong ama." Hinawakan ko ang isa niyang kamay. He don't seems to mind kaya go lang.
"Pasensya na. Nagkwento pa ako ng buhay ko." He said chuckling. Ang sarap tenga ng tawa niya. May pangit ba sa taong to?
"No it's fine. Friends do share their stories you know." He turned to me then our gaze meet. Nakagat ko ang labi ko. Damn those eyes. "Sorry for assuming but we're friends already right?"
Nakatitig lang siya sa akin na para bang kinakalkal ang kalooban ko. His gaze makes me conscious. Bakit ka ganyan koya?
"Ikaros?" Tawag ko sa kanya.
"Ha?" Para siyang wala sa sarili. Nabato balani siguro sa ganda ko. Okay lang naman sa akin dahil ako din naman nabighani sa kanya. Patas lang.
"Magkaibigan na tayo diba?" Ulit ko.
"Ah... Oo naman." Sagot niya. I smiled. Makuha ka sa ngiti Ikaros.
"Great!"