Chapter 4

1342 Words
Chapter 4     Nakapwesto kami sa harap ng mahabang mesa na nilatagan ng dahon ng saging saka nilagyan ng kanin at ulam. Sobrang dami naming nakapalibot sa lamesa. Napangiwi ako. Mabuti na lang at katabi ko si Ikaros. Sa kabila naman si Nay Lukring.   "Boodle fight ang tawag dito." Si Ikaros na ang sumagot sa katanongan sa isip ko.   "Ganito kami madalas kumain." Dugtong niya. Naghanap ang mga mata ko ng utensils but found none.   "Ikaros wala bang utensils?" Mahinang bulong ko sa kanya.   "Hindi naman kasi kailangan ng kutsara at tinidor kapag boodle. Kinakamay lang." Kita ko nga. Naghugas naman siguro sila ng kamay diba? I mean they soaked their hands in the mud. It's not hygenic.   "Hindi ka sanay hija no?" Narinig siguro kami ni Nay Lukring. Nahihiya akong tumango.   "Pasensya na po." Hingi ko ng paumanhin. Marunong naman akong magkamay hindi lang talaga sanay. Nginitian niya naman ako na nagsasabing okay lang.   "Ikaros kumain na kayo. Asikasuhin mo iyang bisita mo." Sabi ni Tay Hernan.   Ikaros being a gentleman himself attended to me na parang batang munti. Kinalimutan ko na ang hygen-hygen at kumain na. Habang kumakain ay masaya silang nagku-kwentohan. Nakakatuwa lang tingnan. Ang hindi lang nakakatuwa iyong mga laway nila na baka humalo na sa pagkain.   "Mangga?" Inabotan ako ng isang slice ng mangga ni Ikaros. Tinanggap ko naman.   "Salamat." I smiled. Ikaros subuan mo ako. Ayiee.   "Try mo ito." Sinubuan niya nga ako. Kilig na kilig naman ang mga bulate sa tiyan ko.   "Thanks." Mahinhin kong sabi. He just smiled.   "Ito bang magandang dilag ay nobya mo ha, Ikaros?" Natigil ako sa pagsubo nang magsalita iyong nakilala kong si Tay Danilo. Napalingon ako kay Ikaros.   "Hindi po." Sagot niya. I noticed his cheek turned scarlet red. Did he just blushed?   "Nako! Mahina pala itong anak ni Fortunato. Hindi nagmana sa ama, matinik." Nagkatawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Tay Danilo. Napapailing naman si Ikaros.   "Ikaw ba hija ay may boypren na?" Ako naman ang binalingan ni Tay Danilo. Umiling ako.   "Wala po." May mga nagsipulan.   "Sa ganda mong iyan?" Namula ako. Iba pala kapag matatanda ang nagbibiruan.   "Baka naman pihakan." Sabi ng isa sa mga trabahador.   "Hindi naman po." Maagap kong sagot. Wengya! Mukha maha-hot seat pa ako ng wala sa oras.   Akala ko ay titigil na doon ang biruan tungkol sa akin ay hindi pa pala. Ngumiti na lang ako.   "Hija, ipapakilala kita doon sa pamangkin ko. Gwapo iyon at mayaman." Sabi ni Nay Korina asawa ni Tay Danilo.   "Sino Korina, si Saturnino?" Tanong ni Nay Lukring. I flinched at the name. Saturnino, seriously? Pero nga naman, don't judge a person by his name. Naks! May ganoon bang kasabihan?   "Oo. Uuwi iyon dahil malapit na ang birthday ni mayor."   "Hindi ka lugi doon hija." Sabi pa ni Nay Korina at humagikhik. "Diba magkaibigan kayo ni Saturnino, Ikaros?" Tumango naman si Ikaros. Bumaling ako kay Ikaros at bahagya humilig para bumulong.   "Sino iyon?"   "Apo ng Mayor dito." Tumango-tango na lang ako. Oh, well.   "Thank you so much po for the great lunch. Nabusog po ako." Sabi ko kay Nay Lukring at Nay Korina sila kasi ang nangulo sa paghahanda. Kanina pa kami tapos kumain at ngayon nga ay nagpapahinga muna.   "Walang ano man hija." Sagot nila.   Nag-usap pa kami ng ilang mga nakakatanda doon. Hindi naman pala ganoon kasama pumasyal dito kahit maputik. Hindi ko na nga naisip ang kawawa kong boots. Bibili na lang ako ng bago. 'Iyon ay kung may pambili ka pa.' Paalala sa akin ng atrimida kong isip.   Hindi na gaanong mainit ang sikat ng araw kaya balik sa trabaho na ang mga tao. Naiwan ako sa bench at pinanood na lang ang mga nangyayari. Lumapit sa akin si Ikaros. Katatapos niya lang kausapin iyong ka edad niya lang ata na mga trabahador. I noticed that he is really close to them. Sobrang down to earth niyang tao. Hindi niya pinapakita na nakakaangat siya. Naisip ko tuloy ang hirap manga kit ng santo, parang dobleng kasalanan kapag ganoon.   "Gusto mong mamasyal sa pilapil?" Tanong niya nang makalapit.   "Pilapil?" Tanong ko. Sorry naman hindi ko alam.   "Oo. Iyong tuyong daan sa palayan." Itinuro nga niya kung ano iyon. Syempre sino ba naman ako para tumanggi sa future hubby ko? Sorry, my beloved boots.   Tumango ako. Naglahad siya ng kamay na agad ko namang tinanggap. He lead the way. Inalalayan niya ako. Kaonting espasyo lang naman kasi ang pilapil. Kaonting kembot lang pwede ka ng mahulog sa putikan. Feeling ko naman catwalk iyong dinadaanan ko kaya todo poise. Aba dapat lang.   Naglakad kami hanggang sa unahan. Tanaw na tanaw ang mga bulubundoking nakapalibot sa lugar. Sa sarap sa mata. Totoo nga nakakagaan sa mata ang kulay green. Iwan ko lang kung nakakabuti pa sa utak ang green. Hindi ata.   "Ang ganda." Dramatic kong sabi I even spread my arms to the air para feel na feel.   "Oo nga. Ang ganda." Medyo nagulat ako. Nakatabi na pala sa akin si Ikaros. Nasa may intersection something kami kaya kasya kaming dalawa. Nginitian ko na lang siya.   "Kailan ka pala babalik ng Maynila?" Tanong niya out of the blue.   "Pinapaalis mo na ako?" I said still smiling.   "Naku hindi. Nagtatanong lang." Agap niya saka.   "Depende siguro." Sagot ko sa tanong niya.   Pinasadahan ko siya ng tingin. Mukha siyang god of harvest habang nakatayo sa gitna ng palayan. Ang effortless niyang magpapogi. Kahit nakatayo lang siya sa isang sulok hindi talaga pwedeng hindi mo siya mapansin. Napaisip tuloy ako. Ako ba ang nang-aakit o siya?   "Balik na tayo?" Aya ko sa kanya nang mabagot na. Ako na ang na-una, feeling alam saan dadaan eh. I spread my arms to balance.   "Pasensya nga pala Ikaros. Mukha wala ka ng nagawang trabaho dahil sa pagsama sa akin." Sabi ko. Nakasunod lang kasi siya sa akin. Malapit ko na tuloy maisip na patay na patay na siya sa akin. Pero char lang!   "Ayos lang talaga. Wala naman akong gagawin. Sina Tatay Hernan na ang bahala."   "Ganoon ba. Basta thank you talaga." I heard him laugh a bit. "Walang ano man para sa magandang dilag." Napatawa naman ako. Aba, para-paraan si koya ha.   "Wag ka nga." Ang laki ng ngisi ko.   "Matagal mo na bang kilala sina Tatay Hernan?" Tanong ko.   "Parang ganoon na nga. Simula ng dumating ako dito." Sagot ko.   "Ilang taon ka non?"   "Sixteen."   I suddenly stopped when I saw something cawling. Dahil doon ay nagkabungguan kami ni Ikaros. To my shock I lose my balance, so as Ikaros.   "Oh my!" Sobrang lakas ng tili. Ikaros grab me but it's no use dahil bumagsik parin kami sa putikan in slow motion. Nanlalaki ang mga mata ko when I felt the cold mud touched my porcelain skin. To make things worst. Something crawled on my legs.   "Ahhhhhhhhh!" Pati siguro mga ingkato nabulabog sa lakas ng tili ko.   "Oh my! Oh my!" Hysteria ko.   "Vida okay ka lang?" Maagap na dumalo sa akin si Ikaros pero nagkakawag na ako sa panic dahil feeling kinagat ako noong gumapang sa legs ko.   "Ahhhhhhh!!!" I screamed at the top of my lungs. Hindi ko na inisip kung ano na ang itsura ko basta nagpapanic na ako kung ano iyong kumagat sa ako plus naliligo ako sa mud.   Binuhat ako ni Ikaros at inihaon mula sa putikan. "Oh my! Oh my!"   "Anong nangyari Ikaros?" Sinalubong kami ni Tay Danilo.   "My feet! Something bit me!" Tili ko.   Dinala nila ako doon sa may bench. Hindi parin ako kumakalma. How can I?   "Ano yon? What was it Ikaros? Oh my! My legs!" Halos masabunotan ko na si Ikaros sa paghe-hysteria ko.   Nilapag niya ako sa bench at tiningnan ang binti kong naligo na sa putik. Magbabad ako sa alcohol mamaya. My skin!   I saw a leech. Nakadikit sa binti ko.   "Nooo..." Halos mahimatay ako.   "Kumalma ka lang hija." Sabi ni Nay Korina nang makalapit.   "Oh my! Ikaros iyong binti ko." Nangunyapit ako sa kanya.   "Maalis din yan." Pati si Ikaros ay mukhang nataranta. Hindi niya alam paano ako pakakalmahin. Nalukot ko na ang shirt niya.   Nagkakagulo na sila dahil sa tili ko. Sa sobrang paghe-hysteria ko hindi ko na namalayang natanggal na pala nila iyong linta. That freaking linta sucked my blood! Dinungisan niya pa ang legs ko. This is unacceptable.   "Dalhin mo muna sa kamalig itong si Vida para makapagbanlaw. May natitirang mga damit pa naman siguro doon. Ikaw din Ikaros magpalit ka." Iyon lang ang huli kong narinig bago ako binuhat ni Ikaros papunta kong saan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD