Chapter 30

1688 Words

RAMDAM NA ni Clarise ang pagod at pananakit ng mga paa niya sa mahaba-habang paglalakad dahil sa kahahanap ng puwede nilang matulugan ng anak. Malapit na magdilim pero palaboy-laboy pa rin silang mag-ina sa lansangan. Hindi na rin niya alam kung saang lugar na sila napadpad ng anak niya pero natitiyak niyang malayo na sila sa dating tinitirhan. “Anak, magpahinga muna tayo, ha? Pagod na si Mama,” anya sa anak na naupo muna sa lilim ng puno. “Mama, saan po tayo pupunta?” walang kamuwang-muwang na tanong nito sa kanya. “Hindi ko alam, anak,” napapiyok na sagot niya dahil nagsisimula na naman mangilid ang luha niya sa kanyang mga mata. Kahit anong pilit na maging matigas at matatag siya sa harapan ng anak ay bumibigay pa din ang panghihina nang loob niya. “Nagugutom ka ba? May biskwit ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD