Chapter 26

1542 Words

Kandong ang anak ay nakaupo sila sa harap ng kabaong ni Aling Susan. Nagtulungan silang lahat sa pag-aasikaso sa burol ng matanda. At napagkasunduan nila na tatlong araw lang itong ibuburol dahil may kanya-kanya ring mga trabaho ang mga kasama niya at ganoon din siya. Gustuhin man niyang makasama pa nang matagal sa huling sandali si Aling Susan pero hindi rin naman pupuwede dahil kailangang umusad ang buhay niya dahil may anak siyang kailangan itaguyod. “Clarise, paano kapag hindi dumating ang anak ni Aling Susan?” tanong sa kanya ni Ate Sonya na asawa ni Kuya Boy. “Siyanga pala, wala ka bang alam na ibang kamag-anak niya na puwede natin kontakin?” “Hindi ko alam, Ate. Pero dumating man siya o hindi ililibing na natin si Nanay Susan at wala rin akong kilala ni isa man sa kamag-anak niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD