Nailibing na si Aling Susan kahapon at ngayon niya kailangang ayusin ang ibang gamit ni Aling Susan sa bahay nito. Urong-sulong ang mga paa niya na pumasok sa loob dahil naalala niya lang ang itsura ni Aling Susan na laging nakangiti sa lahat ng sulok ng bahay nito. Iyong masayang nagluluto sa kusina o ‘di kaya nanonood ng paborito nitong programa sa television. Pero mas higit na naalala niya ito sa kuwarto nila dahil doon ito madalas tumambay. “Mama?” Natigil sa pagbabalik-tanaw si Clarise nang yugyugin ni Kian ang kamay niya. “Bakit hindi pa po tayo pumasok?” Malamig ang ngiting tiningnan niya ang anak niya. “Tara na.” Kinarga niya ang anak na tinungo niya ang hagdan. Pumunta siya sa silid ni Aling Susan. Inilabas niya ang mga damit nito at isinilid niya sa malaking maleta ngunit h

