Nakita niya na awang-awa sa kanilang mag-ina ang lahat ng mga taong nangungupahan sa compound. At Saka pa lang din nakalapit sa kanya si Ate Sonya nang pumasok na sa loob ng bahay si Ces. “Clarise, ito na iyong ikinakatakot ko sa inyong mag-ina,” saad nito na niyakap siya. “A-Ate, w-wala kaming m-mapupuntahan ng anak ko,” parang batang sumbong niya rito. “Kung puwede lang sana namin kayo patuluyin muna sa amin kaya lang alam mo naman ang sitwasyon namin, ‘di ba? Baka pati kami ay palayasin din ni Ces. Wala pa kaming sapat na pera para humanap ng ibang malilipatan,” mangiyak-ngiyak na rin na paliwanag nito sa kanya. “P-pasensya ka na, Clarise.” “A-ayos lang, Ate. Naiintindihan ko,” nakakaunawang sagot niya rito. Katulad niya ay hindi rin naman maalwan ang pamumuhay ng mag-asawa lalo na

