NAPANGITI NA LANG SI Marko sa sinabi ng anak ni Clarise. Naramdaman niya kasi na parang nahihiya si Clarise sa sinabi ng anak nito dahil eksaktong napalingon siya sa mag-ina ay nakita niya ang pamumula ng mukha nito na hindi na nito nagawang itago. Saka, kahit hindi naman sabihin ng anak nito iyon ay alam niyang hindi pa kumakain ang mga ito dahil kanina pa niya naririnig ang pag-aalburuto ng tiyan nito nang niyakap niya ito kanina sa may waiting shed. Kaya kanina bago siya sumakay sa sasakyan ay tinawagan niya ang yaya niya na maghanda ng mga pagkain. Iyon nga lang at hindi niya naipahanda ang gustong pagkain ng bata. “Tito, iyon po, oh, fried chicken,” biglang sabi ng bata na itinuro ang isang fast food chain na nadaanan nila. Iyon pala ang gusto nito. “Opps! Lumagpas tayo,” wika ni

