“Uy! Ang sweet n’yo naman. Sayang nga lang at wrong place ang paglalambingan n’yo,” saad nito na hindi niya masabi kung may panghihinayang ba sa boses nito o nang-uuyam dahil sa itsura nito habang binibigkas nito ang mga katagang iyon. “’Yan ka na naman. Maiba nga tayo. May damit ka na bang nahiram?” Pag-iiba niya ng usapan para hindi na lumawig pa ang usapan nila tungkol kay Marko. “Ah, oo! Nakahiram ako sa kasama ko sa bahay. Kaya lang…” tumigil ito saglit sa pagsasalita na parang may problema. “Kaya lang ano?” “Hindi ako marunong mag-make-up. Hanggang ganito lang ang alam ko,” sagot nito na itinuro pa ang sariling mukha upang ipakita sa kanya kung paano ito maglagay ng make-up. “Ako nang bahala sa make-up mo. Ang importante ay may damit ka na,” sabi niya. Masaya siya dahil may m

