Maaga siyang gumising dahil kailangan nilang maghanda para sa kasal nina Mina at Clint. Hinihintay niya si Kristy. Tinawagan niya ito kanina at on the way na raw ito sa kanila. Pero si Aling Susan ay kanina pa nakaligo dahil gusto raw nitong ipakulot ang buhok sa kanya. Kaya una na niyang kinulot ang buhok nito para eksakto mamaya ay kulot na. “Anak, may tumatawag baka ‘yong kaibigan mo na ito,” sabi ni Aling Susan na iniabot pa sa kanya ang cell phone nito. Tiningnan niya ang numerong nagpapakita sa screen ng cell phone nito. “Siya nga po, ‘Nay,” turan niya. Sinagot niya ang answer button ng cell phone. “Hello, Kristy? Nasaan ka na?” “Nandito na ako sa kanto na sinabi mong bababaan ko,” sagot nito sa kabilang linya. “Sige hintayin mo ako riyan at susunduin kita,” anya rito. “Sige. N

