MABUTI NA LANG AY WALANG ABERYA SA BIYAHE Ni Marko kaya nakarating siya on time sa kasal ng pinsan niyang si Clint. Sa reception na siya dumiretso dahil nandoon na raw ang lahat sabi ni Brix ng tawagan niya. Hinanap niya agad ang mga bagong kasal at binati niya ang dalawa. “Congratulations, bro,” niyakap niya si Clint at ganoon din ang bagong miyembro sa pamilya nila na si Mina. “Welcome to our family, Mina.” “Thank you,” nakangiting sagot ni Mina. “Maiwan ko na muna kayo, bro, Mina, hahanapin ko lang ‘yong dalawa,” paalam niya sa mga ito na ang tinutukoy ay sina Brix at Blake dahil kailangan na rin naman maglibot ng bagong kasal para isa-isahin na lapitan ang mga bisita ng mga ito. “Nakita ko silang nakaupo sa banda roon,” saad ni Clint nang marinig ang sinabi niya sabay turo sa d

