chapter 6

1223 Words
Dumaan ang linggo at buwan ganon parin naman ang routine namin walang bago, hindi! meron dahil Lagi ako nilalandi ni Kurt! pero hinayaan konalang siya dahil alam ko naman na ng tri'trip lang siya. Ngayon december okay naman kasama ko lagi mag simba sina micha at kurt at iba pa namin kaibgn, Si steph kasi INC siya kaya hindi siya nakasama samin. Bukas mag swimming kami nila micha actually niyaya kami ni bryan, Sa rest house raw nila sa Pampanga akala ko nga hindi papayagan yung magulang ni micha eh! buti nalang pumayag pero kay steph auto 'hindi' agad dahil malayo raw kaya wala kaming choice. hindi lang naman kami ang babae dahil kasama rin nila mga girlfriend nila at naka service kami kaya oks lang. Buti pinayagan rin ako nila tita sabi ni tita para ma enjoy ko rin daw yung pag ka teenager at wag daw ako mag alala kila mama dahil sila na raw bahala at i enjoy konalang daw. pumunta rin kami ni tita sa MOA para bumili ng rash guard shirt sabi ni tita swimsuit nalang daw sabi ko ayoko dahil puro mga lalaki kasama ko kaya pumayag nalang rin siya. Bumili pa kami ng ibang damit dahil onti lang damit ko at wala silang time ni tito dati kaya ngayon lang siya babawi sakin, umuwi ng bicol sila tito kasama yung dalawa kong pinsan pag tapos namin dito bumili,susunod rin si tita doon at ako naman mag isa sa bahay okay lang naman dahil bukas pupunta na kami ng pampanga. isang linggo kami doon kaya maleta ang dala ko dahil ayoko pa ulit ulit ng damit bale doon kami mag christmas uuwi kami ng 26 ganon rin uwi nila tita dahil dito rin sila mag new year kasama ako. Pag tapos namin bumili sumakay na ako ng jeep at si tita naman sumakay na ng bus para papuntang bicol. kaya pag dating ko ng bahay pinapunta kona si micha sa bahay dahil dito siya matutulog at aayusin niya rin mga gamit niya. tumingin siya sa paligid ng bahay namin at tumingin sakin."Ang laki pala ng bahay ng Tita mo aly pero bakit hindi sila kumuha ng katulong?" nag tatakang tanong niya. "Ayaw nila eh tska tinutulungan niya rin naman ako mag linis ng bahay kapag wala siyang trabaho or di kaya andito siya sa bahay" sabi ko sabay ayos ng mga damit ko. Nag uusap kami habang inaayos yung mga gamit namin dahil bukas ng madaling araw alis namin kaya kailangan maaga kami matutulog mamaya para hindi kami ma late. "Sayang noh? hindi pinayagan si steph." malungkot na sabi niya at napa buntong hininga nalang. tinabihan konaman siya at hinawakan yung kamay niya."okay lang yan micha may next time pa naman eh" sabi ko sabay ngiti. "Laging bawal si steph kaya nga sa school lang talaga kami nag bobonding dahil simula nung grade 8 ganyan na talaga yung magulang niya" sabi niya pa. "Bakit ganon ka strikto magulang niya?" takang tanong ko. "Ang dami ngang bawal e kahit mag suot ng maikling short hindi pwde kaya nga tignan mo yung palda niya lampas tuhod hindi kagaya satin" sabi niya pa sabay tingin sa phone niya. "Ay? bias mo si Levi? ako naman si Elijah!" kinikilig na sabi ko! "Ay talaga? si steph naman si theo yung bias niya hehe wala pa nga kaming merch kahit isa e hays" sabi niya sabay buntong hininga. "Ayos lang yan kahit ako rin naman wala rin e kahit ni isa" sabi ko sabay ngiti sakanya. "Hindi ka ba nakakahalata na may gusto sayo si Kurt?" takang tanong niya. Tumawa ako sa sinabi niya. si kurt mag kakagusto saken? No f*****g way! nilalandi lang ako non pero alam ko hindi niya ako gusto. Hindi ko siya sinagot dahil tumayo na ako para ayusin yung matutulugan niya kaya tumingala lang siya sakin at nag salita. "Ikaw Ba Aly gusto mo rin ba si Tristan kurt?haha" natatawang tanong niya. Inirapan kolang siya dahil alam niya naman kung sino gusto ko! walang iba kundi si Elijah! Tumayo siya at dala yung maleta niya at pumasok na sa kwarto ko, Katabi ko siya ngayon matulog. ayos lang naman sakin kasi babae rin naman si micha kaya ayun. Nag usap muna kami saglit bago nag desisyon matulog. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sobrang likot matulog ni micha! para siyang orasan matulog eh! alas kwatro palang gising nako balak ko sana magising ng alas singko! pero dahil dito sa kasama ko napaka'aga yung gising ko! kaya bumagon at nag init nalang ako ng tubig. Habang nag iinit ako ng tubig chineck ko lahat ng bintana at iba pang pintuan para mamaya hindi kona makalimutan i lock lalo na yung mga bintana para hindi manakawan. Bigla tumunog phone ko si Kurt pala! tska aga naman neto magising? Sinagot ko naman tawag niya! "Oh ang aga mo?himala?" natatawang sabi ko. "Tsk! It's suppose to be a good morning! aly! Tsk Ano pa nga ba maasahan ko sayo? lagi mo naman ako binabara? Is that how you deal with your future boyfriend?" tanong niya sakin. Aba't ang kapal naman ng mukha neto? boyfriend?lagot ka sakin mamaya! "Ang hangin naman naku baka tangayin ka ng hangin sa sobrang hangin mo sa sarili mo Kurt jusko!" natatawang sabi ko. "Why? you don't want me to be your boyfriend?" seryoso niyang tanong. Kaya natahimik ako sa sinabi niya. pinag sasabi neto? "Alam ko kurt ang aga'aga trip mo nanaman ako!" natatawang sabi ko. kunwari lang tayo tumawa pero kinakabahan talaga ako! "Why? Does what I'm saying Just Look like a trip to you? Is it because I used to be a playboy and can no longer take the relationship seriously?"seryoso niyang tanong."If you do not believe what i say, it's okay with me." sabi niya pa at pinatay yung tawag. Nabigla ako sa sinabi niya seryoso ba talaga siya? Sus ang aga'aga! baka trip lang yun! Kaya pag tapos kong mag init ng tubig. nag kape na ako at ginising si micha para maligo na para pag tapos niya ako na susunod maligo. Totoo kaya yung sinasabi ni micha sakin? na may gusto sakin si kurt?Sus imposible. may gusto yun iba e! Gaga ka aly baka ikaw yung sinasabi niya! ay tanga wag umasa. masakit umasa naku! Kaya pag tapos ko mag kape sakto si micha na tapos na rin maligo kaya ako na sumunod. pag tapos ko mag bihis chineck ko yung mga bintana at mga pintuan sa kwarto at nilock kona rin yung sa kusina at sa main door kaya lumabas na kami ni micha ng 5:40 at nilock kona rin ng maayos yung gate at umalis na. Naka hoodie ako ngayon naka pants at tshirt lang ako at tsinelas, si micha naman naka short at tshirt at naka sapatos na fila. sanaol. Inantay namin sila bryan sa harap ng metropoint naka van daw kasi kami. limang minuto bago dumating yung puti na Van. si bryan nag dri'drive katabi niya si sandra at yung iba nasa likod at kasama rin nila yung mga jowa nila, napansin kong wala si kurt kaya tatanongin kona sana biglang nag salita si david. "Hindi makakasama si kurt satin dahil pupunta sila ng ibang bansa kasama family niya, sayang nga e awit" sabi niya sabay tingin sakin. kaya tumango nalang ako at nag earphone. Bakit kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD