prologue
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
Note: This is the first story I've ever written. Expect typos, grammatical errors, and informal words along the way. Thank you!
*****
"I am here in Korea. It’s a sunny morning. I don't know why, but I miss him so much. It's been a damn 5 years but I still can't move on."
"What's with him, why can't I still move on? I've been here in Korea for 5 years but I still want to see him."
I am here now in my café. This is the first branch and I'm so happy because I made it!
Naka-upo ako ngayon at pinapanood ang mga sasakyan sa labas habang inaantay ang order ko. Gutom na gutom na talaga ako dahil madaling araw ako nakarating dito sa Seoul.
I wonder if he has a family already? I think so. It's been 5 years, what am I expecting?
Habang kumakain ako, biglang may pumasok na lalaki na may kasamang babae. Napaubo ako sa nakita ko! Nandito si Elijah? At kasama niya si Aeri.
Nagulat din siya kasi nakatitig ako sa kanila, kaya umiwas na ako ng tingin at tinuloy na lang ang pagkain ko. Maya-maya, may narinig akong umiyak na bata kaya hinanap ko kung saan galing 'yun.
Nagsisi ako kung bakit pa ako lumingon doon sa pwesto nila—dahil 'yung batang babaeng umiiyak, mukhang anak niya. Hindi ko sure.
Tumayo na ako at bumalik na ng bahay ko kasi pagod ako sa biyahe.
Habang nakahiga ako, naisip ko bigla 'yung nangyari kanina. Anak niya ba 'yun? Asawa niya ba 'yun? Maraming tanong sa isip ko, pero naisip ko bigla na baka nga asawa at anak niya 'yun kasi pagkatapos ng nangyari sa Daegu, never ko na in-open 'yung mga text at call niya.
Ginawa niya lang naman 'yun sa akin kasi isa akong fan nila.
Natulog muna ako at nag-alarm ng 4:00 PM para makapag-ayos, mag-dinner sa labas, at dumeretso ng bar.
Bumangon at naligo na ako. Hindi naman masyadong malamig ngayon sa Korea kaya nagsuot lang ako ng fit na black dress at black heels. Nag-light makeup lang ako at pinakulot ko 'yung dulo ng buhok ko.
Gamit ko pa rin 'yung necklace na binigay niya sa akin. Nakasulat doon 'yung pangalan niya pero sa Korean characters.
Pagpasok ko sa isang restaurant, nagulat ako kasi andoon si Elijah at kasama niya si Sehun at si Daniel. Napatingin silang tatlo sa akin. Ngumiti sa akin si Sehun at si Daniel kaya ngumiti na rin ako.
Umupo ako sa pang-dalawahang upuan at umorder. Nag-light dinner lang ako kasi balak ko uminom ngayon, ayoko sumuka ng madami kung mabigla ang tiyan ko. Pinicturan ko muna 'yung pagkain ko para mag-IG story bago tuluyang kumain.
Hindi ako tumingin sa pwesto nila kahit nasa side lang 'yung table nila sa akin. Bakit andito si Sehun at Daniel? Bakasyon din? Hindi ko na inisip 'yun at pinagpatuloy na lang ang kinakain ko.
Pagkatapos kong kumain, binayaran ko na at pumunta na sa bar na katabi lang ng restaurant. Umorder ako ng wine para chill lang muna. Mamaya na ako mag-hard para hindi mabigla ang tiyan ko.
Habang pinagmamasdan ko ang loob ng bar, may umupo sa tabi ko at umorder din. Nung una, hindi ko siya pinansin pero nahalata kong nakatingin siya. Hindi lang nakatingin, nakatitig pala! Kaya inis kong tinignan 'yung lalaki. Paglingon ko, gulat na gulat ako dahil si Elijah pala 'yung nakatitig sa akin!!
Hindi ako makapagsalita. s**t.
"How are you? Haha! Why are you so shocked?" natatawang tanong niya sa akin.
Duh! Sinong hindi magugulat na after 5 years, ngayon mo lang ulit ako kinausap?
"I'm fine. Nagulat lang ako kasi ikaw pala 'yung nakatitig sa akin," mataray na sabi ko.
Narinig ko naman na tumawa siya sa sinabi ko. Ha! What's funny?
Hindi na siya nagsalita kaya hindi na rin ako lumingon sa kanya, at tinignan ko na lang 'yung mga taong masayang sumasayaw.
"Na-miss kita ng sobra," sabi niya at umalis na.
Gulat na gulat ako sa sinabi niya!