chapter 1

1783 Words
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission. Note: This is the first story I've ever written. Expect typos, grammatical errors, and informal words along the way. Thank you! ***** "Ako lang ba? Ako lang ba ang nangangarap na sana buo rin ang pamilya ko?" "Ang hirap naman. Bakit kasi sa akin isinusumbat lahat ng nangyari?" "Wala naman akong alam sa nangyari sa magulang ko... pero bakit ganito?" "Wala kang kwenta! Pabigat ka talaga dito sa bahay!" sigaw ng lolo ko sa akin. "Puro ka na lang cellphone! Imbes na maghugas ka ng plato at maglaba! Hindi 'yung ganito na lang lagi!" pagpapatuloy niya pa. Sanay na ako sa mga sinasabi nila sa akin, pero bakit ang sakit pa rin? 'Yung marinig mo mismo sa pamilya mo 'yung mga masasakit na salita. Pinagpatuloy ko pa rin ang paghuhugas ko ng plato. Nakalimutan ko kasi na may ginagawa ako kanina—tinatapos ko 'yung assignment ko na bukas na ang pasahan, kaya ganoon. Bigla akong may narinig na yabag, at bigla na lang akong hinampas ng plato sa ulo. Hindi na ako nagulat sa ginawa niya. "Ayan, hugasan mo rin 'yan! Puro ka na lang cellphone! Itatapon ko 'yang cellphone mo, eh!" sigaw ni lolo. Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit ganoon na lang ang mga sinasabi at ginagawa nila sa akin. Una sa lahat, hindi ko naman kasalanan kung bakit ako nabuhay dito sa mundong ito. Pangalawa, kasalanan ng magulang ko 'to, eh. Bakit ganoon? Imbes na sa magulang ko sila magalit, bakit sa akin? Umakyat na ako sa taas. Hindi pa ako kumakain pero ayoko na ring bumaba. "Wow! Totoo ba 'yan? O baka naman kunwari lang 'yan? Ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo, ha, Aly?!" sigaw sa akin ni lola. Napayuko na lang ako at pinipilit na huwag umiyak. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo! Ipapadala na kita doon sa nanay mo—" sabi ni lola. "Ma! Ayoko! Please!" sabi ko habang umiiyak. "Mag-aral ka ng mabuti! Mag-18 ka na, ano ba, Aly! Kailan ka ba titino?" tanong niya sabay hampas sa akin. Matino naman ako, ah? Sino ba ang hindi mag-aaral ng mabuti? Eh, ganito kayo lagi sa akin! Ginawa niyo akong katulong dito sa bahay! Halos ako na rito ang gumagawa ng lahat tapos nagrereklamo pa kayo! Umakyat na ako sa double bed para matulog kasi bukas, maaga pa akong gigising para magsaing at magluto ng ulam. Tumalikod ako kay mama at nagsimula na namang umiyak. Pa? Nasaan ka ba? Kunin mo na ako dito, please! Ayoko umuwi sa probinsya. Ayoko sa ugali ng asawa ni mama. Magde-debut na ako, Pa. Wala ka pa rin. Hindi ka pa rin nagpapakita o nagpapakilala sa akin. Nagising ako dahil sa uhaw at gutom na rin kasi hindi ako kumain kagabi. Pagtingin ko sa oras, mag-aalas-singko na pala ng madaling araw. Sakto lang ang gising ko. Dahan-dahan akong bumaba sa kama at sa hagdan, tapos nagsimula na akong magsaing at nagpainit na rin ng tubig. Nilabas ko na rin 'yung manok at nagsimulang magluto. Pagkatapos kong lutuin ang ulam, uminom muna ako ng kape bago maligo. Habang naliligo ako, iniisip ko 'yung mga ni-memorize ko kagabi para hindi ko makalimutan sa report. Pagkatapos kong maligo at magbihis, tiningnan ko 'yung phone ko kung may chat na sina Ayi at Jane. May sariling uniform ang TVL—naka-maiksing palda at naka-white na long sleeves. Umakyat ako sa taas para humingi ng baon. Kumain naman na ako kaya hindi na siguro ako magugutom mamaya. "Ma," pabulong kong tawag. "Hmmmm, ayan oh, isang daan," sabi niya at ibinigay sa akin 'yung 100 pesos. Hindi na ako nagreklamo baka magising pa si papa at pagalitan na naman ako. "Magkano baon mo ngayon?" tanong ni Jane sa akin habang naglalakad kami. "100. Ikaw?" pabalik na tanong ko sa kanya. "Ay, 150 ang akin, tapos may dala akong pagkain. Hati-hati tayo nila Ayi," sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na pati dito sa Senior High School ay magkakaklase kaming tatlo, dahil noong Junior High kami ay magkakaiba ang section namin. Grade 11 na kami ngayon, at sana makapasa kaming lahat para sa College! Dumaan kami ni Jane sa bahay nila Ayi dahil malapit na 'to sa school namin. "Aly, anong ganap sa birthday mo?" tanong sa akin ni Ayi. "Ewan ko... Wala yata, hehe," sabi ko at ngumiti na lang. "Siyempre meron 'yan, no! Mag-18 ka na, eh," sabi ni Jane. Hindi na lang ako nagsalita dahil ako rin mismo, hindi ko alam kung meron ba o wala. Nakarating na kami sa school at pumasok sa room namin. Buti na lang hindi kami late dahil nandoon na sila. Kinakabahan ako dahil magre-report ako sa Piling Larangan, lalo na at mataray ang teacher namin na si Ma'am Kharisma. "Okay, bubunot kayo ng number para sunod-sunod na!" mataray niyang sabi. Bumunot na ako at nagulat ako sa number na nakuha ko. s**t! Bakit number one? Napalunok na lang ako. God, guide me, please! "Sino ang number one? Harap na dito para sunod-sunod na! Ano ba 'yan, bingi ba kayo?" sigaw ni Ma'am kaya tumayo na ako at humarap sa kanila. "Oh, Ms. Sebastian, ikaw pala," sabi niya. "Hi, my name is Aly Cassandra Sebastian, at ito ang aking report," pagpapakilala ko sabay tingin sa manila paper. Pagkatapos kong mag-report, nagsimula na magtanong si Ma'am. Buti na lang nakasagot ako sa simula, pero sa huling tanong ay hindi ko na nasagot dahil wala naman 'yun sa lesson namin. Binigyan niya ng score 'yung report ko, at buti na lang hindi naman bagsak. Nakaka-miss din pala. Lahat ng classmates ko noong Grade 10, hiwa-hiwalay na kami ngayon. Noong first day, nakilala ko si Edchelle, tapos sina Shiri at Jade, kaya naging close ko rin sila. Pero best friends ko talaga sina Ayi at Jane since Grade 8 pa kami. Dito lang talaga ako sa school masaya at walang inaalalang problema, dahil nakakasama ko ang mga kaibigan ko. Miss ko na rin sina Udeng at Tame. Breaktime na namin ngayon. Bumaba si Ayi para bumili sa canteen kasama sina Thea. Kami naman ni Jane ay nandoon lang sa loob ng room kasama sina Rona at Shedney. Nagpasabay na lang ako ng tubig at siomai dahil 'yun lang ang kaya ng pera ko. Buti na lang may dalang pagkain si Jane kaya may kahati ako. Habang nag-aantay, nag-uusap kami nina Rona tungkol sa paparating kong birthday. "Ate Aly, anong meron sa birthday mo? 18 ka na, yehey!" masayang sabi ni Rona. "Hindi ko alam, eh. Itatanong ko mamaya pag-uwi natin," sabi ko at kumain na nung dumating si Ayi dala 'yung pinabili ko. Ganito lagi ang routine namin. At pag-uwi naman, susunduin ko ang pinsan ko na si Margarette at dadaan kami saglit sa pisonet para magcomputer. Last subject na namin ngayon at ipapasa na 'yung assignment namin nang biglang tawagin ako ng teacher namin. "Ms. Sebastian, pwede ba kitang kausapin?" sabi ni Sir Romeo. "Okay po, Sir," sabi ko at sumabay sa kanyang lumabas. General Mathematics teacher namin siya. Gay siya pero hindi halata sa itsura niya. "Bakit po, Sir?" kinakabahan kong tanong. "Muntik ka nang bumagsak sa Gen Math. Kailangan mo pa talagang mag-aral nang mabuti, lalo na sa Math. Gusto ko, lahat kayo walang babagsak sa subject ko. Kaya sana, pagbutihan mo pa, okay?" explain ni Sir Romeo sa akin. Nakahinga ako ng maluwag. Napaka-blessing naman ng Gen Math teacher ko. Napakahina ko talaga sa Math. Umakyat na ako pagkatapos niyon. Inaantay na rin ako nina Jane at Ayi para umuwi. "Ano'ng sabi ni Sir?" "Bagsak ka?" Sabay na tanong nina Jane at Ayi. Ngumiti ako bago nagsalita. "Hindi naman. Inexplain lang sa akin ni Sir 'yung tungkol sa grades ko." Tumango na lang sila at naglakad na kami. Nasa pisonet kami ngayon nina Ayi. Napansin ko na kanina pa siya tili nang tili, kaya tumingin ako sa screen ng computer niya. "Ano 'yan, Ayi?" tanong ko sa kanya. "Ah, DCT 'to! Sikat 'to sa Korea at sa buong mundo! Yiieee!" sabi niya sabay tili ulit. Nakita ko sa screen na sumasayaw sila. Pito sila at puro pogi nga! "Ano'ng mga pangalan nila?" tanong ko kay Ayi. Ang ganda kasi ng mga kanta nila, lalo na 'yung beat. "Ah, eto si Sehun Kim, siya ang leader. Tapos sumunod naman si Daniel Kim, vocal siya. Rapper naman si Sehun—ay, rapper pala si Levi Min, main rapper siya. Tapos sumunod si Kurt Jung, rapper rin at dancer. Sumunod naman si Theo Zion Park, vocal at dancer. At sumunod si Elijah Tyler Kim, vocal rin siya, at ang huli ay si Liam Jeon," sabi ni Ayi sabay turo kung sino-sino sa kanila. Una kong napansin 'yung Elijah na sinasabi ni Ayi. "Bakit 'yung iba, iba ang pangalan nila? Katulad nina Elijah, Theo, Liam, at Levi? Diba Koreano sila, bakit naman parang pang-foreigner?" takang tanong ko. "Si Elijah, Theo, at Levi, half-Filipino sila. 'Yung mga nanay nila ang Pinay," paliwanag ni Ayi. "Ah! Bet ko 'yung Elijah! Ang tangkad niya, tapos ang tangos ng ilong, tapos 'yung mata niya... Grabe, ang perfect!" sabi ko sabay tili rin! "Ay, same! Bias tayo, pero OT7 ako, hehe," sabi niya. Pagkatapos niyon, ipinasend ko sa Share-it ang lahat ng kanta nila. May subtitle naman kaya okay lang. Nalaman ko sa kanya na 'yung pinapanood niyang kanta kanina ay 'yung 'Blood Sweat & Tears'. Ang hot nila doon, ha? Pagkauwi ko ng bahay, naghugas agad ako ng plato at kumain. Nagpalit na rin ako ng damit at humiga muna saglit. Nakatulog pala ako at nagising ng 5:00 PM. Isang oras lang pala ang tulog ko. Bumaba na ako para magsaing. Balak ko na ring tanungin si mama tungkol sa birthday ko habang nagluluto siya. "Ma, anong meron sa birthday ko?" kinakabahan kong tanong. "Ikaw? Ano ba ang gusto mo?" tanong ni mama pabalik. Nagulat ako sa sagot niya. "Gusto ko sana, Ma, mag-Mang Inasal kaming tatlo nila Ayi, tapos i-celebrate rin 'yung birthday ko sa Sabado," masayang sabi ko kay mama. Tumango lang siya, kaya laking gulat ko na hindi ako pinagalitan ngayon. Agad kong chinat sina Jane at Ayi na kapag malapit na 'yung birthday ko ay kakain kami sa Mang Inasal, tapos kapag mismong birthday ko na ay magce-celebrate rin kami sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD