chapter 2

2150 Words
"Totoo ba 'yan? Pero teka... bakit hindi niya i-celebrate nang bongga? I mean, pwede na naman 'yung sinabi mo, pero kasi special day mo 'yun," sabi ni Ayi sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya. "Hindi, okay na 'yun sa akin," sabi ko at nagpatuloy na lang sa pagsusulat. Hindi ako sigurado kung ggraduate ba ako ng Senior High. Actually, sa Gen Math lang naman ako mahina. 6:30 AM ang simula ng klase namin at 3:40 PM ang uwian. Mahina na talaga ako sa Math simula pa lang nung High School ako. Wala pa naman ang teacher namin kaya bumaba muna ako para mag-CR. Pagpasok ko, may dalawang babaeng nag-uusap doon. "Ang pogi ni Levi, no?" "Oo nga, eh! Lalo na si Theo! Hihi." "Hays. Gusto ko talaga makapunta sa concert nila!" Magsasalita pa sana 'yung isang babae kaya lang bigla silang lumingon sa akin. Ngumiti na lang ako at dumeretso sa cubicle. "Micha, tara na." "Oo, Anna. Haha!" "Tigilan mo nga ang second name ko!" inis na sabi nung isa. "Excuse me," sabi ko nang dumaan ako sa harap nila pagkatapos kong mag-CR. Puro sila asaran, hay nako. Umakyat na ako sa room, at sakto namang may teacher na pala! Kaya nilagyan ako ng record na nag-cutting class. Umihi lang naman ako, eh! "Saan ka ba galing?" bulong ni Jane sa akin. "CR," bulong ko rin. "Ms. Sebastian and Ms. Layos! Ano, magbubulungan na lang kayong dalawa diyan?!" sigaw ni Ma'am Trixie sa amin. Yumuko na lang kami ni Jane at pinipigilan ang tumawa. Kinuha ko ang notebook ko at isinulat ang mga instructions na nakalagay sa board. Buti na lang nung nag-catering kami noong nakaraan, hindi ako pumalpak. Jusko. Sa mga sumunod na araw, ganoon pa rin ang routine namin. Hindi na ako sinasaktan physically ni lolo, pero pinagbubuhatan pa rin niya ako ng mga salita. Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin: "Dapat hindi ka na lang nabuhay!" "Ang dami kong sakripisyo sa'yo tapos ganito lang?" "Wala ka talagang kwenta!" "Sana hindi ka na lang namin inalagaan!" "Sana nung sinabi ni Julie na ipapalaglag ka niya, natuloy na lang 'yun!" Ayan ang lagi niyang sinasabi sa akin. Sobrang sakit. Ganoon ba kalaki ang galit niya sa akin para sabihin ang mga bagay na 'yan? Friday na ngayon at pauwi na kami nina Ayi. Actually, papunta kami ng mall ngayon na malapit lang dito sa Libertad. Bibili kami ng mga ingredients kasi gusto nilang mag-bake. Iri-try daw namin 'yung mga natutunan namin sa school. Pagkauwi ko, nagbihis agad ako at tinulungan si mama sa mga gawain niya. Lagi ko ring sine-search sa f*******: ang tatay ko, pero walang lumalabas. O baka naman meron, hindi ko lang talaga alam ang itsura niya. Ang kwento kasi sa akin ni mama, hindi raw siya napanagutan ni papa dahil may asawa at anak na pala ito sa Korea. At nung oras na buntis si mama sa akin, magpapakasal na si papa sa totoong asawa niya. Prinsesa raw 'yung babae kaya iba na ang apelyido ni papa ngayon. Kasi 'di ba, karaniwan kapag kasal, apelyido ng lalaki ang dinadala? Pero doon sa Korea, dahil prinsesa 'yung babae, apelyido ng babae ang dinala ni papa ngayon. Nung tinatanong ko kung ano 'yung apelyidong 'yun, pati si mama ay hindi rin alam. Simula nun, hindi na ako nagtanong tungkol sa tatay ko. Ginagawa ko na lang ang mga dapat gawin sa bahay para hindi na naman ako mapagalitan. Hindi masaya ang High School life ko. Hindi naman kasi marami ang kaibigan ko. Kung hindi ko kasama si Ayi at Jane, sila Arian naman ang kasama ko. Maglalaba muna ako bukas bago ko papuntahin sina Ayi at Jane para mag-bake. Actually, ayaw talaga nina lolo at lola sa kinuha kong course. Gusto nila mag-pulis ako. Nung nabuntis kasi si mama sa akin, hindi siya natuloy sa pag-pulis kasi tumaba siya at hindi niya kinaya ang training. Kaya rin yata galit na galit si lolo sa akin—kasi dahil sa nabuo ako, hindi natuloy ang pangarap ni mama. Pero para sa akin, maganda naman ang kinuha kong course sa Senior High. Ngayong 1st semester, puro catering at pag-serve muna kami. Sa 2nd semester naman, doon na raw kami magdidiretsong matuto mag-bake. Simula nung pinapatugtog ko ang mga kanta ng DCT, sobrang gumaan ang pakiramdam ko. Marami na rin akong ni-like na pages para updated ako sa kanila. Naiinggit nga ako sa ibang fans kasi may mga merch sila. Gusto ko rin sanang bumili, pero naaalala kong wala pala akong pera. Baon ko nga lang, hirap na hirap na silang bigyan ako, tapos papabili pa ako ng merch? Nako, baka masampal lang ako. Scenarios pala ang pangalan ng fandom ng DCT, at sobrang sikat talaga nila sa buong mundo. Hindi naman talaga ako mahilig sa K-Pop na 'yan dati, ngayon lang. Pag-open ko ng Messenger ko, may nakita akong chat. 'Yung chat na lagi kong inaasam na sana i-crush back ako! Totoo ba 'to? Chinat ako ng crush ko? Tsk, asa ka naman, Aly! Pero seryoso, chinat ako ni Kyle! Shet! Sa kabilang section 'to, eh. Automotive ang course niya at katabi lang ng room namin ang classroom nila. Kaya nagulat ako kung bakit niya ako chinat. Pag-open ko ng conversation namin: "Hi, ikaw ba 'yung sa kabilang section?" sabi niya sa chat! Oh my God! Okay, kalma, Aly. Kalma. Tinatanong niya lang kung ako ba 'yung sa kabilang section. Walang ibang meaning 'yan, kaya kumalma ka! "Hoy! Ano'ng pinaggagawa mo diyan? Para kang tanga," takang sabi ni mama nang mapansin niya akong namumula sa tapat ng phone. "Ate Aly, tawag ka ni Ate Ashley. Tambay daw kayo sa labas," sabi naman ni Magdalenne sa akin. "Sige, sabihin mo wait lang," sabi ko at inayos ang mga gamit ko. Lumabas na ako ng kwarto. Yumuko ako nang dumaan sa sala kasi tutok na tutok si lolo sa TV, baka sigawan na naman ako. "Saan ka na naman pupunta?" tanong ni lolo sa akin kaya napahinto ako. "Sa labas po," pabalik kong sagot. "Sige, magpagabi ka. Sasaraduhan talaga kita ng pinto!" sabi niya sa akin. Kakalabas ko lang, eh! Ano ba naman 'to. Dumeretso ako sa kabila kung nasaan si Ashley at umupo sa tabi niya. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya sa akin. "Oo naman, haha. Bakit?" takang tanong ko. "Kailan ka ba magtitiis sa pinaggagawa nila sa'yo diyan? Hanapin mo na kaya 'yung tatay mo para doon ka na lang tumira sa kanya?" sabi niya sa akin. "Lagi ko nga sine-search 'yung pangalan niya sa sss, eh. Hindi ko talaga mahanap. O baka naman walang f*******: 'yun," sabi ko sabay buntong-hininga. "Baka nga. Kasi 'di ba nasa Korea ang papa mo? Ang alam ko, hindi uso ang f*******: sa kanila. Sa i********: at KakaoTalk o w******p ang karamihan doon," sabi niya pa. "Siguro nga. Hindi natin masasabi," walang ganang sagot ko. "Alam niya kaya na may anak siyang laging nag-aantay sa kanya dito sa Pilipinas? O baka naman hindi niya alam? Ilang taon ka na, oh! Kahit isang beses, hindi man lang siya nagpakita sa'yo. Tsk," inis na sabi ni Ashley. Tinitigan niya ako. "Okay ka lang ba talaga? Pumapayat ka, tapos ang tamlay mo pa." Tumingin ako sa kanya at ngumiti na lang nang pilit. Ako rin, hindi ko alam kung okay lang ba talaga ako. Parang laging may kulang. 'Yung kulang na pagmamahal at pag-aalaga na hindi nila naibigay sa akin dito sa bahay. Ang ibinigay lang nila sa akin ay sakit at panunumbat. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa ibang mga bagay-bagay hanggang sa tinawag na siya ng mama niya. Umuwi na rin ako sa bahay. Buti na lang mga isang oras pa lang ako sa labas kaya hindi pa ako nilockan ng pinto. "Aly, kumain ka na doon. Tapos na kaming kumain," sabi ni Tita May. Si Tita May ang kapatid ni mama. Si Tita ang panganay, si mama naman ang pangalawa. Engineer si Tita at ganoon din si Tito. Si Tita lang ang may matino na trabaho sa kanila magkakapatid. Si mama naman ay housewife lang pero may maliit na tindahan. 'Yung pangatlong kapatid nila ay nagtatrabaho sa factory ng mga isda, at 'yung bunso naman ay may maliit na shop. Kaya sila mama ay umaasa rin paminsan-minsan kay Tita. Habang si lola naman ay isang retired teacher, at si lolo ay may sariling lupa sa probinsya namin na may mga taniman ng mais, mani, kamoteng kahoy, papaya, at sili. Nandito lang naman sila sa bahay ngayon dahil gusto raw magbakasyon. Pagkatapos kong kumain, naghugas na ako ng plato at inayos ang mga kalat sa kusina at sa sala. Ako na lang mag-isa rito sa baba dahil nasa taas na silang lahat. Dahan-dahan akong kumilos para hindi umingay, baka mapagalitan na naman. Hindi na kumuha sina Tita ng kasambahay dahil kaya ko naman daw ang mga gawaing-bahay tulad ng laba, hugas ng plato, at pagluluto. Nagsimula lang naman dumami ang mga gawain ko rito nung umuwi sila lolo at lola, eh. Pagkatapos kong maglinis, umupo muna ako sa sofa at binuksan ang bag ko para i-check kung may assignments. Buti na lang wala, kaya nanood muna ako saglit ng TV bago nagpasyang umakyat para matulog. Nag-alarm ako ng 6:00 AM para maglaba at magluto ng agahan bukas. Kinabukasan, nagising ako sa alarm ko kaya bumaba na agad ako. Pagbaba ko, nandoon na sina Tita at Tito. Maaga sila ngayon dahil pupunta silang Cavite. "Oh, ang aga mo naman? Wala naman kayong pasok, ah?" tanong ni Tita habang nagkakape katabi si Tito. "Morning po. Maglalaba po ako, Tita," sabi ko sabay punta sa likod para i-check ang mga damit at ang washing machine. Habang pinapaikot ko ang washing machine, bumalik ako sa loob ng kusina para magluto ng agahan. "Wag mo na kaming iluto, Aly. Bibili na lang kami sa labas para hindi ka na mahirapan," sabi ni Tita habang tumatayo para umalis. "Malapit na pala ang birthday mo. Ano'ng balak mo? Si Julie, kinausap ka na ba tungkol dito?" "Hindi ko po alam, eh. Hindi naman po ako tinatawagan ni mama ngayon, pero kinausap ko na po si lola tungkol sa birthday ko," nahihiyang sabi ko. "Oh? Ano'ng sabi ng lola mo? Ano ba ang plano mo?" tanong ni Tita May sa akin. "Sabado po kasi 'yung birthday ko. Gusto ko sana i-libre 'yung dalawang kaibigan ko ng Friday sa Mang Inasal, tapos i-celebrate pa rin po sa bahay sa mismong Sabado... kung okay lang po," paliwanag ko kay Tita. "Ayaw mo ng malaking celebration?" singit naman ni Tito. Napakamot na lang ako ng ulo. "Wala naman po kasing pera, Tito, eh. Hehe," nahihiyang sabi ko. "Kaming bahala ng Tita mo. Pero ayan naman pala ang plano mo, kaya sige, ikaw ang bahala," nakangiting sabi ni Tito. "Alis na kami, Aly," paalam ni Tita, kaya bumalik na ako sa likod para ipagpatuloy ang paglalaba. Natapos ako maglaba bandang 1:00 PM kaya chinat ko agad sina Ayi at Jane na pwede na silang pumunta rito para makapag-bake kami. Lumabas ako para tingnan kung andiyan na sila. Pagdating nila, pinapasok ko sila at bumati muna sila kina lolo at lola bago kami dumeretso sa kusina. Buti na lang medyo malayo ang kusina sa sala kaya pwede kaming mag-ingay. "Aly, nag-chat ba sa'yo si Kyle?" biglang tanong ni Jane sa akin habang nag-aayos kami. "Ahm... oo. Bakit?" takang tanong ko. "Huwag mo ngang replyan! Tang-ina nun, pinagpustahan ka lang ng mga tropa niya! Alam mo ba, pinagpustahan nila na kapag nagsimula kayong mag-chat ni Kyle, mas lalo ka raw maiinlove sa kanya! Narinig ko 'yung pinag-uusapan nila kahapon nung hahanapin sana kita. Kaso biglang dumating si Ma'am kaya pumasok na lang ulit ako sa room!" inis na sabi ni Jane. A-ano? Pinagpustahan lang nila ako? Bakit? "Alam kasi nila na crush mo si Kyle kaya ginagawan nila ng ganyang laro," singit naman ni Ayi. "Hayaan niyo na, i-bblock ko na lang," sabi ko sabay pilit na ngiti sa kanila. Inayos muna namin ang mga ingredients para sa pagbe-bake. Nagsuot kami ng apron at hairnet para malinis. Buti na lang may oven dito kina Tita kaya pwedeng-pwede kaming mag-bake ng chocolate cake. Hindi lang basta cocoa powder ang gagamitin namin, kundi totoong chocolate talaga para mas masarap. Nagsimula na si Jane na mag-mix ng ingredients habang si Ayi naman ang gumagawa ng chocolate icing. Ako naman, taga-panood at taga-picture sa kanila. Pagkatapos maihanda ang mixture, isinalang na namin ito sa oven. Nung maluto na, dahan-dahang inilabas ni Jane ang cake at pinalamig muna namin ito bago lagyan ng icing. Masarap ang cake kahit wala pang frosting dahil sa totoong chocolate na hinalo namin. Nung lumamig na, tinulungan na ni Ayi si Jane na maglagay ng design na hugis bulaklak. Pagkatapos ng lahat, pinicturan muna namin ang aming masterpiece bago ito hinati para bigyan sila lola, at ang kalahati naman ay itinira namin para sa aming tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD