chapter 3

1230 Words
pag'katapos namin kumain nag usap-usap muna kami tungkol sa mga bagay'bagay. lalo na yung kinwento sakin ni jane tungkol sa pustahan nila kyle. naiinis parin ako buti nalangg binlock kona. bakit ganon ano ba ginawa ko sakanya para ganonin niya ako? dahil ba may gusto ako sakanya? sa left side automotive tapos room namin and then sa kabilang side ICT naman, sa automotive puro lalaki sila pero sa ICT halo may babae at lalaki rin. nag ayos na ako ng mga kalat para hindi ako pagalitan umuwi na rin sila jane dahil may gagawin rin raw sila kaya pag uwi nila nag pahinga na muna ako saglit sa kwarto. ngayon lang ulit ako nagkaroon ng time para sa social media. pag open ko ng f*******: may nag add sakin na familliar sakin. binuksan ko yung profile niya, ay! siya yung sa cr micha Valdez nakalagay so micha pala pangalan niya? inaaccept ko naman tapos sunod naman tinignan ko yung kasama nung micha si stephanie anna Tumogbong pala, hmmmm. sunod naman chineck ko yung lalaki na palagay ko ICT yung course niya kasi lagi ko siya nakikita sa labas kasama mga kaibgn niya, Jerico Lopez pala so inaaccept ko naman. Saglit lang ako tumambay sa f*******:. in-off kona data ko at pumunta sa share-it para magpatugtog ng kanta ng DCT ang alam ko may meaning yung DCT pero hindi kopa inalam kung ano. Nakatulog pala ako nung nagpatugtog, pag baba ko andon sila mama kaya nag saing na rin ako at tumawag ako kay tita para tanongin kung ano lulutuin kong ulam, bibili nalang raw sila sa labas para wala na akong gagawin kaya tumambay na muna ako saglit sa sala napa isip ako na mag sisimba ako bukas sa baclaran para naman maka alis rin ako ng bahay. Kaya nung linggo na nagising ako ng mga alas nuebe okay lang naman magising ng late dahil andito naman sila tita, sila na gumagawa ng gawain bahay tuwing linggo kaya hindi rin ako papagalitan. kumain na muna ako at bag hugas ng plato pag tapos non naligo na rin ako at nag paalam na mag sisimba ako at uuwi ako ng mga alas singko na kasi gagala ako saglit. buti nalang binigyan ako ng pera ni tita, may pera pa naman ako pero mas okay na rin yun. alas dos ako umalis ng bahay, malapit lang naman yung baclaran dito kaya nilakad ko nalang. pag dating ko doon hindi pa nag sisimula. ang alam ko alas tres nag sisimula yung misa dito kaya umupo nalang muna ako at nag muni-muni. hindi kona niyaya sila ayi at jane dahil alam kong busy sila tuwing linggo, ayos lang naman sakin yun. may umupo sa tabi ko dalawang babae. hindi ako lumingon pero naririnig ko sila jag uusap tungkol sa kpop. at yung boses nila familliar sakin kaya lumingon ako sakanila, nagulat ako dahil sila pala yung sa Cr. "Hi inadd ka namin sa f*******: tapos inaaccept mo kami." masayang sabi nung micha. "Ang daldal mo talaga micha" mahinang sabi ni step. ngumuso naman si micha at tumingin sakin" Aly pala pangalan mo? ako naman si micha, tapos siya naman si stephanie!" sabi niya napalakas yung sabi niya kaya napatingin yung iba sa amin."Mag isa kalang?" tanong niya. "Oo mag isa lang ako, hi nice to meet you two" sabi ko sabay ngiti. "Pwde kaba namin maging kaibgn? inis-stalk kita puro DCT mga shared post mo! scenario ka rin ba?" masayang tanong niya sakin." oo bago palang ako eh" sabi ko sabay sulyap kay step ang tahimik niya kasi. "Ayos lang yun ano kaba! kami rin naman eh! ay saglit..Hoy Tine! bakit ngayon kalang? tara dito may bago tayong kaibgn!" sigaw niya doon sa babae na may kasamang limang babae,kumaway lang naman yung iba at umupo sa harap ng upuan namin. "Sino-sino nanaman kinakausap neto ni micha, wag ka sumigaw nasa simbahan tayo! ano kaba buti nalang hindi pa nag sisimula!" sabi nung babae. "hindi kaya ako sumigaw" sabi ni micha sabay irap. "Diba ICT kayo? paano kayo naging magkaibigan neto?" tanong ko sabay turo kay micha. "Magka-klase kasi kami nung grade10. Btw I'm naeomi." sabi niya sabay pakilala sakin. "Hi btw i'm Aly." sabi ko sabay lahad ng kamay. "Omg!...So ikaw pala crush ni..." hindi na natuloy nasabi nung maliit na babae dahil tinakpan ni naeomi yung bunganga niya. "Sorry ang daldal talaga neto kaibgn ko hehe, siya pala si hilaree at eto naman si jessa at Jaja at kiyomi." pakilala ni naeomi sa mga kaibgn niya kaya nilahad ko yung kamay ko isa isa sakanila at nagpakilala naman ako. "Ako naman si kristine." sabi niya at ngumiti sakin. "Si micha at stephanie TVL kinuha nila,ganon karin ba?" tanong ni jaja sakin."Yes pero hindi kami magkaklase eh" sabi ko. tumango nalang siya at sabay tayo namin lahat dahil mag sisimula na yung misa. hindi na rin dumaldal si micha, pag tapos nung misa sabay sabay kami lumabas. "may pupuntahan kapaba aly? gusto mo sumama sa amin? mag milktea kami diyan lang sa kabilang kanto? gusto mo sumama?" tanong ni kiyomi sakin. Lahat sila inaabang yung sagot ko."lakad lakad lang sana pero sige sama ako para may bago rin akong kaibgn!" sabi ko sabay ngiti sakanila. sabay sabay kami nag lalakad papunta sa milktea na sinasabi nila, nag uusap sila pero sinasama rin nila ako sa pag uusapan nila para raw hindi ako ma OP mas naging close ko si kiyomi dahil magkaparehas kami ng hobbies katulad ng pag babasa. pero naging close ko rin si micha at naeomi yung ibang kasama nila slight lang. Nalaman ko na malapit lang pala bahay ni micha sa amin sabihin na natin isang kanto lang ang pagitan si kiyomi naman nakatira sa bangkal si naeomi sa may cartimar raw si jaja sa libertad at si jessa rin si hilaree malapit lang sa school namin si stephanie naman sa leveriza naman malapit sa libertad. Pumasok na kami sa milkteahan at umorder,maganda yung store umorder lang ako ng salt caramel milktea ang iba magkakaparehas puro chocolate milktea inorder nila. favorite ko kasi yung salt caramel lagi ako nag oorder sa i love milktea, first time ko umorder sa ibang branch. umupo kami at inaadd naman nila ako sa sss at finallow sa i********: at twitter, sinali rin nila ako sa groupchat nila. bumulong sakin si micha na gagawa raw rin siya ng group chat namin tatlo ni step. kinwento rin sakin ni micha na hindi niya raw mashadong close si kristine at hilaree pero si jessa at jaja at naeomi close niya raw. pag ka ubos ng milktea namin umuwi na kami, pero nauna sila tine at hilaree at jessa,jaja,naeomi. kaya kami nalang tatlo natira. "Aly okay lang ba sayo maging mag kaibgn tayo? or bestfriend?" tanong ni micha sakin. "Okay lang naman, ikaw ba step?" tanong ko sakanya sabay tingin. "Oo naman" sabi niya sabay ngiti. hinatid naman namin siya sa sakayan ng jeep at sabay kami nag lakad ni micha dahil malapit lang bahay nila samin. "Dito nalang ako aly, thankyou ngayon araw! hindi ko inakala na makita ka namin kanina"sabi niya sabay ngiti."sana mas maging close ka namin."sabi niya pa at umalis na kaya kumaway nalang ako. umuwi na rin ako sa bahay hindi na ako kumain kaya nag bihis at nag hugas nalang ako ng plato dahil umalis si tita nag grocery dahil pasok nanaman bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD