maaga ako nagising dahil sa sakit ng ulo ko! eto ba yung sinasabi nilang hang'over? s**t! kapag na'alala ko yung ngyari kagabi parang ayoko ng bumaba!grrr! 6 am palang ng umaga at tulog pa yung ibang kasama ko,kaya napag'desisyon ko nalang na bumaba at mag luto ng agahan. pambawi manlang kahapon na buong araw lang ako natulog.
bumaba na ako at dumeretso na ng kusina. good thing kompleto ang mga sangkap dito sa kusina, kaya inuna ko muna lutuin ko a sinangag tapos itlog,hotdog,ham,bacon. pag tapos kong lutuin lahat ng iyon at sinunod ko naman gumagawa ng pancake.
habang inihalo ko yung harina at itlog biglang may umupo sa lamesa kaya lumingon ako at nagulat ako dahil si kurt pala yon.
"Goodmorning coffee?" tanong ko saknya at kinuha yung coffee maker.
tumango lang sya at binigay yung baso sakin kaya nilagyan ko siya ng kape. pag tapos non bumalik na ako sa ginagawa ko at nag simula na mag luto ng pancake, minuto'minuto lumilingon ako sa gawi niya at nung pag lingon ko ulit nakatingin na sya sakin at nakataas na yung kilay niya.
"What? kanina kapa lingon ng lingon sakin." tanong niya sakin.
"wala akala ko kumakain kana eh." pag dadahilan ko saknya.
halatang hinidi siya na kumbinsido sa sinasabi ko tumango nalang siya at biglang dumating yung mga kasama namin.
"Good morning guys!" sabay nilang samin dalawa ni kurt.
"ang aga niyo naman dalawang magising!" takang sabi samin ni julia.
"para may bebe time daw pre!" natatawang sabi ni mark.
"ulol kayo anong bebe time! kasama natin girlfriend ni kurt! para kayong mga timang!" naiinis na sabi ko sakanila.
"yeah guys aly is right!" mataray nyang sabi. "you know aly It's obvious that you are jealous of me." mataray nyang sabi sakin kaya nagulat ako. tatayo na sana ako ng bigla akong hawakan ni sandra at tinignan ko sya at sinsabi nyang 'kalma kalang'.
"excuse me girl! why should I'll be jealous of you? I don't like him btw haha you're funny ha?!" sabi ko sabay tawa.
kaya napahimik sila sa sinabi. umalis ako doon sa lamesa at umakyat sa taas para maligo. pag tapos kong maligo umupo ako at ang daming text sakin ni tita at ang dami nya rin tawag, kaya tinawagan ko sya at sinabing okay lang ako walang masamang ngyari. pag tapos non lumabas na ako may narinig akong sigaw at tawa kaya napa hinto ako at nakinig sa mgga sinasabi nila.
"ang rude naman ng soon to be girlfriend mo, couz!" sabi pa ni angela?! mag pinsan sila? pero nakita ko sila kagabi nag lalandian ah?
"nope! hindi ganon si aly." singit pa ni mark.
"sigurado talaga kayo sa plano nyo? feeling ko may gusto si aly kay kurt. pero hindi pa sure sa feelings nya, bigyan nyo ng time guys! wag nyo i'presure yung tao!" sabi pa ni andrea.
"tama si andrea!yang ginagawa mo kurt mas lalo molang sya pinapahirapan ang sitwasyon nyong dalawa, lalo na si aly." sabi rin ni julia.
"pero support parin naman kami sayo,alam namin since grade-9 crush mona talaga si aly. kaso nga diba hindi ka nag fi'first move kasi crush nya tropa mong si kyle? pero dahil akala ni aly pustahan lang ang ngyari,i'uncrush nya na daw. alam mo pre crush rin sya ni kyle. alam nya rin may gusto saknya si aly,pero dahil pinipigilan mo. hindi rin sya nag fi'first move kagaya mo. kaya pag kakataon mona to ngayon." sabi ni bryan kay kurt.
so..may gusto rin pala sakin si kyle?pero dahil pinipigalan siya nila kurt,hindi na nag fifirtst move si kyle? at yung sinasabi nyang crush nya since grade-9.ako yun? s**t! tanga mo aly! na kay kyle lang kasi palagi yung paningin ko eh! kaya akala ko talaga tropa lang kami ni kurt!
"sana hindi to malaman ni aly! dragon pa naman yun nagagalit! at idol nya pinsan mo kurt! HAHAHA! si elijah? diba sikat yun? idol nya at yun yung crush nya ngayon eh!" natatawang sabi ni david.
"yeah! i know so please shut up!" sigaw ni kurt kay david.
pikon talaga to si kurt kahit kailan talaga!
"nako! ayaw pa naman ni aly sa pikon!" ng aasar na sabi ni mark.
sa sobrang pigil kong tumawa nahampas ko pala ang flower vase kaya napatahimik sila kaya lumabas ako kunwari walang narinig. habang pababa ako nakatitig sila sakin gusto kong tumawa sa mga itsura nila! para bang nakakita sila ng multo! HAHAHA.
"Bakit kayo ganyan makatingin sakin? kakatapos kolang maligo eh." sabi ko at umupo sa dami ni micha at kumuha na ng sinangag.
"A-ah sigurado kaba aly na kababa mopalang? may narinig kasi kami kanina na may nahulog na flower vase eh." kinakaban na tanong sakin ni bryan.
gusto ko talaga tumawa sa mga itsura nila pero pininpigalan ko para hindi ako mabisto!
" ahm,oo hinawakan ko kasi yung vase tapos nadulas sa kamay ko kaya ayun." sabi ko habang kumakain.
"wala kabang narinig nung pag baba mo?" tanong rin ni alex.
gusto ko talaga tumawa kaya hindi kona napigilan tumawa.
"HAHAHAHA! para kayong tanga! bakit parang nakakita kayo ng multo? wala akong narinig sa mga sinasabi nyo or ano man yan!" natatawang sabi ko.
nakahinga naman sila ng maluwag sa sinabi ko pero tuwing iniisip ko yung mga sinabi nila kanina naiinis ako. bakit nila kailangan ako pag selosin? tsk! yan pala gusto nyo ha? sige sabayan ko trip nyo.
At ayun na nga nagiging sweet si kurt sa pinsan niya at ganon rin si angela halatang napipilitan lang siya,tuwing tinitignan ko sila bigla nalang silang dalawa nagiging sweet at dahil alam ko plano nila natatawa nalang ako.kung hindi ko alam plano nila baka ngayon inis na inis na yata ako haha pero guys sorry alam ko na mga plano niyo kaya lagot kayo sakin. kung nakokonsenya kayo kusa nyong sasabihin sakin.
Bakit parang mas naawa ako kay kyle? so pinipigilan nila si kyle na pumorma sakin? kaya ba lagi nila akong kasama? ang daming tanong sa isip ko kung bakit ganon?