Tumango ang nurse. "Sige po. Tawagin n'yo lang ako kung may kailangan kayo." "Thank you." Nang umalis ang nurse ay saka gumalaw si Irish. Bawat hakbang niya ay katumbas ng malakas na sipa sa kanyang dibdib. Wala siyang ibang naririnig kundi ang t***k ng kanyang puso at ang mahina niyang pagtangis. "Oh, Keith, kailan ka ba mapapagod sa pagsagip sa buhay ko?" Nagpahid siya ng mga luha at tumabi sa binata. Maingat niyang hinaplos ang buhok nito at ang parte ng mukha na walang sugat. "This is all my fault. Kung hindi ako umalis ng bahay, hindi mo ako susundan at hindi mangyayari ang aksidente. Now I'm dealing with the fear of losing you." Hinawakan niya ang kamay ni Keith na hindi nakatusok sa IV fluid, saka inangat sa mga labi niya upang halikan. Idinikit niya ito sa kanyang pisngi na b

