“Sigurado ka bang magaling ka na, hijo?” nag-aalalang na usisa ni Ginang Imelda kay Keith. Kanina pa nakalabas ang kanyang asawa na si Horacio at kasalukuyang naghihintay sa sasakyan. Kung gaano kakampante ito ay kabaligtaran naman niya na halos mangiyak-ngiyak pa rin katulad noong nabalitaan nilang naaksidente ang anak at ang asawa nito. “Kung gusto mo, kukuha ako ng private nurse para samahan ka.” Nahihiya siyang ngumiti kay Irish na nakayakap sa asawa. “Ayaw ko lang na maabala ka Irish dahil nagta-trabaho ka rin.” “Mama naman.” Natatawa na nagbuntong hininga si Keith. Masuyo niyang inakbayan si Irish at hinalikan ito sa buhok habang nakatingin pa rin sa ina. “Dalawang linggo akong na-confined kaya ayos na ako. Isa pa, hindi ko kailangan ng nurse. Nakakahiya naman sa asawa ko, baka sa

