Kabanata 1.

1025 Words
Hati ang atensyon ni Keith sa binabasang kontrata at sa cleavage ng sekretaryang halos lumuwa na ang dibdib dahil sa sobrang baba ng neckline. Gayunman, hindi niya pinahalata na distracted sa magandang tanawin. Tumikhim siya at itinuon nang ubod seryoso ang focus sa dokyumentong kanyang pipirmahan. "May problema ba, Engineer?" Hinawakan ng sekretarya ang isang kamay ni Keith, dahilan kaya umangat ang mukha niya rito. "Limang araw na 'yang nasa mesa mo. May nakita ka bang anomalya sa kanila at hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasa sa 'yo?" "Wala naman, Winona," pagtanggi ni Keith at mabilis na umiling. "Matagal ko nang kakilala ang may-ari nitong GDA Metal Fabricator Corp. Wala akong nakikitang anomalya sa kanila at maganda rin ang galaw nila sa merkado." "Iyon naman pala. Bakit parang nagdadalawang-isip ka pa?" tila naiinip na tanong ni Winona. Nag-ayos siya sa pagkakaupo ngunit hindi niya batid na lalong bumaba ang neckline ng blouse niya. Palibhasa'y sanay na siyang mag-suot ng sexy. Bago tuluyang matulala rito si Keith, nagbuga siya ng hangin at muling yumuko sa mga papel. Bakit nga ba? Dahil ba ito ang unang beses na magpapatibay siya ng bagong business partner? Na baka kapag nagkamali siya, magsisi ang kanyang ama na ipinagkatiwala sa kanya ang kompanyang itinatag nito galing sa scratch? Anim na buwan pa lang ang nakararaan nang umupo siya bilang bagong CEO ng De Asis Construction and Development Phil. Inc. Hindi niya nanaising mabigo sa kanyang unang kontribusyon. "Gusto mo ba, mag-set akong muli ng meeting kasama si Engineer Angeles?" pag-aalok ni Winona. Tatayo na sana siya nang magkumpas ng kamay si Keith. "Hindi, huwag na," aniya at pinindot ang dulo ng ballpen upang pirmahan ang siyam na pahinang dokyumento. "Ilang beses na akong bumibisita sa kanila. Halos kabisado ko na ang mga kalakaran nila kaya walang dahilan na magduda. Isa pa, kaibigan ko si Gabe." Ibinalik ni Keith ang mga papeles sa folder at ipinasa sa naghihintay na kamay ni Winona. "Alam mo na ang gagawin diyan." Malawak ang pagkakangiti ni Winona habang tumatango. "Okay, Engineer. Maraming salamat." Kinagat niya ang labi at kumindat bago tumalikod at mapang-akit na naglakad palabas ng opisina. Nang siya'y mag-isa na, tila nabunutan ng tinik si Keith. Hindi dahil napirmahan na niya ang kontrata kundi wala na sa paningin niya si Winona na halos hubaran siya gamit ang nakaaakit nitong pagtitig. Walang ideya ang sekretarya kung ano ang epekto sa kanya ng body language nito. Lingid sa kaalaman ni Winona, naninikip na ang pantalon niyang dati nang masikip sa kanya. Noong hindi pa siya ang CEO, lingid sa kaalaman ng marami, madalas dumarayo si Winona sa kanyang opisina upang bigyan siya ng maiksing kasiyahan sa pamamagitan ng pagposisyon nito sa pagitan ng kanyang mga hita. Ngayong siya na ang nasa pinakaitaas, hindi pa ito nabibigyan ng pagkakataong gawin ang nakasanayan dahil na rin sa pakiusap niya. Kailangan niyang mas magpakaresponsable nang walang maipintas ang kanyang ama sa pamamalakad niya. Gayunman, wala pa namang naipipintas sa administrasyon niya magpahanggang sa ngayon. Ang kailangan lang niyang gawin ay ipagpatuloy ang pag-focus sa trabaho at iwasang tumingin-tingin sa sekretarya niyang pinaglihi sa anghel at demonya. ALAS DIYES ng gabi nang lumabas sa kompanya si Keith. Katulad ng dati, pagod na ang kanyang utak at katawan kaya wala na rin siyang lakas upang asikasuhin ang sarili pag-uwi sa kanyang apartment. Kagaya rin ng nakagawian, sa boarding house ni Winona kusang lalandas ang kanyang sasakyan. Espesyal na araw pa naman ito para sa kanilang dalawa. Kaya nga kahit gaano siya ka-busy kanina, hindi niya nakaligtaan na mag-order ng mga rosas bago kumagat ang dilim. Ilang minuto pa'y natagpuan ni Keith ang sariling kumakatok sa pinto ni Winona. Agad naman siyang pinagbuksan nito at hinila papasok ng boarding house. "Happy fifth anniversary, babe," malambing na bulong ni Keith sabay halik sa mga labi ni Winona. Doon niya napansing nakasuot lamang ito ng spagetti strap top at sobrang nipis na bikini panty — iyong puwedeng punitin sa isang kalabit lang niya. Muli siyang nag-angat ng mukha. "Mga rosas para sa 'yo." "Napaka-sweet mo talaga, babe!" Ipinatong ni Winona ang mga bulaklak sa sofa at muling pumulupot kay Keith. "Akala ko hindi ka na darating. Hihintayin nga sana kita pero ang tagal ng meeting n'yo." "Maaari ba naman 'yon?" Dinala ni Keith ang mga kamay ni Winona sa kanyang mga labi upang halikan. "Babe, hindi ko pinapalampas ang mga mahahalagang bagay." "Oh, na-touch naman ako." Muling sumilay ang matamis na ngiti sa maamong mukha ng dalaga. "Sandali, kumain ka na ba?" "Hindi pa nga, eh," reklamo ni Keith na umaaktong tila nanghihina. "Aw, kawawa naman ang babe ko. Dahil diyan, may ipapakita ako sa 'yo." Sumilay ang mapanuksong pagngisi ni Keith habang pinagmamasdan ang halos hubad na katawan ng dalaga. "Masaya na ako sa nakikita ko ngayon." "Hindi ako, 'no!" Hinila ni Winona ang nobyo hanggang sa makarating sila sa kuwarto. Kumislap ang mga mata ni Keith pagkakita sa anyo ng silid. May mga nakakalat na talulot ng bulaklak sa carpet at ibabaw ng kutson. Sa tabi ay may maliit na mesa at nakapatong dito ang nagyayabang na bote ng Pinot Noir katabi ng dalawang wine glass. Humahalo sa matamis na halimuyak ng kapaligiran ang katakam-takam na amoy ng Chicken Alfredo, ang paborito niyang pagkain. "Wow, pinaghandaan mo pala ang araw na 'to, babe. Ang balak ko nga sana ayain kita sa labas." "Lagi naman tayong lumalabas. Gusto ko namang maging pribado ang fifth anniversary natin." Bago makasagot si Keith, inaya siya ng dalaga sa gilid ng kama upang maupo siya roon. Pagkatapos ay lumayo ito at mapungay ang mga mata na tumitig sa kanya. "Ikaw na lang lagi ang nagpapasaya sa akin. Hayaan mo namang ako ang magpasaya sa 'yo, Keith," bulong ni Winona at ilang saglit lang, hubad na itong sumasayaw sa harapan ng binata. Awtomatikong nabuhay ang katawang lupa ni Keith. Tila bumilis ang pagdaloy ng dugo sa mga ugat niya at ang karamihan sa mga ito'y pababa ang direksyon. Muli na naman niyang nadama ang paninikip ng pantalon. Hindi nagtagal, namalayan na lang ni Keith na isa-isang tinatanggal ni Winona ang ilang patong ng kanyang pananamit pati pantalon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD