"H-huh?" May bahid ng kaba ang pagtawa ni Keith. "S-sigurado ka ba?" Ilang segundo ring natulala si Keith sa tanong ng kanyang fiancee. Kalmado siya sa labas ngunit sa loob ay tila nagpa-panic ang kanyang mga selyula. "Please come with me to Milan. Pwede naman tayong mag-honeymoon doon, di ba?" Masuyong hinaplos si Keith ang mga kamay ni Irish. "Pero hindi ako puwedeng mag-stay sa Milan nang isang taon, love. Nasa crucial stage pa ang kompanya. Hindi ko pwedeng iwan sa ganitong sitwasyon." Dismayadong yumuko si Irish. Nauunawaan naman niya ang rason ng kasintahan dahil negosyante rin itong kagaya niya kaya. Siya man ay hindi maaatim na iwanan ang kompanyang nagpapakain sa kanyang mga emoleyado. Ngunit bakit masakit pa rin itong pakinggan? "Okay..." "Irish." Hinalikan ni Keith ang mga

